Kaya hindi ko nalang tinutuloy yung pagtatangkang lumapit sa lalaking yun ..
Ilang araw pa ang lumipas sa burol pa rin yun ng mama ko .. Marami na ding pinagbago ang ate Ynah ko . Katulad nalang na palagi siyang nagpapaganda bago lumabas .. Siguro nag papaganda siya dahil sa lalaking yun pero di parin siya pansin ng lalaking yun .. Ngumingiti siya mag isa , hindi pa siya pumapasok ng bahay hanggang sa di pa umaalis yung lalaking yun .. Minsan nga naitatanong ko sa sarili ko kung ka ano-ano ba namin ang lalaking yun at bakit siya lumalamay sa burol ng nanay ko .. Pero di na ako nag tangkang lapitan siya ulit , dahil nanlilisik ang mata ni ate Ynah sakin ..
Parang di na siya yung ate Ynah na nakilala ko dati ..
Malaki na talaga ang pinagbago nya ..
Dumating din yung araw na ililibing na ang mama namin ..Nung nilibing na si mama, puro iyak ang ang naririnig ko .. Pero si ate Ynah lang ang napansin ko ..
Di na siya umiiyak ? di rin siya mapakali .. Tumitingin siya sa paligid .. para bang may hinahanap ?
pagkatapos ng libing na yun , kahit papano , nakapag move-on nako na wala na si mama .. nakakapag adjust nako maliban nalang kay ate Ynah ..
gabi-gabi hindi na siya natutulog , palagi nalang siyang nag sta-standby sa labas ng bahay namin kung saan naganap yung burol ni mama .. Hindi pa rin siya kumakain .. Pumapayat na nga siya at nag mumukha ng adik dahil sa itim ng mata niya .. Nakakatakot na tignan si ate Ynah . Nag-aalala na nga kami ni auntie sa kalagayan niya eh ..
Isang gabi nga, tinanong ko siya kung bakit siya namamalagi sa labas ng bahay "gusto kung makita ang lalaking yun " yan lang ang paling sagot niya sakin ..
obsess na obsess na talaga si ate sa lalaking yun ..Palagi nyang bukam bibig ang lalaking yun .. minsan nga bigla-bigla nalang siyang lalabas sa kwarto niya tapos mag wawala siya sa sala namin dahil sa kagustuhan niyang makita yung lalaking yun .. Sisigaw siya at hinahagis nya ang mga gamit na naabot ng paningin niya .. Natatakot na ako sa kalagayan ni ate .. Nababaliw na siya sa kakahanap sa lalaking yun ..
BINABASA MO ANG
OBSESSION *completed*
Short StoryDahil sa kagustuhan ng ate ko na makita ang lalaking matagal na niyang pinagmamasdan , magagawa ko nalang na ipaubaya ang kagustuhan niya na labag sa kalooban ko .. Magiging masaya ba siya sa gagawin nya ? magiging masaya din ba ako sa pag papaubay...