Lance's POV
Kriiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiinng!!
Sabay patay sa alarm ko. Sanay na ako niyan, minsan nga nauunahan ko pa yan eh.Pinanganak yata akong, gwapo, matalino, magaling sa sports, at kung ano pang ibang bagay. May mga business kami at may mga branches sa Japan, England, Dubhai, at sa US.
"Hoy!" Sabay pikot sa tenga ko.
"Nanny naman eh!" Sabay sita ko."Maligo kana! Yung fiance mo na sa baba!" Sigaw niya.
Hay naku si nanny talaga oh. Alam ko naman na nanjan siya, kaya ko nga binabagalan. Tch. Ay nanny! Kung makatrato saakin, para akong bata. Pero mahal na mahal ko yan, kasi simula nung bata pa ako siya na naging katulong ko siya sa lahat ng bagay. Aba! Magaling yan magpasunod saakin, tch. Palibhasa kasi tumatandang dalaga na.
"Hayaan mo nanny, hahanapan kita ng magpapakasal sayo. HAHAHA" Sabay pang-asar na sa bi ko.
"Araaaay!!" Sabay tapik at pikot sa tenga ko. "Maligo ka nangang bata ka! Hindi yung kung anu-ano ang pinagsasabe mo jan. Tsk!" Inis na saad nya HAHA. Nakakatuwang inaasar."Ito na! Ito na, maliligo na! Tch. -_-" Pumunta na ako ng banyo.
Flashback...
"Boogssh!"
Napaka lampa naman ng babaeng to. Ooops! Mukhang sexy siya sa damit niya ah. Hay naku -_- wala naman akong magawa kundi tolungan siya sa mga gamit niyang nahulog.
Ang ganda niya pero hindi ko masyadong maklaro kasi nakashades siya. Pero matangos ang ilong niya hah. Matanong nga ang pangalan niya "Miss.. anong pang-" naputol ang sinabe ko ng umalis na siya at hindi manlang nagsorry..
End of flashback...
Tapos na akong maligo, hmm? O.o bakit ko kaya naalala yung nangyare, matagal na yun eh mahigit isang buwan na ah. Tch.
Bumaba narin ako dahil kasi nga naghihintay yung fiance ko.!!!"Goodmorning! Dark Lance Laurell Gabinete III." Sabay sweet smile. "Tch." Hindi ko nalang siya pinansin at magpapaalam na.
"Pa' aalis na po ako, may practice kami sa soccer ngayon" Sabi ko kay papa.
"Teka, magbreakfast ka muna." Sagot niya.
"Prutas nalang po, wala ako sa mood at busog pa po ako, sige po!" Sabay alis na agad na nagmamadali kasi naman, parang nagiiba ang aura ko pagnandito yang Maxene nayan eh.!
While driving...
Papunta ako ngayon sa school para magtraining, kahit hindi pa magsisimula ay sinadya ko talagang umalis para iwasan si Maxene. Maganda naman siya, sexy, at nasakanya na ang lahat, kaso ngalang galit talaga ako sakanya.!
Flashback...
"Tapusin na natin to Maxene!! Ayaw ko na sa mga kasinungalingang pinagsasabi mo.." galit na galit ako, at nagpipigil.
"Intindihin mo naman ako.. hindi talaga totoo yun. Hayaan mo naman akong magpaliwanag.." Umiiyak siya habang nangangatwiran.
"Tapos na tayo.. aalis na ako, magsama na kayo!" Langya! Umalis na ako dahil hindi ko kinaya ang nangyare. Umalis ako kasi nasasaktan ako, siya ang unang unang babae na minahal ko kaso bigo ako. At hindi ko siya kayang tiisin pero ngayon bibitaw na ako...
End of the flashback...
Ex-girlfriend ko si Maxene Lopez. Pero hindi inasahan nung nakipaghiwalay ako ay malalaman ko pagkalipas ng isang buwan ay magiging fiance ko siya, kasi magkabusiness partner sila nung lolo niya at father ko. Tch. -_-
BINABASA MO ANG
Break me, just don't break the rules.
RandomPaano kung ikaw mismo ang magbrebreak ng rules mo? Isang babaeng galing sa magulong buhay papunta sa isang buhay na tahimik. Isang babaeng ibabalik ang magulong buhay ng isang tao na nanahimik. It is a story of a girl that came from gangster school...