HO36

10 5 0
                                    

Zin's POV
Nakapuwesto na kaming lahat sa main hall kung saan gaganapin ang general meeting nila. Si Polar at Klent sa main entrance nakabantay since sila may hawak ng sniper, si Solar, Ellie at Zsofia sa monitoring room kasama si Erazhin, si Sofia at ang tatlong magkakapatid ay nakapwesto sa apat na sulok ng main hall kasi may hawak silang mga pana, si Shemai kasama sila Jeffre at Leaf  in charge sila sa exit in case lang habang ang iba sa amin ay nandito sa loob ng main hall naka-disguise. Nagkaroon ng upgrade sa mga armas namin salamat kay Dad at tito Asul.

"Ano kaya ang mapag-uusapan ngayon?" tanong ng isang babae sa harapan namin.

"Hindi ko alam pero may malaking announcement daw eh." sagot ng isa pang babae. Nagkakagulo sa labas pero ito ang mga organization at may ginagawang iba imbes na tumulong sa mga tao sa labas.

"I know everyone of you is curious of what is happening already. Let someone answer all of your questions. "sabi nong babae at lumitaw si Tita Jasmine.

"Some of you knew me and some don't. Let me introduce myself then, I am Jasmine Castillo at ako ang kapatid ni Hia Castillo Soberanía na isang biktima ng isang tao na ngayon ay mapaparusahan na kung saan ay nakadepende sa mga hatol ninyo." sabi niya na may diin at ngumisi. Iba na ito.

"Don't tell me naku- Ilabas na siya." naputol ang sasabihin ni Kalisto dahil sa sigaw ni Tita Jasmine at nakita namin si Tita Rafaela sa harapan habang nakatali ang mga kamay.

"She was beaten up." sabi ni Chlys. Halatang binugbog ito, gusot at punit-punit ang kasuotan niya habang ang mukha niya ay may pasa.

"This woman infront of you was the reason on why the people outside is suffering. She is the reason on why people are fighting and the reason on why this organization is tearing apart." sabi niya at naglakad papalapit kay tita Rafaela. In-iangat niya ang mukha nito at ngumisi. "You wanna know more? Kunin niyo na sila!" utos niya. Biglang lumapit ang mga tauhan niya sa magulang nila Solar at kinuha ito, ganon din ang iba pa.

"Jasmine bakit pati sila?" tanong ni dad at biglang napatayo kaya hinawakan ni mama ang kamay nito.

"Just like the kids you are also blinded. Like father like son? Like mother like daughter?" sarkastiko niyang sabi.

"Stop this non sense already. What do you want?" sabi ni tita Jhazzy at halata ang inis sa mukha niya.

"Wait the show is still going." sabi ni Tita Jasmine at  tumawa.

"Khione, Lawrence, Hairu, and Zekiel hmmm." sabi ni tita Jasmine at napahawak sa baba niya kunwari nag-iisip. "There is missing nasaan iyung tatlo na iyon? Oh! I remember nasa ilalim na pala ng lupa at patay na. Si Crystal pinatay ng mga taong galit sa kaniya, iyon iyung mga taong naging biktima ng kagagawan nila,si Zelyn namatay dahil nabaon sa lupa ng buhay at iyung panghuli namatay dahil sa kasalanan ng kaniyang ina." sabi niya at tumawa.

"Why did you do that to her? Wala siyang kinalaman sa nangyari noon. Pinatay mo si Azhia- Oops correction! Hindi ko siya pinatay siya pumili kung ano ang gusto niya,diba Rafaela?" kalmadong sabi ni Tita Jasmine.

"Wala na si Azhia?" takang tanong ng isang babae sa harapan namin.

"Ano bang nangyayari?" tanong naman ng isa.

"Nandito lang siya sa compound kamakailan lang tapos ngayon wala na." sabi naman ng isa pa.

"Gulat agad kayo na wala na si Azhia. Hindi naman siya totoong anak ni Hia kasi ang totoo niyang ina ay si Rafaela na susunod din sa kaniya sa kabilang buhay." sabi nito at humalakhak.

"You want to see and know more?" sabi nito at tumango sa babaeng kasama niya na nakasuot ng laboratory gown.

May naririnig kaming mga yabag na galing sa backstage.

Natahimik lahat ng tao at parang nakakita ng multo ng lumabas ang taong nasa likod kanina ng backstage. Hindi ako makapaniwala sa aking nakikita sa harapan. It's imposible.

"What's with that faces? Didn't you all miss me?" sabi niya at ngumiti. Ang mga ngiti at mata na iyon hindi ako pwedeng magkamali.

"Tita Hia." tanging sambit ko habang hindi makapaniwala sa aking nakikita.

Chaos Of The Mistake Mutation Where stories live. Discover now