1st part

5.6K 62 1
                                    

written by : GirlAtPlace (GAP)

 Iyak .. pagluluksa .. lungkot .. 

 yan ang mga nararamdaman ng mga tao sa paligid ko ng mawala ang mama ko ..   

nakalagay siya sa malaking kahon na kulay puti ... 

 lahat kami nalulungkot sa pagkawala niya , lalo na ang ate kong si  ate Ynah .

.malapit kasi siya sa mama namin kaya ganun nalang siya kung maka iyak tuwing gabi ,halos hindi na siya kumakain at umaasang mabubuhay pa si mama ..    

 Namatay ang mama ko dahilan ng pag kakasaksak ng madaming beses sa kanyang katawan.. Nanakawan daw sana kami at tamang tama raw na si mama lang ang nasa bahay ..    

heto ako ngayon, inaalalayan si ate .. umiiyak parin siya .. hindi ko alam kung paano ko siya mapapatahan .. nag aalala na ako sa kalagayan ni ate. Sobrang sakit na makita siyang nagluluksa nang sobra-sobra habang ako ay walang magawa kundi ang manatili sa tabi nya at makinig sa mga hagulhol niya habang hinahagod ang likod niya ..

"ate , pahinga na tayo ? gabi na eh " tanong ko kay ate habang nakatingin sa ibang dereksyon . hindi siya sumasagot .. 

"Ynez , pasok na kayo sa bahay ,magpahinga na kayo ng ate mo .. " sambit ni auntie sakin .

"opo, auntie .. " sagot ko . "  ate , halika na sa loob ? lumalamig na oh " sabay hawak ko sa kamay niya , pero nakatingin pa rin siya sa dereksyon na tinitingnan nya kanina ...

" sino siya ? " sabay turo niya sa dereksyon na tinitingnan nya kanina .. sa wakas nag salita na si ate Ynah .. lumingon naman ako sa tinuro nyang dereksyon at nakita ko ang isang lalaki ..

lalaki ? siya ang kanina pa tinitingnan ni ate Ynah ?

pero ngayon ko pa siya nakita  at di ko siya kilala ..

"di ko alam ate , hindi ko siya kilala .. sige na ate , pasok na tayo sa bahay ?" sagot ko sa kanya .

"hindi , dito lang ako .. titingnan ko lang siya .." hindi ko alam kong ano ang pumasok sa isip  ni ate pero titingnan nya yung lalaking yun ? hindi ko na siya pinlit ulit , pumsaok na ako sa bahay mag-isa .. kailangan ko na talagang magpahinga .. 

kinabukasan , ganun pa rin ang mga pangyayari .. wala masyadong nag bago maliban sa ate ko ..

palaging siyang nakatitig sa lalaking bumibisita sa mama namin .. minsan nahuhuli kong ngumingiti si ate Ynah habang nakatingin sa lalaking yun , pero pag tumatabi ma ako sa kanya , bigla nalang nawawala yung mga ngiti nya .. Akala ko nga ako lang yung nakakapansin kay ate na ngumingiti mag isa , pero si auntie din pala , napansin niya ..

isang araw,  hindi ko na talaga matiis ang koryusidad nato  , kaya lumapit ako kay ate na kasalukuyang ngumingiti mag-isa habang naka tingin sa lalaking yun ..Pag lapit ko sakanya ,inaasahan kong mawawala yung ga ngiting nasa labi ni ate Ynah ..

"ate .. may itatanong sana ako sayo " sabay upo ko sa gilid niya , hindi siya sumagot . nanatiling tahimik siya na nakatitig sa lalaking yun .

"ate , bakit ngumingiti ka kapag nakatingin ka sa lalaking yun ?" sabay turo ko sa lalaking na ka upo sa bandang harap namin na naka sideview ang mukha .

 biglang tumingin si ate sakin na deretso sa mata .

"dahil gusto ko siya " deretsong sagot niya sakin . Inaamin ko, nagulat ako .. magkakagusto si ate Ynah sa lalaking yun sa pamamagitan ng pag titig lang ?

"sigurado .. k-ka ate ?" tanong ko sakanya ..

"oo" malamig nyang sagot .

"Ynez , ikaw muna bahala sa mga bisita dito ha " tawag ni auntie sakin .. tumayo nlang ako na gulat parin .. tiningan ko yung lalaki sa mukha .. gwapo siya  at halatang hindi siya taga rito .. sino ba kasi siya ?

ilang beses na akong nagtangkang lumapit sa kanya pero pagtumitingin ako kay ate , natatakot akong lumapit ng tuloyan .. Galit yung nasa mga mata nya habang tumitingin ako sa kanya . 

( A/N : mahal kong readers .. sa susunod nalang yung continuation nito ha .. short story lang toh.. PRAMIS ^_____^ )

OBSESSION *completed*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon