"Good morning, Charlotte." Aunt Lauren greeted me while wearing her usual sweet smile.
Anong good sa morning when the first thing I see is her?
Tinaasan ko lang siya ng kilay at umupo na sa bakanteng upuan, I choose to seat 3 chairs away from her para naman kahit kasabay ko siya sa breakfast ay hindi ko na siya mapapansin pa at magf-focus na lang ako sa pagkain pagkatapos ay aakyat sa kwarto at magkukulong buong araw.
Pero expectations ko lang pala 'yon because the moment she opened her mouth again, unti unti na kong nilalamon ng inis.
"You will be joining some of our farmers sa plantasyon, iha. They will be harvesting tulips. Whole morning nilang gagawin iyon, don't worry. Maliit lamang na parte iyon ng plantasyon ng tulips kaya halfday lang. Sa hapon naman ay tulungan mo si Lucy na mag linis ng buong bahay."
Uminit ang tenga ko sa narinig, hindi naman ako pinalaki nila mom and dad na walang alam sa gawaing bahay pero ang linisin ang buong mansyon ng bruhang ito ay ang hindi ko ata maatim.
"Who do you think you are? kung makapag utos ka akala mo taga silbi mo ako rito sa mansyon." nang gigigil kong asik.
"Well, kung ako ang papipiliin ay mas gusto ko pang mag kulong ka sa kwarto mo buong araw o panghabang buhay kaysa ang makita ko ang pagmumukha mo na pakalat kalat sa hacienda man o sa mansyon, but... Ate Carlota told me to let you help with the plantation and make you do things you don't usually do para mag tino ka." she simply said.
Lumampas pa ata sa boiling point ang kulo ng dugo ko sa narinig.
So hindi lang pala pgpapalayas ang kaya nilang gawin sakin? pati pagpapahirap kaya nilang ipadanas sakin para lang mag tino "kuno" ako?
"You think I will let this things happen to me? hindi mo ko basta bastang mapapasunod sa mga gusto niyo!" sigaw ko.
A peaceful breakfast huh? ba't pako nag expect?!
Letche!
"Of course I have my ways, iha." She said and showed me my phone and tablet even the pad I used to write my songs.
Nanlaki ang mga mata ko.
"What the hell! ibigay mo sakin 'yan!" sigaw ko sabay takbo papunta sa kanya pero bago pa lang ako makalapit kay Aunt Lauren ay may mga kamay nang humawak sa magkabilang braso ko.
"Let me go!! fuck! let me go!" pagpupumiglas ko.
Kunin na niya lahat wag lang ang phone ko at ang pad ko!
I heared her evil laugh.
"Susunod ka? o susunod? sa ayaw at sa gusto mo Charlotte. Sa mansyong ito ako ang reyna at ikaw? isa ka lang tuta na naghihintay kunin ng amo mo." she mocked me and then laughed again.
Agad nanubig ang mga mata ko sa narinig.
Pilit kung pinipigilan ang pag-iyak. She don't deserve to see me cry. I won't let her have that satisfaction.
"Is this all you got Lauren? hurting me emotionally? ang babaw mo naman. "
matapang kong sinalubong ang mga mata niya.
"You let me experience things Lola did to you right? emotional abuse? come on! you can't do this to me, I've been emotionally damaged than you do Lauren. So hurting me like this? hindi uubra to Lauren, so try harder."
Nakita ko ang gulat sa mata niya pero mabilis lang iyon.
"I don't care about how you feel, iha. All I care is to make you suffer while you're here." matigas na saad niya and raised her right hand like she's dismissing us.