2021

231 16 0
                                    

DEANNA's

"What is your worst heartbreak?" tanong sa kaniya nang reporter nang One Sports

"How do I answer this? How do I- Ano na lang, uhm... the year 2021. Yun na lang" sagot ni Deanna

"Uhm, it wasn't just one heartbreak. So it was, uhm... Nagsabay sabay lang lahat nang problema. So basically, I wasn't able to solve it, kasi nga nag bubble kami which was very, ano po yun eh, after pandemic agad, so medyo strict pa. So hindi makalusot lusot pag may bubble." Deanna added.

It was indeed the worst heartbreak for Deanna.

Hindi niya man aminin pero alam naman nang nakararami how that year turns out as one of her worst nightmare. Her Dad got hospitalized, and that was the same year that Jema and Deanna parted ways.

After the interview, Deanna came home, alone at her condo as her partner was away for a team building. 

She went straight to her long soft couch at the sala, at doon humiga. She was just lying down while staring at the ceiling, the silence was deafening for Deanna as she recalls the most memorable question asked earlier, that lingers inside her head. 

"P*ta"

She didn't expect na dahil sa isang tanong ay napaka laking epekto nito sa isip niya. She thought she was fine. She thought she finally moved on. 

"Pero bakit may kirot pa rin? Bakit may ganitong epekto pa rin? Ginawa ko naman lahat ah" sambit ni Deanna sa kaniyang sarili. 

She knew she was being unfair to her partner but she can't blame herself. Hindi niya rin kasi sukat akalain na ang sakit pa rin pala. 

She was her greatest love. It may be a little too late for the both of them as they already has partners in life, pero hindi pa rin maalis kay Deanna ang maliit na tyansang 'baka' baka may second chance pa. Hindi man ngayon, pero someday. 

"Siguro tayo pa, if it weren't for my wrong decisions in life. Kung hindi ako nagpadalos dalos, kung hindi ako naging selfish... para sa atin naman to diba? pareho naman tayong nag grow, hindi tayo matututo kung hindi dahil sa mga nangyari sa atin. Pero bakit hindi natin pwedeng pag daanan lahat nang pagsubok na dumating sa atin nang magkasama? T*ng ina naman oh. Bakit hinahanap hanap pa rin kita?" 

Para nang baliw si Deanna habang kinakausap ang kaniyang sarili habang nakatingin sa ceiling. 

JEMA's

Jema was all alone at her room, nakahiga lang siya while scrolling on her social media's. She stumble on a video of Deanna, it was a solo interview for One Sports as she follows its IG Account. 

Ayaw niya sana panuorin, but somehow para bang may pumipigil sa kaniya. Until she realize na pinanunuod niya na pala ang video clip ni Deanna. It was then asked about her worst heartbreak. 

Pakiramdam niya ay parang may biglang bumara sa kaniyang lalamunan nang madinig ang naging sagot ni Deanna sa interview nito. She knew  Deanna for so long, alam niya kung kailan ito nagsisinungaling at hindi. She knew Deanna was very sincere sa kaniyang naging pag sagot. 

Hindi niya maiwasang maging emosyonal dahil sa naging sagot nito, pakiramdam niya ay para siyang hinihila pabalik sa nakaraan. 

Flashback...

"Ano?! Tell me!!"

Nagsisigawan na sila, parehong walang gusto magpatalo.

"Ikaw naman ang may gusto nito di ba? Ni-hindi ko nga alam kung tayo pa eh!" sigaw ni Jema

"So, kaya ka dun nagpacomfort?! Jema, she's just taking advantage of your weakness!! O baka ikaw ang nagtatake advantage, at nagpapanggap na nasasaktan ka para icomfort ka niya? Ano? Umamin ka!" sigaw ni Deanna pabalik

"Nadidinig mo ba yang sarili mo?? Nahihibang ka na Deanna Wong! Masyado ka nang kinakain niyang insecurities mo. Walang namamagitan samin kaya wag mo akong itutulad sa ginagawa mo!" hinaing ni Jema

"At ano? Tingin mo maniniwala ako sa pagsisinungaling mo? Huh! Kung sa bagay, wala naman talagang umaamin sa kasinungalingan nila. Hindi, aamin hangga't di nahuhuli" rebat ni Deanna

"Nakakatawa ka, nakakatawang sa'yo pa mismo nang galing yang mga salitang yan" wika ni Jema habang nakahalukipkip ang mga braso

"Kung inaakala mong hindi makakarating sakin yang mga ginagawa mo, nagkakamali ka." ani Deanna na may diin sa bawat salita

"Umalis ka na... Halos hindi tayo magkita dahil sa bubble, ngayon na lang ulit tapos ganyan pa ipapakita mong ugali sakin? Umalis ka na, habang may natitira pa kong respeto sa'yo. Malapit na ang NT at ayokong maka apekto ito sa paglalaro ko" galit na sagot ni Jema sa kaniya

Tinignan lamang siya ni Deanna na may pag igting ang panga.

Huminga si Deanna nang malalim at napatalikod na lamang. Hindi na niya kayang pigilan ang kaniyang luha. Luha nang naghalong galit, hinanakit, tampo at pagod.

"The more na pinagtutulakan mo ko palayo, the more na nilalapit mo yung sarili mo sa kaniya." mababakas ang pagpiyok sa boses ni Deanna

"T*ng ina naman, Jema eh! Ang sakit mo naman mahalin. Ang sakit sakit" sambit ni Deanna sabay tingin sa mga mata ni Jema

Hindi malaman ni Jema kung ano ang kaniyang gagawin nang magtama ang kanilang mga mata.

Gusto niyang yakapin si Deanna pero para bang may pumipigil sa kaniya. Was it guilt? Pride? Or both?

"Sana... Sana wala tayong pagsisihan after all of this." tanging sambit ni Deanna

Mabigat man sa loob niya ay muli na lamang siyang nagparaya. Umalis siya gaya nang hiling sa kaniya ni Jema.

...End of Flashback

Parang kahapon lang para kay Jema ang mga nangyari, way back year 2021

Ang Maraming Question Marks Sa GaWongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon