00 ✙ Prologue

11.5K 123 24
                                    

MIDNIGHT SON

Copyright © 2013 by AZULAN

All right reserved including the right of reproduction in whole or in part in any form. This is a work of fiction, Names, Characters, Places, and incidents are either product of authors imagination or are used fictitiously, and any resemblance to actual person, living or dead, business establishment, events, or locales is entirely coincidental.  

_________________________________________________

PRAISE for MIDNIGHT SON

Grabe ang kwentong ito dahil talagang kailangan mong subaybayan para maintindihan ang mga nangyayari... ---> XerunSalmirro

Like :D :D ---> LoretoEcoJavier

Ang galing. Prologue palang yan. Two thumbs up. :) ---> JohnReyEsmana

Oh yeah dude... Cool nito. Keep it up. LOL ---> XavierJohnFord

Tch, Kahit kailan, idol talaga eh, , --->  ginneko

ganda kahit prologue palang ---> favorgrace

__________________________________________________

SPRINGVILLE STATE, 1993

MABILIS ang takbo ni Minerba Armada habang hawak hawak niya sa kanyang kandungan ang kanyang anak. Halos limang araw na siyang walang tigil sa kanyang pagkatakbo ngunit pakiramdam parin niya ay hindi parin siya ligtas. Isang grupo ng bampira ang humahabol sa kanya. Nagtatangis ang mga ito habang punong puno ng mga dugo ang buo nitong bibig. 

Sa kanyang pagtakbo ay may nakita siyang isang maliit na kanlungan. Mula doon ay nagtago siya. Malapit na kasing sumilay ang liwnang ng haring araw kaya kailangan na niyang magmadali. Muli niyang binuksan ang isang tela na nakatabing mula sa mukha ng bata. Nangingiyak niyang hinawakan ang mala porselana nitong kutis. "Anak. Gusto ko na hanapin mo ang tatay mo pag dating ng tamang oras." Wika nito.

Muling umingay sa buong paligid. Agad niyang narinig ang mga lagaslas ng puno na ang ibig sabihin lamang ay paparating na ang mga kalaban nito. Tinakpang muli ni Minerba ang mukha ng kanyang sanggol. Pagkatapos ay nilagay niya iyon sa isang nakita niyang tila lalagyanan na yari sa karton at itinago iyon sa isang nakasiwang na parte ng dingding. Tamang tama naman ang pagsalakay ng mga bampira. Mukang nagmamadali sila sa kanilang akto dahil winasak ng isa sa kanila ang pinto sa pamamagitan ng isip nito. Nag-gula gulanit ang pintuan. Ang mga piraso niyon ay nag kalat sa buong paligid. Agad namang napatingin doon si Minerba.

"Ano Minerba Pagod kanaba?" Ika ng isang boses.

Tinakpan kaagad ni Minerba ang nasabing butas upang iligtas ang kanyang sanggol at upang di ito makita, pagkatapos ay buo niyang lakas na tinalon ang sampung talampakang taas ng dingding. Sinugod naman siya ng isa sa mga naturang lalaking bampira sa kabilang banda hanggang sa magpangaabot sila sa may ere. Agad siya nitong kinalmot sa pisngi. Nagsugat yun. Ang itim na dugong lumabas mula sa nahiwang sugat ay dahan dahang tumulo sa may sahig ng bahay. Napahiga siya. Agad naman siyang nilapitan ng isa pang lalaking bampira at agad siyang sinakal sa leeg nito. "Nasan na ang bata?"

Midnight Son (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon