Lorryce's Point of View
Mag aalas otso na ng gabi ngayon kaya naman nakaready na ako. Nakasuot ako ng backless na dress dahil iyon ang gusto ni Mommy na suotin ko.
Pinagmasdan ko ang sarili ko sa salamin at napangiti naman ako ng makita ang buhok kong nakatirintas. Si Liam ang may gawa niyon kanina ngunit nagpaalam na din agad siya sa akin at saka umalis.
Naiinis ako kapag naaalala kong pupunta sila ni Kaila sa Tagaytay ng silang dalawa lang. Tapos sa place pa talaga nila Kaila.
Sa loob ng dalawang araw ay maraming puwedeng mangyari.
Napabuntong hininga ako.
"Sige, saktan mo pa ang sarili mo, tss." Pag-kausap ko sa sarili.
Kailangan ko talagang makausap si Dylan patungkol dito.
Bumaba na ako at as usual si Mommy lang naman ang nandito dahil si Daddy ay mamaya pa uuwi.
"Oh my! You look beautiful, darling!" Ani Mommy at napatayo pa talaga at saka ako niyakap.
"Thank you, Mommy." Nakangiti ko ring sabi dito at saka siya niyakap pabalik.
"Don't forget to look beautiful lagi ah?" Paalala pa nito sa akin.
"O-opo hehe."
"Here. Wear this." Inabot sa akin ni Mommy ang isang kuwintas na nay pendant na "L".
Tinitigan ko iyon at ang una kong naisip ay si Liam ngunit natawa din ako ng bahagya ng maisip kong unang letra nga din pala 'yon ng pangalan ko.
Isinuot ito sa akin ni Mommy at saka siya pumalakpak.
"Perfect!"
"Thanks, Mom."
"Hindi mo ba isasama si Liam, anak?" Biglang tanong nito.
"Hindi po 'e, pero ang sabi niya po ay susunduin niya ako mamaya." Sabi ko ng maalala ang sinabi niya bago siya umalis sa kuwarto ko kanina.
Paulit-ulit nitong sinabi na ihahatid niya daw ako pauwi para sigurado daw na safe ako kaya pumayag na ako.
"Oh, ganoon ba? O' sige.."
Maya-maya ay may narinig kaming bumusina sa harapan ng bahay namin kaya sabay kaming napatingin ni Mommy doon sa pinto.
Lumabas ako dahil alam kong si Dylan na 'yon at hindi nga ako nagkamali. Lumabas ito ng kotse habang ngiting ngiti at napangiti din naman ako dahil nakita ko kung gaano siya ka-cool at kaguwapo ngayong gabi.
"Hey! Good evening, beautiful!" Biro nito sa akin at napatawa naman ako.
"Oh! You must be Dylan?" Nagulat ako sa pagsulpot ni Mommy sa likod ko at saka nakangiting tumabi kay Dylan.
"Yes po, Mamita."
Mamita?
"Mamita.. hmm.. I like it!" Nakangiting sabi ni Mommy.
"Are you Lorryce's boyfriend?" Nagulat ako sa tanong ni Mommy kahit na alam kong biro lang iyon."M-mommy! Nakakahiya!" Saway ko.
Umubo-ubo si Dylan.
"O-opo." Sagot nito at nanlaki naman ang mata ko kaya siniko ko siya.
"Sira!" Sigaw ko dito.
Nagtawanan naman ang dalawa.
Aba magkasundo na agad?
YOU ARE READING
Invisible
Ficção AdolescenteLorryce Rexa and Liam Zakiro are best friends since the day that they are born in this world. Their parents are both best friends also. When they reach puberty, their parents even told them that they are perfect for each other but they don't take it...