Matagal ko ng napapansin na kakaiba ang ikinikilos ng pinsan ko kapag magkasama kaming dalawa, simula kasi nung umuwi siya dito sa San Diego isang buwan na ang nakalilipas ay iba nag na ang kanyang ikinikilos, sa Maynila kasi siya namalagi ng mahigit tatlong taon dahil doon na nakahanap ng trabaho.Isinawalang bahala ko nalamang iyon at hindi na nag tanong pa marahil ay naninibago lamang siya dahil nga mahigit tatlong taon siya sa maynila. Kinabukasan ay nagising ako sa ingay na nangagaling sa labas ng aming bahay, 'Nako, mga marites nanaman siguro iyon, ano ba ito at pagka aga-aga ay ang iingayn na' lumabas ako para tignan kung ano ba iyong pangyayaring iyon.
"Ano ho ba ang nagyayari at ke aga aga eh ang iingay na ho ninyo, aling myrna?.."
"Aba ineng, tanghali na kagigising mo laang?" Hindi ko na pinansin ang kanyang tanong at muling nagtanong.
"Ano ho bang nagyayari at bakit ang daming mga otoridad sa may bandang puno ng manga?.."
"May natagpuan na bangkay diyaan abay parang kinalkal daw ang loob eh. Heh, nakakatakot na talaga ang panahon ngayun eh."
"Ah.." eh sa wala na akong masabi eh. Pumasok na ako at nag handa na ng lulutuin para sa tanghalian dahil gaya nga ng sabi ni aling myrna ay tinanghali ako ng gising...
Lumipas ang mga araw at linggo na naman ngayun at wala ang pinsan ko dahil namalingke lang saglit. Saktong alas onse na ng umaga ng makarating na si ate sabel galing sa palingke natagalan siya dahil sakabilang baryo pa ang pinaka malapit na palengke dito sa amin.
Habang nag aayos ng mga pinamili ay naikwento niya na mayroon nanamang natagpuang patay doon malapit sa may ilog naman... At gaya nung una.. parang hinalokay rin ang loob nun... Nag tataka na ako...
"Papalapit ng papalapit ang pinagyarihan ng mga krimen... " Ani ate sabel
"Oo nga eh" tugon ko.
"Mag iingat ka kapag lalabas ka lalo na sa gabi .."
"Oo ate, ikaw rin."
"Pareho lang tayo"
Napatawa nalang kami pareho dahil para na kaming mga timang. Pagsapit ng gabe ay oras na upang kumain nga hapunan ay naghanda na kami. Kinabukasan ay mayroon nanaman natagpuang patay doon parin sa may ilog pero ngayun dalawa naman ...
Nag didilig ako ng mga halaman sa labas ng marinig ko ang usapan ng mga tsismosa naming kapit bahay..
"Nako nakakatakot na talaga ang panahon ngayun noh?" Tsismosa no.1
"Sinabe mo pa, mare" Tsismosa no. 2
"Nako kung alam niyo lang. Kagagawan yan ng aswang" Tsismosa no. 3
"Pano mo nasabi?" Tsismosa no. 2
"Eh ano pa ba yung gagawa ng ganong kahayop kung hindi aswang" Tsismosa no. 3
"Siguro yung may kagagawan niyon ay yung nga bagong salta dito, nako eh balita ko ay mailap daw sila sa mga tao dito..." Tsismosa no. 1
"Dyos ko! Nakakatakot!.." Tsismosa no. 1
Natatawa nalang ako habang nakikinig sa kanila dahil napaka imposible naman nun. Pag sapit ng gabi ay oras nanaman upang mag hapunan at ng makapag pahinga na katapos...
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Oras na naman Para humanap ng bagong bibiktimahin. Aswang? Huh, okay....