Chapte 21

10 0 0
                                    

Alexis POV

Kasalukuyang Nandito ako sa Hospital Dahil Inatake na naman si Mommy ng Sakit niya. Hindi ako Nakapasok dahil nagbabantay ako sakanya dahil yung magaling kong AMA nandun sa Business niya! Hindi niya manlang Dadalawin si Mommy dito.

Nasa Tabi lang ako ni Mommy Dito. Pinagmamasdan ko lang siya, Naiiyak ako kasi Nakahiga na naman siya Sa Kama ng Hospital at nahihirapan pa siya. Namimiss ko na yung Dati naming Ginagawa, yung wala pa siyang Sakit.

Biglang Bumukas ang Pintuan. Napatingin naman ako dun, Ang barkada lang pala. Buti pa sila Nakakapunta at nakakadalaw dito samantala yung AMA ko hindi.

"Hey..." Sabi sakin ni JC at tinabihan ako. Tinignan ko lang siya pero iniwas ko naman agad yun. Ayaw kong makita ng Taong mahal ko na umiiyak ako.

"Are you okay?" Tanong niya....Tumango nalang ako.

"Shhhh... Magiging Okay lang si Tita. Andito ako.. Andito kami" sabi niya at hinawakan ang Kamay ko.

Tumahan na ako at nilagay ko yung Ulo ko sa Balikat niya. Pinagmasdan ko lang si Mommy, At dinalaw na ako ng Antok.

JC POV

Naawa ako sa Mahal ko. Naghihirap siya dahil Sa Mommy niya, Lagi nalang siya naiyak. Tinitigan ko lang siya habang Natutulog sa balikat ko.

Naisip ko, Bat Ba ang Torpe ko? Bat ba Hindi ko Maamin na Mahal ko siya? Hay, Buhay nga naman. Basta! Pag Okay na yung Mommy, Dun ako Magtatapat sakanya. Promise ko yun.

*After 1 hour*

Nagising Ako, Nakatulog rin pala ako Kakatitig sa kanya. Natutulog parin pala siya. Nakita ko ang Barkada, Nakatulog din pala sila.

Inayos ko ng Upo si Alexis, Hindi naman siya nagising. Inilapit ko ang Bibig ko sa Tenga niya at sinabi ko sakanya ang Katagang Mahal kita. Bigla naman siyang Gumalaw, Nagulat ako. Jusko! Baka narinig niya sinabi ko. Napatingin ako sa Barkada, Lahat sila nakangiti sa akin. Jusko naman!

"Ikaw ah.... Pasimple ka pa eh" Sabi ni Lester sa akin

"Bro! Grabe namang Da-moves na yan ah! Paturo naman ako... Hahahah!! " Natatawang sabi ni Kuya Dambell sa akin

"Isusumbong kita kay Mama kuya JC! Ikaw ah! Sumisimple ka kay Ate Alexis!" Sabi ni Chandy sa akin

" Nako JC! Umamin ka na kasi, Baka maunahan kapa.." Sabi ni Basha

"Alam niyo.... Ang sarap niyo Konyatan lahat!" sabi ko at aakmang tatayo ng Gumalaw si Alexis at niyakap ako.. Wushu!!

"Wahahahah!!! Ang Epic ng Mukha mo JC! " natatawang sabi sakin ni Kathana, Isa pato! Parehas talaga sila ni Kuya Dambell. 😑

"Ayiiiie! Nagbl-blush siya! " sabi ni Julien. Tangna! Trip ba nila ako. Mas lalo pang Hinigpitan ni Alexis ang Pagkakayakap sa akin Kaya Mas lalo naman akong inasar nila Kuya.

"Tss... TUMAHIMIK NGA KAYO! " Sigaw ko sakanila. Nagising naman si Alexis sa sigaw. Nako po! Yari tayo diyan... 😵

"ANO BANG NANGYAYARI?! BAT KA SUMISIGAW!?" Naiinis niyang Sabi sa akin... Sila kuya naman nagpipigil ng Tawa.

"H-huh, A-ano K-as-e ----- " Hindi ko natuloy ang sinabi ko dahil nagsalita si Kuya.

"Ahm, Una na kami ni Tuyo. Alis na kami! Bye! Hatid ko pa to si Babe eh. " Sabi niya habang pinipigil yung tawa. Siniko naman siya ni Kathana dahil tinawag siyang BABE.

"Hoy Seth! Ingatan Mo yung kapatid ko ah! Una na kami. JC! Magtapat kana kasi! Kaya Bye na!" Sabi niya at Lumabas na pero narinig ko pa ang Tawa niya 😒 Ang lakas ng Tawa ni kuya.

BESTFRIEND (KathNielFanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon