Chapter 23

6 1 0
                                    


Dambell POV

Ilang Araw ko na siyang nililigawan. Natutuwa ako dahil Kahit hindi kami, sweet parin kami sa isa't-isa. Hindi ako nagsisi na siya ang mahalin ko.

Nandito kami ngayon sa Amusement Park, Syempre niyaya ko siyang lumabas.

"Ahm, Dambell?" Kathana

"Hmmm" sabi ko

"Sasakyan ba natin ang lahat ng rides dito?" Natutuwa niyang sabi.

"Opo. Para sayo maging masaya ka lang." nakangiting sabi ko sakanya. Nakita ko namang namula ang Mukha niya kaya lalong akong napangitin.

"Psh! Halika na nga!" sabi niya at nauna na.

Pumila na kami para bumili ng ticket.

"Ahm. Kampana? Gusto ko ng Ice Cream... Pwede bili muna ako?" sabi niya sa akin

" H-huh? Oh Sige. Balik ka agad ah." sabi ko at hinalikan siya sa Noo.

"Opo" sabi niya at umalis na nga.

Nakapila lang ako dito hanggang sa ako na. Wala parin si Tuyo kaya Bumili na ako ng ticket at hinintay nalang siya.

****

KATHANA POV

Nandito ako sa Bilihan ng Ice Cream. Nakabili na ako, Pabalik na ako ng may Nakita akong tao sa Kotse na nakatingin sa akin. Hindi ako pwedeng magkamali! Si Shiela yun.

Pinuntahan ko siya sa Kotse pero nung nandun na ako nawala nalang siya bigla. Tanging isang papel nalang ang nandun. Napaiyak naman ako sa nabasa ko...

Dear Kathana,

Omg! Ngayon lang ako nakapag-paramdam sayo. Balita ko nililigawan ka na ni William. Hahahah! Lubus-lubusin mo na ang mga araw na makasama siya pati narin ang pamilya mo. Nalaman kong hindi pala ako totoong anak nila Mommy! hindi pala kita pinsan! Kaya pwede kitang Patayin at ang MAHAL MO SA BUHAY. IIsa-isahin ko kayo! Syempre, ikaw ang mauuna 😉 Bago sila. May balak ka bang labanan ako? Pwes! kung may balak ka .... edi unahin muna natin ang Magulang mo. Hay nako Kath-kath..... wala ka paring pinagbago. Duwag ka parin! Duwag! Paano ka kaya nagustohan ni William? eh duwag ka naman! isa kang Bitch! malandi! Ang dapat sa mga katulad mo Sinusunog! Pinapatay para mawala na dito sa mundo! Sissy? Umiiyak ka ba? Wag ka munang umiyak okay? I-ready mo nalang yan kapag papatayin na kita. Thanks 💋 Love you!! Paki sabi kay william, Babalikan ko siya 😘😊

PS. Wag kang magtangkang magsumbong kahit kanino. Nandito lang ako sa paligid mo! Nakabantay! Isang maling galaw mo lang patay ang mga Mahal mo sa buhay.

-S The Killer

Napaluhod nalamang ako sa nabasa ko habang umiiyak dito. Eto na naman! Lagi nalang ako nagiging mahina kapag Nababasa ko ang mga sulat niya sa akin.

Gusto kong lumaban! pero paano? Kung lalaban ako? Mapapahamak ang pamilya ko! Hindi pwede! ako nalang wag sila.

Para naman akong may sakit nito. Nabibilang nalang ang araw na makakasama ko sila. Wag muna ngayon, Hindi muna ako iiyak. Sasamahan ko pa si dambell dito.

Tumayo na ako at pinunasan ang mga luha ko. Inayos ko ang sarili ko at bumalik na ako dun. Nakita ko naman siya naka-upo, parang hindi mapakali kaya lumapit ako sakanya.

"Dambell...." tawag ko. Nagulat ako ng bigla niya akong Yakapin ng mahigpit.

"Pinagalala mo ko. Akala ko nawawala kana... Wag mo kong Iwan" bulong niya sa akin

BESTFRIEND (KathNielFanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon