KITA KITA

2 0 0
                                    


Napagplanuhan ng mga magulang namin na bumisita kami sa probinsya para dalawin ang lolo't lola ko sa side ng mama ko, galing pa kami ng mindoro dahil taga doon ang papa kaya minsan lang kami makadalaw dito. Malayo palang ay tanaw ko na ang lolo na nag didilig ng halaman sakto at huminto ang aming sinasakyan sa may tapat ng bahay kung saan siya ay nag didilig.

"Lolo!" Patakbo akong lumapit sa kanya upang mag mano at umakap.

"Apo, aba'y ikaw na ba iyan? Ang laki laki mo na! Namiss kita, kayo ng kapatid mo..."

Oo nga pala may kapatid ako. Kambal pa nga. Lalaki. Kagaya lang rin kami ng ibang magkakapatid, away bati pero mahal ang isa't isa at lagi nandyan pag nagangaylangan ng tulong at agapay ang isa. 

"Na miss ka rin po namin lolo. Asan po si lola?"

"Aba ay nasa loob ng bahay. Hala, cge at pumasok na para maka kain at ng makapagpahinga na katapos.."

"Opo" sabay naming sabi ni kambal.

"Ralph, Ria hali na at pumasok para makapag pahing tulongan ko na rin kayo dyaan."

" Wag na ho itay mabigat po ito mauna na po kayo sa loob"

"Sigurado kayo? Oh cge dalian niyo na at uulan..."

Pagkatapos ng hapunan ay pumunta na kami sa kwarto na palagi naming tinutuloyan kapag kami ay nandito sa probinsya.

"Ang sarap talaga ng luto ni lola ano, kuya?" Nagtataka siyang napatingin sa akin.

" Ha? Anong sinasabi mo dyan? Alam mo inaantok ka na matulog na tayo kung ano ano sinasabi mo eh.."

Ikinibit balikat ko na lamang iyon at nag handa ng matulog medyo lumalalin na kasi ang gabi. Magkaiba ang kwarto namin sa kwarto nila mama at papa kay kaming dalawa lang ang nandito.

Nasa kalagitnaan ng pagtulog ng maalimpungatan at dahil pakiramdam ko ay may nakatingin sa akin pero ng ilibot ko ng paningin ang buong kwarto ay wala naman akong nakita medyo may liwanag naman sa buwan.

Isinawalang bahala ko na lamang iyon at pilit bumalik sa pagtulog ngunit magpahanggang ngayon ay ramdam ko pa rin na may nakatingin nga sa akin pero ng muli kong mag mulat ng mata at tumingin sa paligid ay wala naman talaga... Nilingon ko ang kapatid ko at nahihimbing ang tulog nito nag dadalawang isip ako kung gigisingin ko ba siya para magpasama sa labas para uminom ng tubig dahil nakaramdam ako ng uhaw pero sa huli ay di ko na lamang siya ginising.

Dahan dahan akong bumaba sa kama at nag tumungo sa may pintuan at dahan dahan na binuksan iyon sumilip ako sa may sala at nakita ko doon si lola kung kaya ay nagtaka ako, hindi ba at natutulog na siya dapat? Anong ginagawa ni dyaan? Lumabas ako at lumapit sa kanya..

"Lola, hindi rin po kayo makatulog?" Tanong ko sa kanya pagkalapit ko. Pero tinitigan niya lang ako at nginitian. Tinitigan ko rin siya... Bakit parang... May kakaiba sa ngiti niya?.. parang... ewan diko ma paliwanag...

"Iinom lang po ako ng tubig at babalik din sa kwarto..." Sabi ko pa sa kanya pero gaya kanina naka titig lang siya at nakangiti. Pumunta at sa kusina at uminom ng tubig at katapos ay bumalik sa may sala kung nasaan si lola..

"Balik na po ako sa kwarto kayo din po matulog na po kayo, lola.." tumango naman siya pero gaya pa din kanina. Tumalikod na ako para bumalik ng kwarto pero nilingon ko ulit siya pero wala na siya doon. Baka bumalik na sa kwarto nila. 

Kinabukasan ay pumunta ng bayan sila mama at papa kaya naiwan kami kina lolo. Nasa may bakuran kami at naglalaro sa may duyan at padulasan malawak kasi ang bakuran nila lolo at pwede ko mag tatakbo kahit saang layo.

Nasa kalagitnaan ng pag lalaro namin ng makita ko si lola sa may bandang puno ng akasya tatawagin ko na sana siya pero bigla siyang nawala. Nakakapag taka pano nagnyari yun? Pero isinawalang bahala ko na lang iyon at bumalik sa pag lalaro.

Mag tatanghali na ng makabalik sila papa galing bayan bitbit ang mga pinamili nila sa palengke. Katapos nila ligpit ay nag handa na ng lulutuin para sa tanghalian ngang matapos ay nag handa na para kumain. Napansin ko na wala nanaman si lola sa hapag ngunit hindi na lamang ako nag tanong pa marahil ay masama ang pakiramdam kaya hindi nanaman naka sabay gaya kanina sa umagahan. Pero ng puntahan ko sa kwarto nila ay wala naman siya doon kaya naman ng mag hapunan at wala pa rin siya ay di na ako naka tiis at nag tanong na.

"Bakit po wala si lola?" Pagkatapos ko itanong iyon ay biglang tumahimik ang hapag.

"Anong sinasabi mo, anak?" Tanong ni mama at mukhang nag tataka.

"Simula po kasi kaninang umaga ay hindi pa po natin nakaka salo sa hapag kaya nagtataka po ako kaya pinuntahan ko sa kwarto nila lolo at baka masama lang ang pakiramdam niya pero wala naman po siya doon at kanina nga po habang nag lalaro kami sa may bakura nakita ko siya at tatawagin na sana kaso bigla nalang siya nawala.." pag kukwento ko pa.

Bigla naman siyang namutla sa hindi ko matukoy na dahila. Maluhaluha pa na nakatingin sa akin.

"Apo, hanggang kaylan mo pa siya nakikita?" Naguluhan ako sa tanong niya. 'Hanggang kaylan nakikita?' tanong ko sa isip ko.

"Po? Ano po ang ibig niyong sabihin? Madalas ko nga siyang makita dito sa may sala at sa kusina minsan naman sa bakuran kung saan kami nag lalaro ni kambal. Nginingitian pa nga niya ako minsan eh... Minsan naman nakatitig lang siya sa akin.. bakit po ganoon yung tanong niyo? Nasaan po ba si lola?" Tanong ko pa ulit.

"Diyos ko! " Napatingi ako kay mama ng sabihin niya iyon. Namumutla na siya. Parang hihimatayin na. Bakit kaya?

Apo, makinig ka.

.

.

Ang lola mo ay...
.
.
.
.
.
.
.
.
Matagal ng namayapa.."

Sa narinig ay sandaling tumigil ang mundo ko. Kaya pala. Kaya pala ganoon siya makatingin sa akin. Kaya pa ako lang ang nakakakita sa kanya. Kaya pala sa tuwing nararamdaman ko na may nakatingin sa akin at lilingon ako ay wala namang tao. Bigla ako ay nagilabot. Kinabahan ako.

Tulog na ang lahat ng maramdaman ko nanaman na may nakatingin sa akin. Pasado alas dose palang ng hating gabi. Inilibot ko ang paningin ko sa buong silid at doon... Nakita ko siya... Si lola.. nakatalikod siya sa may bandang pintuan...

"Lola?" .....

"Lola?" Sa pangalawang pag tawag ay doon na siya unti unting lumingon sa gawi ko. Doon na ako nangilabot at biglang pumasok sa isip ko ang usapan namin kanina sa hapag. Hindi ko maalis ang tingin ko sa kanya ewan ko ba.. nakangiti na naman siya sa akin pero higit na nagilabot ako sa isa kung nakita... Ang mga mata niya.. bakit ganyan?.... Kulay PULA...

Bigla ay naalala ko, limang taong gulang kami ng kambal ko ng ipasyal kami ng lola sa may peryahan dahil nga sa mag Fiesta na sa makalawa ay medyo maraming tao ang dumayo galing sa kabilang baryo. Naalala ko, subrang saya namin nun dahil unang beses namin makapunta sa ganoong lugar. Ayos na sana kung hindi lang nagka aberya bigla nalang bumigay ang isang rides doon at sa kasamaang palad ay malapit lang kami doon at dahil sa pagkataranta na rin ay tumakbo kami at dahil nga sa nakahawak ang kamay namin ni kambal ay nadala niya ako. Ng medyo makalayo na kami ay doon ko lang napagtanto ang mga nagyari...
Naiwan si lola at kitang kita ko kung paano si madapa at humingi ng tulong sakin ngunit wala akong nagawa nakatingi lang siya sa akin habang nagyayari iyon.... Isa siya sa mga nasawi sa aksidente na iyon... kaya pala... hindi niya tanggap...

Sabi ng mga matatanda ay kapag pula ang mata ng kaluluwa ay hindi daw tanggap ang nagyari sa kanya... Hahaha..

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 28, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

TheyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon