"HONEY HOW DO LOOK?" Inaayos ayos pa ni Mrs. Sally ang kanyang buhok habang ipinapakita nito ang kanyang suot na puting bestida sa asawa. Pina rush pa niya ang paggawa niyon para naman may maisuot siya para sa gaganaping annual grad ball ng Saint James Academy.
Itinuturing na prestihoyoso ang naturang grad ball sa buong Springville state. Piling pili lamang ang mga naiimbitahan dito at masasabi niyang isa siya sa mga nasuwerteng napili. "Honey?" Pag uulit niya hanggang sa magpunta na siya ng tuluyan sa harapan nito. "Great! You look great." Sa sarkastiko nitong pananalita. "I may say that you get even more and more beautiful as the days goes by."
Nagrolyo naman ang kanyang mga mata. "Honey matagal ko ng alam yan." Pang aangat nito sa kanyang sarili. Pagkatapos niyon ay kinuha naman niya ang isang pares na hikaw. "Eto honey. Sa palagay mo eh maganda ba?"
Sinuri naman ito ni Ricky. "Just simply beautiful. Sa palagay ko eh mas maganda pa yung binili mo nung nakaraan sa Nashville?"
"Alin yung heart shape?"
"I forgot the shape but I know its deep red."
"Ohhh yung heart shape nga. Wait. Hahanapin ko sa drawer." Nagpunta siya sa isang malapit lamang na lamesa. Mula sa drawer niyon ay kanyang kinuha ang isang jewelry box na punong puno ng mga alahas. Emerald, Gold, Jade, Sapphire at kung ano ano pang mga bato ang koleksiyon niya. Pero mukang hindi niya doon makita ang kanyang hinahanap. "Hon parang wala dito yung heart shape na earrings ko?"
"Isipin mo lang kung saan mo nilagay. May mental gap kana talaga!" Ika naman nito habang naglalagay ng korbata.
Habang sinasarado niya ang munting takip ng kanyang jewelry box ay siya namang pag aalala niya sa kanyang hinahanap na hikaw. "Hindi kaya naiwan ko dun sa kabilang kwarto? O kaya eh nailigpit ni Manang?" Sinulyapan lang siya ng kanyang asawa at hindi man lamang ito nagsalita. "Nako ang maigi pa eh tignan ko nalang dun."
"Maigi pa nga at dalian mo Honey. Nakakahiyang malate dun." Dali daling nagpunta si Sally sa kabilang kwarto. Ang kwartong pinuntahan niya ngayon ay ang kwarto kung saan siya madalas nagpapahinga. Tinungo niya ang kabinet na naroon. Sinuyod ang mga mumunting gamit niya at hindi nga siya nagkamali dahil nailagay pala niya ang kanyang hinahanap na hikaw sa isang box na nakalagay lamang duon. Nakalimutan pala niya itong kunin doon dahil narin siguro sa pagod niya nung nakaraan. Nakipag kita kasi siya sa mga amiga niya na Nashville State. Kabilang state lamang ito ng bayan nila.
Hinalik halikan pa niya ang naturang hikaw habang pinagmamasdan niya ito mula sa kanyang palad. Sinarado na niya ang aparador. Pag-ikot ng kanyang ulo ay saka naman niya nasilayan ang lalagyanan ng susi na gawa sa crystal na lalagyan. Pinagmasdan niya iyon. Tila kasi may bagay na mali sa kanyang mga nasisilayan ngayon. Inihakbang niya ang kanyang paa sa may sahig. Gusto niya kasing makita ng malapitan iyon upang matanggal ang mga haka hakang namumuo mula sa kanyang isipan ngunit ng halos isang dipa na lamang ang lapit niya mula sa naturang lalagyanan ng susi ay bigla naman siyang tinawag ng kanyang asawa.
"Honey. Lika na nakita mo naba?"
Bahagya siyang nagulat. "Yes. Ito hawak hawak ko na." Sagot naman niya. Habang papalabas siya ng kwarto ay tila iniisip parin niya kung ano ang pagkakamali sa lugar na kanyang nakita. Pero hindi iyon ang mas importante sa ngayon, Ang mas importante ay ang maipresenta niya ng supestikada ang kanyang sarili mula sa engrandeng piging na kanyang dadaluhan.
Nanguna si Sally sa pagsakay sa kanilang maitim at magandang oto. Habang papasakay siya doon ay siya namang todo paalala niya kay Manang Bening. "Manang alam mo na ang gagawin mo. Bantayan mo si Tales. Naiintindihan moba?"
"Oho Madam." Sabay kaunting pag tungo nito. Sumakay narin sa nasabing kotse si Doctor. Ricky. Pagkapasok nito ay siya naman niyang kambyo nito sa kambyuhan ng kotse. Nagtungo naman si Manang Meding sa may gate. Mula doon ay inalalayan niyang makalabas ang kotse ng mag asawa ng maayos at ligtas. Muling binaba ni Mrs. Sally ang salamin ng sasakyan. "Manang ahh yung bilin ko." Pag uulit nito. Habang kinakausap niya ang matanda ay siya namang pag dating ni Ivy. Sumulyap din ito sa bukas na front window ng sasakyan. "Ahmm Maam. Enjoy your night po." Bati pa nito.
BINABASA MO ANG
Midnight Son (Completed)
Mystery / ThrillerSINO SIYA? Para sa binatang si Tales. Ang salitang kalayaan ay hindi na nag e - exist pa sa mundong ito. Simula kasi ng ikinulong siya ng kanyang mga magulang sa isang kulungang kwarto dahil sa kanyang sakit ay hindi na niya ito naisabuhay pa. Puros...