ROOM 1513

2 0 0
                                    

Sampung taon ako noong unang beses akong isinama ng aking mga magulang sa isang hotel dahil may dadaluhan kaming reunion.

Noong una napansin ko na tila may kakaiba na sa hotel na iyon, ewan.. sadyang kakaiba lang talaga kaya't sinabi ko ito sa aking mga magulang pero sabi ng mama ko guniguni ko lamang iyon kaya isinawalangbahala ko na lamang iyon.

Paakyat na kami sa aming kwarto ng mapansin ko ang isang babae...maganda siya...maputi....
balingkinita ang katawan..... Nakangiti siya sakin kaya ngunitian ko siya pabalik pagkatapos nun ay umalis na siya.

Nakadapa ako sa aking kama at sa mga oras na ito ay mga alasais na ng hapon at ako lang na magisa sa kwarto dahil lumabas sila mama saglit upang bumili nga kung ano... Bagot na bagot na ako... *Bogsh* may tila nalaglag na bagay na mabigat dahil malakas iyon... Pero.. teka.. hindi iyon dito sa kwarto pero bakit ganoon parang dito lang mismo iyon.. pero gaya nung huli isinawalang bahala ko lang din iyon.

Mahigit isang oras na pero hindi pa rin bumabalik sila papa gutom na rin ako kaya naman nilibang ko yung sarili ko habang nag hihintay sa mga magulang ko. Wala akong ibang magawa kaya naman kung ano ano na ang kinalikot ko malibang lamang ang aking sarili ng may mapansin ako sa may dingding... Nilapitan ko ito at tinitigan ng maigi at napagtanto na isa iyong butas, may butas sa dingding... At dahil nga sa bata pa ako nun ay naging curious ako ...

Kumuha ako ng upuan at tumungtung doon upang maabot ko iyon at masilip ... Nung una ay puro puti lang nakikita ko pero di rin nagtagal ay nakita ko siya, yung babae na nginitian ako sa may elevator.. 'dyan pala siya naka check in' sabi ko sa isip ko kumakantakanta pa siya sumasayaw.....tumatawa.... Ang saya siguro ng pinapakinggan niyang musika no?

Sa sumunod na araw ay ang reunion ng ka batch mates nila mama at papa, isinama ako nila mama at papa diyaan sa baba kung saan yung venue. Mga mag iiisa't kalahating oras siguro ng makaramdam ako ng antok kaya't sinabi ko sa mga magulang ko para mahatid nila ako sa tinutuluyan naming kwarto at iniwan lamang noong makatulog.

Nasa kalagitnaan ako ng pag tulog ng maalimpungatan ako dahil nanaman sa ingay sa kabilang kwarto. 'Ang ingay' Nag tataka ako bakit ang ingay eh dis oras na ng gabi at may curfew ang hotel na bawal na mag ingay pag patak ng alas dyes at tulog na halos ang mga tao pati mga magulang ko? Pero bumangun parin ako ng dahan dahan dahil baka magising sila, kumuha ako ng upuan para silipin ang kabilang silid kung ano ang nagyayari doon o kung ano man ngunit nag taka ako ng sumilip ako sa may butas sa dingding...

Bakit puro pula lamang ang aking nakikita?

Ni renovate ba ang kabilang silid kaya't ganoon?

Kinabukasan ay inasikaso na nga mga magulang ko ang pag checkout dahil hindi kami puweding mag tagal dahil ako ay may pasok sa eskwela, pero bago iyon ay tinanong ko ang babae na nasa front desk nung minsan ay nalingat sila mama. Tinanong ko  kung nag checkout na rin ba yung babae na naka check in sa silid na katabi lang ng kwarto namin.

"Ineng, walang naka check in sa kwarto na iyon. Matagal ng naka vacant yun."

"Po? Eh, sino po yung babae na nandoon kung walang naka occupied?"

Biglang namutla ang babae sa sinabe ko.

"Ineng, hindi ito ang unag beses na nagyari iton pero, yung kwarto na iton, yung kwarto na sinasabi mo... Doon nagpakamatay ang anak ng may-ari ng hotel na iton dahil hindi niya matanggap ang sinapit ng buhay niya.."

Hindi ako makapag salita dahil sa gulat na may halong takot ewan diko maintindihan kinikilabotan ako, sino ba kasing mag aakala na ganoon iyon.. akala ko... Akala ko lang pala.. ha.ha...

"At hindi nakapinta ng pula yung kwarto na yun..."

TheyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon