PARANG palaisipan na naglalaro sa kanyang isipan ang mga winika ng binata sa kanya. Kahit na yata baliktarin niya ang kanyang bituka mula kanyang tiyan o kaya eh paikutin niya ang kanyang ulo hanggang one hundred eighty degrees ay hindi niya parin makukuha ang mga katanungan na hinahanap niya. Paano na lamang niya mapapaliwanang ang bumbabalot na sakit sa binata na kailangan itong ikulong sa kwarto nito sa higit na labin limang taon. Napahawak siya sa kanyang ulo habang naglalakad. "Hii ako!" Ika niya habang pilit paring tinatanggal sa kanyang isip ang labis na mga katanungan.
HIndi paman siya nakakalapit mula sa pintuan ng kanilang boarding house ay agad siyang nakakita ng isang paa. Kung hindi siya nagkakamali ay kilala niya ang sapatos na nakasuot duon. Animal print na leather na kulay brown. "Karen!" Bulalas niya. Agad siyang tumakbo mula sa may pintuan. Pagdating niya sa posisyon nito ay hindi nga siya nagkakamali. Nakita niya si Karen sa ganong posisyon. Halos mahalikan na nito ang lupa dahil sa semi dipa nitong posisyon.
Agad niyang kinalog kalog ang kaibigan. Hinawakan niya ito sa bandang balikat nito ay winagayway iyon, Pero hindi pa siya nakuntento dahil walang kagatul gatul niya itong sinampal. PAK! Halos dumugo na yata ang mukha ni Karen sa lakas ng pagsampal nito. Nagising ito kaagad. "Punyeta!!!" HInawakan kaagad ni karen ang kanyang pisngi at bahagyang hinaplos haplos iyon. Hinimas himas upang kahit papano ay mawala ang kaunting sakit na kanyang nadarama. "Bakit mo ba ako sinampal!" Sa pagalit nitong wika.
"Eh Bess akala ko eh patay kana? Pasensiya na."
Inirapan lamang siya nito at agad na tumayo. "Eh kasi kung hindi mo kinuha yung susi ko eh di makakapasok ako sa kwarto natin ng maaga."
"Anong susi mo?"
"Oo susi ko! ikaw pa eh palagi mo kayang nakukuha yung susi ko." Ika niya habang ipinapagpag pa niya ang kanyang sarli.
Binuksan naman ni Ivy ang kanyang bag. Mula sa isang pouch na naglalaman ng kanyang mga gamit pampaganda ay nakita niya nga doon ang susi nito. Hindi niya ito mapag kakaila dahil may kasama itong isang keychain na hugis gitara. "Eto nga. Pasensya na ahhh."
"See?" Kinuha nito ang susi mula sa kamay ni Ivy at siya na mismo ang nagbukas ng pintuan ng kanilang kwarto. Ngunit hindi paman niya tuluyang nabubuksan ito ay agad naman siyang inawat ng kaibigan.
"Karen wait?"
Tumingin naman siya dito. "O bakit?"
"Wag mo ng buksan yan. Gusto kong kumain sa labas... Treat ko."
Madaming inorder si Karen ngayong gabi. Tila sa order na niya lamang binawi ang halos tatlong oras na paghihintay niya sa labas ng kanilang boarding house.
"Oyy dahan dahan lang. Hindi kita hihingian." Sita ni Ivy dito.
"Pano naman friend. Mukang nagutom yata ang lola mo sa paghihintay kodun sa labas. Alam mo yun na yata yung pinaka matagal ko nang paghihintay sayo."
"Okay okay." Kinuha ni Ivy ang susi nito. "O yan para hindi kana mag hintay sa labas.'' Sabay bigay niya ng susi dito.
Nakatingin lang naman si karen duon. "O bakit?"
"Friend parang ayoko ng kunin."
"Baliw ka talaga. Kanina nagrereklamo ka dahil pinaghihintay kita sa labas tapos ngayon binibigay ko na yung susi mo eh ayaw mo namang kunin."
"Okay lang ako friend... kung yung kapalit naman ng paghihintay ko eh gantong karaming pagkain. Solve na solve nako everyday." Sabay subo niya ng isang hamburger. "Sira ka talaga." Sabay tawa naman ni Ivy dito.
Nakailang kain muna si karen ng kanyang iba pang inorder. Kinutsara niya ang ice cream sa inorder niyang mcfloat sa may Mcdo at mula sa ice cream niyon sa ibabaw ay sinawsaw pa doon ang iilang french fries."
BINABASA MO ANG
Midnight Son (Completed)
Misteri / ThrillerSINO SIYA? Para sa binatang si Tales. Ang salitang kalayaan ay hindi na nag e - exist pa sa mundong ito. Simula kasi ng ikinulong siya ng kanyang mga magulang sa isang kulungang kwarto dahil sa kanyang sakit ay hindi na niya ito naisabuhay pa. Puros...