Kabanata 9

63 7 3
                                    

Shout out to the one who edited this photo above! Hi RAE! (@_strawberae_) in twitter and to you Bree! who's loving my story! love lots guys!

(Photo not mine, credits to the rightful owner)

----

I have been ignoring Con for almost a week, whether it was at the plantation or anywhere I could possibly meet him, sa tuwing mag c-cross ang landas namin sa plantasyon hahanap agad ako ng ibang madadaanan o hindi kaya ay mag kukunwaring may ibang gagawin. He sometimes talk to me but I will immediately cut off the conversation and walk away from him. As much as possible hindi ako humihiwalay kay aling Sol at Nina. I don't want to do something that will only hurt my feelings, if I can avoid it, I will avoid it.

Hindi naman talaga kami dapat na magpansinan pa. Wala naman kaming nararamdaman para sa isa't isa, at ano naman ang pag uusapan namin diba? walang point kung magpapasinan pa kami at may girlfriend siya, wala akong gusto sa kanya, sa girlfriend niya siya magpapansin. Maybe he was acting that way because he thought I need someone na masasandalan ko tuwing may problema ako, maybe naawa siya sakin kaya ganoon na lang siya kung umakto sa harap ko but I don't need that! the last thing I want from him is his pity. Mas mabuti pang hindi kami magpansinan kaysa ang kaawaan niya 'ko.

"Con! magandang tanghali. May dala akong pagkain para sayo." masiglang saad ni Gina.

Ang sarap lamutakin yong mukha!

"Salamat." simpleng tugon naman ni Con at kinuha ang basket na may lamang pagkain mula kay Gina.

Tudo ngiti naman si ante, ang saya saya ah! Tsk!

"Ma'am, kain na raw." anyaya sakin ni Samuel. Anak ni aling Sol.

Ngumiti ako dito at tumango sa kanya.

Magkaedad lang kami ni Samuel, matangkad ito at may matipunong pangangatawan dala na siguro sa pag ta-trabaho rito. Siya din ang lagi kong nakakasama aside kay Nina at aling Sol.

"Anong ulam?" tanong ko dito.

"Ano pa ba? edi ang paborito mo. Niluto ko talaga 'yon ng sabihin ni nanay sakin na nasarapan ka sa ulam na 'yon!" masiglang saad nito.

ang tinutukoy niya ay 'yong ginataang karne ng baboy na maanghang.

"Salamat, Samuel. Hindi naman na kailangan, kakainin ko naman lahat ng handa basta masarap." nahihiyang sabi ko.

Umiling-iling ito.

"Ano ka ba, basta para sayo ma'am at saka hindi naman ganon kahirap na lutuin 'yon."

Agad kumunot ang noo ko at natawa, pabirong sinapak siya sa balikat.

"Anong hindi mahirap? ang alam ko, may coconut milk 'yon. Kinakayod pa 'yong niyog bako mag karoon ng ganon hindi ba?" tanong ko.

Tumango lang ito at pinakita ang muscles sa bicep niya.

"Kita mo 'to ma'am, ito ang resulta ng pagkakayod ng niyog kaya okay lang. Simpleng bagay." pagmamalaki niya, napahalakhak ako ng tawa, maging si Samuel ay natawa na rin sa pinagsasabi niya.

"Padaan." sabi ng tao sa likuran ko.

Natigil kami ni Samuel at sabay na napatingin sa likuran ko at nakita ko si Gina na nakangiti sa amin at si Con na matalim na nakatingin sakin.

"Ay sorry, boss Con!" maagap na paumanhin ni Samuel kay Con at agad akong hinila sa gilid kasama niya. Agad namang naglakad ang dalawa.

Kumulo ang dugo ko. The scene is somehow familiar and everytime I remember that day, talagang kukulo at kukulo ang dugo ko.

"Ba't ka nagsosorry, Samuel? hindi naman siya owner ng daanan." sabi ko kay Samuel, nilakasan ko ang boses para marinig nila.

Agad na nahinto si Gina sa paglalakad kaya nahinto rin si Con, pano ba naman kasi, si ante nakakawit ang kamay sa braso ni Con. Parang tatangayin na ng baha sa lakas ng kapit. Tsk!

"Nakaharang kasi kayo sa daanan ma'am at gutom na kami ni Con kaya niya nasabi 'yon." matapang na saad nito.

Lumingon ako sa kanila at pinagtaasan sila ng kilay.

"Am I talking to you? You heard me right, Samuel ang binanggit kong pangalan. Hindi GINA. Samuel na pala ang pangalan mo, Gina?" pilosopong sagot ko.

Ayaw kong makipag sagutan o makipag away kay Gina, but this girl? talagang pinapakulo ang dugo sa buong katawan ko.

"Ma'am." pigil sakin ni Samuel sabay hawak sa braso ko na tila pinipigilan akong sumugod kay Gina.

Hindi rin nakaligtas sakin kung pano tignan ni Con ang kamay ni Samuel na nakahawak sa braso ko.

Tingin tingin mo Con? takot ka ring sabunotan ko yang babae mo?

"Hindi nga Gina ang binanggit mo, pero obvious naman na kami ang pinaparinggan mo, ma'am."

Buti alam mo?

"As long as hindi mo naririnig ang pangalan mo, wag kang sabat ng sabat, Gina. Nagmumukha kang chismosa! nag-uusap lang kami ni Samuel, kahit kailan talaga epal ka."

Noong nakaraang linggo kapa, Gina. Hindi pa humuhupa ang galit ko sayo!

"Masama talaga ang tabas ng dila mo, Charlotte! porke't mayaman ka? ganyan ka na? masama ang ugali!"

Huh! talaga!

"Oo, masama ang ugali ko Gina pero hindi ko ina-apply sa lahat 'yon. Sayo lang!"

"Ano? galit ka ata sakin e! Dahil ba kay Con?!" galit na paratang niya.

I was taken aback.

"Why would I get mad at you because of Con?"

Siraulo tong babaeng to! kung ano ano naiisip!

"Sorry ka! ako ang nauna!" edi wow!

"Kainin mo! lamunin mo! isaksak mo diyan sa bunganga mo ng mabusog ka kay Con! bwesit ka!"

Agad akong nagmartsa paalis sa harap nila, narinig ko pa ang pagtawag sakin ni Samuel pero hindi ako lumingon.

Letche! kung hindi ako aalis doon baka si Gina ang alisin ko sa mundong ibabaw.

Nakakainis! nakakabwesit ang babaeng 'yon!

Ako galit? dahil kay Con! tangina niya! kahit isaksak niya pa sa baga niya yong lalaking 'yon walang akong pakielam! magsama sila!

"Charlotte!" tawag sa pangalan ko at agad na hinawakan ang braso ko. Natigil ako sa paglalakad. Marahas akong lumingon para makita kung sino man ang humawak sakin.

"Ano ba!" malakas na sigaw ko at sinubukang bawiin ang kamay pero mahigpit ang hawak sakin ni Con na nakatitig lang sakin. Mas nag init ang ulo ko.

"Ano? may sasabihin ka? kasi kung wala, pwedi bang bitawan mo 'ko?" galit na sabi ko.

Hindi siya nasalita but instead he get something from his pocket.

Nang tuluyan na niyang ilabas 'yon ay nakita kong panyo ito.

Kumunot ang noo ko.

"Anong gagawin mo?" takang tanong ko.

Bumuntong hininga lang siya at hindi nagsalita, mas kumunot ang noo ko sa sunod na ginawa niya.

Pinunasan niya ang braso kung saan din ako hinawakan ni Samuel kanina.

"Ang pinakaayaw ko sa lahat, ang hinahawakan kung anong akin.."

Tuluyang gumulo ang buong sistema ko sa narinig.

Ano na naman 'to Con?

The Scent of YouWhere stories live. Discover now