chapter 5

112 14 1
                                    

YEXIE'S POV

Maaga akong nag-ayos ngayon. Maaga kasi ako pinagising ni gramps.
Sa totoo lang, antok na antok pako! WTH!! Ginabi na din kasi kami sa paglalaro ni red. -_-

Di ko naman kasi alam na ganito pala kaaga. Kaines! Sana pumasok nalang ako sa office.

Kasalukuyan akong nakaharap sa salamin ngayon at nagsusuklay... Haba na pala ng buhok ko. Lampas na sa bra line. Pagupit kaya ako? 1x1? Chos!

Feel ko magpagupit pero saka nalang.

Habang nagsusuklay di ko naiwasang mapatingin sa batang natutulog sa kama ko. Yieee!!! ^_^ ang peaceful ng tulog ng baby ko.

Dito na kasi siya nakatulog sa pagkukulitan namin last night! :-D

Hays! I didn't expect na habang lumalaki siya e, mas bibilis pa ang panahon.

Don't grow up too fast little boy! I'm gonna miss you! (_ _)

Korni ko medyo teary eyed na ako. Shet! Nagiging emotional ako when it comes to my son.

Lumapit ako sa kanya and then I gave him a kiss.
" I know I'm not enough son, but I'll do my best to make you feel complete and happy. I will love you forever. " and then I suddenly hugged him.

*tok tok

"ma'am yexie, nakahanda na daw po ang sasakyan. Bumaba na daw po kayo at ako na ang bahala kay Red. "

Hinawi ko ang buhok ni Red at nag- goodbye kiss na sa kanya. Hindi ko na siya gigisingin pa, sayang ang mahimbing nyang tulog.

Inayos ko ang mga gamit ko at naglagay lang ako ng lip gloss at inayos ang buhok ko in a messy bun. Di na rin naman ako masyadong naglalagay ng make up unlike nung mga panahong ugh! Nvm. Saka medyo medyo ,medyo lang naman ang pagkatanned ng skin ko. Galing nga kasi kaming outing. Remember? ang dahilan ng lahat ng to.

Kinuha ko ang shades ko at bumaba na.

Pagkalagpas ko ng hagdan naamoy ko ang nilulutong agahan.

Shet! Pinaaalis ba talaga ako ni gramps ng di man lang kumakain??

He don't do that to me!!!!

Papalakad na sana ako papuntang dining area ng may magsalita

"ma'am, kanina pa po kayo iniintay ng driver. Alis na daw po kayo sabi ng lolo nyo. "

"ah ganon? Di nyo man lang ako pakakainin? OKAY! Fine! Sorry poooo!" umarte pako na parang si chichay at umirap habang naglalakad palabas.

Makaalis na nga lang!
Ke aga mabubwiset ako. Mamaya nalang ako kakain! Tiis ganda ako. Tiis gutom!

Minsan din talaga lumalabas kamalditahan ko e. Lalo na pag may nag PROVOKE SAKIN. Bumibeast mode ako e.

Kaloka din tong si gramps e. Nakaalis nako at lahat di man lang kami nagkausap e nasa bahay lang naman din sya! ANG GALING ANU PO?

Wala tuloy akong kaalam- alam sa mga mangyayari today. Kasi pamysterious effect pa si gramps kahapon habang kausap ko e.

Pero sa totoo lang, wala din ako naintindihan e. Hahahaha basta ang inintindi ko. MAGIGING TRAINER AKO AT MADALI LANG YON!! At MAHAL AKO NI GRAMPS, KAYA GANUN.

Yun lang ang alam ko. And the rest di ko na alam ang iba. Hahaha pre- occupied kasi ng sarili kong thoughts ang utak ko kahapon e.

San ba kasi kami pupunta?

MISS TALK of the TOWNTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon