3rd part/END part

3.1K 38 9
                                    

gustong gusto ko na siya tulungan, pero parang wala akong magawa para kay ate Ynah .

natatakot ako sa kanyang lumapit kasi palaging tirik yung mga mata nya na dapat hindi ako matakot kasi kapatid ko siya, pero natatakot ako .. 

Ganun pa rin si ate Ynah sa mga sumunod na araw .

Palaging nagwawala sa loob ng kwarto niya kasi gusto daw niyang makita ang lalaking yun .

Ilang beses na rin siya nag tangkang mag laslas pero hindi natutuloy kasi naaabotan ko siya .

Dumating yung araw na kailangan ni auntie pumunta ng probinsya para bisitahin sina lolo at lola doon . Hindi na ako nag abalang sumama  kay auntie kasi walang mag babantay kay ate Ynah . Kaming dalawa nalang ni ate Ynah ang magkakasama sa isang bahay . Nung una nakaramdam ako ng takot dahil kami nalang dalawa sa iisang bahay , baka kasi may gawin si ate na hindi kanais nais .. natatakot ako .. natatakot ako sa pwedeng mangyari sakin dito kasama si ate Ynah .

Gabi na nun .Wala na si auntie sa bahay ,pumunta na ng probinsya.

kasalukuyan akong natutulog nang bigla akong nakaramdam ng uhaw  kaya napag desisyunan kung lumabas  ng kwarto.

 tumayo ako sa pagkakahiga ko at tinignan ko kung anong oras na .  12:34  na pala ng hating  gabi.. Lumabas ako ng kwarto ko, madilim at tahimik na ang paligid . Tinignan ko ang pintuan ni ate Ynah at nakasarado namn to , malamang natutulog na yun o di kaya nag iisip kung ano ang gagawin niya para makita lang ulit ang lalaking yun .. Kapag lumalabas kasi si ate sa kwarto noon , iniiwan nyang naka bukas ang pintuan ng kwarto niya , kaya naka hinga ako ng maluwag nang makita ko ang pintuan sa kwarto ni ate na nakasarado .

papunta na sana ako ng kusina pero nagulat ako  nang makita ko si ate Ynah na  nandon .

 Nakatalikod siya at parang may kinuha sa kitchen utensils namin.Naramdaman ko nanaman ang takot na bumabalot sakin pag nakikita ko si ate Ynah . Hindi namn ako ganito dati ah .

"a.. a.. ate ..Y..n..ah ?" pero sa kabila ng lahat ay tinawag ko parin siya .Kahit takot na takot na ako sa di ko alam na kadahilanan ay nagawa ko paring bigkasin ang pangalan niya. Bakit na nga ba ako natatakot kay ate Ynah ?

pagkatawag ko sa pangalan ni ate Ynah , lumingon siya ng dahan-dahan at humarap siya sakin.Bigla siyang ngumiti at kinilabutan na ako sa ngiti nya. Hindi tulad noon na kapag ngumingiti siya napapangiti di ako .

"bunso ko .. Ynez .. lumapit ka dito .. namimiss na kita " 

sinabi nya sakin yun na para bang nasasabik siya na lumapit ako sa kanya , pero takot ako na lumapit sa  kay ate Ynah .. nag aalangan ako na hindi na namn dapat dhil si ate Ynah lang namn siya , kapatid ko lang namn siya , pero bakit hindi ko kayang magtiwala sa kanya ngayon ? bakit  nakakaramdam ako ng takot ?

"sige na Ynez ... miss na kita .. payakap please .. please ? " 

pero kusa na talagang lumapit ang mga paa ko papunta sa kinaroroonan niya .

pagkalapit na pag kalapit ko sa kanya , agad niya akong niyakap. 

hinaplos haplos niya ang buhok ko ,  hindi ako makapag salita .

takot ,lungkot , kaba , at kilabot ang nararamdaman ko .

"Ynez .. may naisip na ako kung pano ko makikita ulit ang lalaking yun "

 (A/N : bitin muna guys ah .. megagawin lang ako .. sa susunod nalang ako mag uupdate pero wag nyo po akong kamuhian guys ah .thanks ^________^  last part na po to pero may continuation pa po )

sa mga katagang binitiwan na yun ni ate , biglang nanlambot ang tuhod ko ..

parang nawalan ako ng lakas .. nararamdaman ko na ang takot at tensyon na bumabalot sakin ngayon ..

naramdaman ko ang pagtulo ng luha ko sa pisngi ko ..

" a .. a.. te " pilit kong binigkas ang mga salitang yan .. gusto kung gumalaw , gusto kong makawala sa yakap nya , pero sadyang nanghihina na ako ng sobra sobra .. umiiyak ako ng tahimik sa balikat ni ate ..

" shhhh .. sa wakas magkikita na kami ulit ng lalaking yun .. ikaw magiging masaya ka na rin kasi .."

kumalas siya sa pagkakayakap niya at hinarap niya ako sa kanya .. ngumiti siya sakin pero kinikilabutan ako .. lalong lumakas ang pag kabog ng dibdib ko .. natatakot ako sa susunod na mangyayari ..

" .... makakasama mo na din si nanay "

pagkasabi nya sa mga salitang yun bumagsak na lahat ng luha na namumuo sa mata ko ng makaramdam ako ng sakit sa tiyan ko .. saksak ng kutsilyo na nanggaling sa likod ni ate Ynah .. nakaramdam ako ng sakit pero hindi ako nakapalag .. masyado akong nagugulat sa mga pangyayari ..

" naisip ko lang kasi , na kung ibuburol kana , lalamay siya . kaya magkikita na kami ulit Ynez "

nasaktan ako sa sinabi ni ate ..

papatayin nya ako para makita lang ang lalaking yun ? 

mas gugustuhin nyang mawala ako basta lang makita nya ang lalaking yun ?

"pero , Ynez .. makakasama mo na din si mama .. kaya masaya na tayong lahat "

tapos tumawa siya .. inulit ulit pa nya ang pagsaksak sakin na naging dahilan para mapa upo ako sa sahig .. masakit na  .. masakit na masakit na talaga .. masakit na ang nararamdaman ko ..

pero para kay ate Ynah , ipapa ubaya ko nalang pati buhay ko sakanya .. hindi ko alam kung bakit ganun ka obsess si ate Ynah sa lalaking yun .. 

wala na .. 

wala na akong marinig ..

wala na akong makita ..

wala na akong maramdaman ..

gusto ko nalang din makita si mama .. gusto ko nalang din maging masaya si ate .. kahit labag sa puso at nararamdaman ko ..  

sana sumaya nga si ate sa ginawa niya ...

END -----

( A/N : ito po ay eepal muna ako note >> WAAAAAAAAAAAAHHHH !!! Im very sorry sa ending na ginawa ko .. T^T sorry nmn noh kung panget ang pagkaka ending ko .. uhuhuh .. pero thanks parin po sa pagbabasa .. ^_________________^ basahin nyo din po ang isa ko pang story na TODAY IS VALENTINES DAY .. ang di  bumasa nun , multuhin sana kayo ng konsensya nyo ! pero joke lungs ^___^v .. ehehe ... ending na po talaga to PRAMIS !! thanks ulit .. BABOOOO !! *kaway* )

-KIT :)

OBSESSION *completed*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon