01 ✙ Family Secret

4.4K 48 11
                                    

SPRINGVILLE STATE, 2013

DAHAN DAHANG inilapit ni Tales ang kanyang kanang mata sa isang maliit ngunit isang perpektong bilog na butas. Nakakasilaw ang bahagyang liwanag na bigla na lamang sumilay duon ngunit segundo lamang ang lumipas ay nasanay narin ang kanyang mata sa kakarampot na liwanag. Mula doon ay nakita niya na nag aayos ang kanyang ama na si Doctor Ricky Sarmiento ng mga parapelnalya nito sa pambubunot ng ngipin. Isang licenced Dentist si Doctor Ricky. Kumuha siya ng kursong dentistry sa mataas na paaralan ng Southridge International School sa Metro Manila. Isa iyong eklusibong paaralan para sa mga lalaki. Mayaman ang pamilya nila Doctor Ricky, kaisa isa lamang itong anak kaya naman nakuha nito ang mga pinapangarap nito sa buhay. Pero sa kabila ng natatamo niyang kayamanan at mataas na posisyon sa kanilang pamilya ay hindi parin nito inaalis ang kanyang mga paa sa lupa. He stays humble. Paminsan minsan ay nagbibigay siya ng donation sa mga charity at simbahan.

Nakita niya na bigla na lamang bumukas ang pintuan ng kwarto nito. Mula doon ay isang babae ang dahan dahang pumasok. kasama nito ang kanyang ina habang inaalalayan siya nito. 

"Anong maipaglilingkod ko sa inyo?" Tanong nito dito.

"Doc. Nanakit po kasi yung ngipin nitong anak ko. Sa palagay ko ho eh natanggal yung pasta.'' Pagpapaliwanag ng babae. 

Pinaupo ni Doctor Ricky ang pasyente sa upuang pansuri. Inikot niya ang pedal niyon sa may ilalim upang medyo mabend ang katawan nito sa nasabing upuan. Isang maliwanag na ilaw naman ang itinapat nito sa bunganga ng pasyente. Kinuha ni Doctor Ricky ang isang tila stick na bagay. Ang dulo nito na may tila bilog na salamin ay pinasok niya sa likod ng ngipin na sumasakit. 

"Okay po Misis. Namamanga napo yung bandang inner proportion ng ngipin ng bata. kailangan pong pahilumin muna yung pamamaga bago ito tuluyang bunutin." Nagulat ang ale. "Doc bubunutin eh akala koba pasta lang yung problema niyan?"

"Misis nabubulok na ho yung loob. Pag ipapatagal pa natin yan eh ang tendecy pababalik balik lang yung sakit. Mahirap yan ho yan." Pailing iling pa nitong sabi.

"Eh doc ngayon po pwede nyo ng bunutin? Sobrang sakit naho kasi." Sabad naman ng dalagita.

Napatingin si Doctor Ricky sa kanyang pasyente. "Pwede naman iha kung kaya mo?" 

Napatingin naman ang dalagita sa kanyang ina. Tila naluluha luha pa ang mata nito sabay balik ng kanyang tingin sa doctor. "Yes Doc kaya ko ho." 

Tumingin muna si Doctor sa ina ng dalagita. Alam kasi nito na bawal bunutan ang ngipin na may pamamaga. Masyado kasing maraming dugo ang lalabas sa may sugat pag ganitong kaso. "Okay if you insist." 

Inilawan ulit ni Doctor Ricky ang loob ng bunganga ng bata. Itinapat ito duon. Mula naman sa gilid ay kinuha at hinanda na niya ang mga gagamitin niyang parapernalya. Its takes three to four minutes lang ay kaya nag tapusin ni Doc Ricky ang pagbubunot sa isang normal senario ng ngipin pero in this case ay baka mas higit pa doon ang kanyang itagal. Hinipo hipo ulit ni Doc Ricky ang ngipin ng dalagita. Tila sinusuri nito kung saan niya ito pwedeng turukan ng anesthesia. Matapos iyon ay saka naman niya inihanda ang syringe. Sumusukat iyon ng hanggang tatlong pulgadang haba. 

Pinitik pitik pa niya ang panturok. Sinisigurado nito na walang makakaalpas na hangin kapag tinurok niya iyon sa bagang ng bata. "Okay Iha. Relax kalang. Sandali lang to. Para ka lang kinagat ng langgam." 

Bahagyang hinawakan ng doctor ng kalahati ng pisngi nito. Kahit na may brace na ang dalagita upang hindi gumalaw ang kanyang ulo kung saka sakali man ay kailangan parin ni Doctor ng konting pwersa. 

Bilang pangontra ay hindi lang tumitingin ang dalagita sa mismong pagtuturok. Tiningala lamang niya ang kanyang ulo sa may puting kisame ng kwarto at nag iisip ng mga magagadang imahe. Iniiisip niya na sa pagkatapos ng pagbubunot ng kanyang ngipin ngayon ay babalik na sa dati ang kanyang pag kain at hindi na siya kailangan pang umabsent sa eskwela dahil wala na ang kaisa isang pwerwisiyo sa bunaganga niya pagkatapos nito.

Midnight Son (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon