HO39

10 8 0
                                    

Azhia's POV

"Tara na!" sabi ko sa kanila.

"Teka Azhia!" sabi ni tita Rafaela at hinawakan ako sa kamay.

"Mag-iingat ka!" sabi niya kaya ngumiti ako sa kaniya.

"Mag-iingat kayo." sabi ni dad.

"Ang hirap makagalaw kanina may mga tao." sabi ni Zin.

"Nasa maayos na silang lugar inasikaso nila Shemai." sabi ni Axcel.

"Papalabas sila sa compound ng organization." sabi ni Kalisto.

Tumakbo kami papunta sa parking lot.

"Kalisto! Axcel!" sabi ni Zin at inihagis sa kanila ang susi ng sasakyan.

"Sila Klent at Polaris na bahala sa entrance may mga nakatambang kasi doon." sabi ni Axcel.

"Hati ang grupo ulit." sabi ni Zin. "Kalisto, Azhia at Luna. Sama na sa amin si Logan." dugtong ko.

"Chlys, ako at Pia." sabi ni Zin.

"Aztec, Axcel at Syv." sabi ko.

"Sumunod nalang kayo kapag naayos niyo na dito." sabi ni Zin sa iba gamit ang suot niyang earpiece.

"Tara na." sabi ni Aztec.

"Saan sila Solar?" tanong ni Kalisto.

"Nasa monitoring room." sagot nito.

Nagsimula nang umandar ang sasakyan nakaupo ako sa front seat tapos sa likod ay si Luna at Logan.

"Our paths cross again and again." sabi ni Luna sa akin kaya ngumiti ako sa kaniya. Hindi pa kami nakakalabas sa main gate ay kita namin na may mga nakatambang nga.

Wew! Wew!

Isang sasakyan ang umagaw pansin sa mga ito kaya umalis sila sa dadaanan namin sila Polar na ata iyon. Nauna na ang sasakyan nila Zin sumunod kami at sila Aztec naman sa likuran namin. Ang bilis nila magpatakbo ng sasakyan.

"Guys naghiwahiwalay iyung sasakyan nila." sabi ni Solar. Naiwan sa monitoring room si Solar kasama si Zsofia, Erazhin at Ellie.
Monitored kasi ng kompanya ang mga sasakyan na nandoon sa parking lot. Isa pa may nailagay ako sa mga kotse nila para madali silang ma-trace salamat sa tulong ni mama, binigay ko kay Leaf ang phone na nakaconnect sa kanila para ibigay kila Solar kanina.

"May plano ang mga iyan." sabi ni Zin.

"Saan sila naghiwa-hiwalay?" tanong ni Axcel.

"May building kayong makikita na kung saan ay may tatlong direksiyon ito." sabi ni Solar. "Iyong tatlong direksiyon na iyon. Klent! Pagkatapos niyong iligaw ang mga iyan magpakanan kayo sa susunod na kanto for sure the other car will be cornered." dugtong niya.

"Solar saan doon nakasakay si mama?" tanong ko.

"Not sure Azhia." sagot niya.

"Diretso kami." sabi ko.

"Sa kaliwa kami." sabi ni Aztec.

"So we're on the right side." sabi ni Zin.

"Ingat sila sa atin." sabi ni Pia.

"Ayon sila." sabi ni Luna.

Mas binilisan ni Kalisto ang pagmamaneho para makahabol kami.
Nakaramdam ata sila kaya mas binilisan nila ang pagpa-patakbo ng sasakyan nila.

"Pantayan mo sila Kal." sabi ko kay Kalisto.

"Anong gagawin mo?" tanong niya.

"Just go on." sabi ko. Sana nandiyan si mama kung wala ay sana nandoon siya sa iba.

"Azhia." seryosong tawag sa akin  ni Kalisto.

"Just trust me Kal." sabi ko sa kaniya.

"I trust you but please let me know kung anong gagawin mo." sabi niya. "You always ask me to trust you but you always end up hurting yourself." dugtong niya.

"Dapa." sigaw bigla ni Luna.

Bang! Bang! Bang!

"Umaatake sila." sabi ni Logan habang medyo bumagal ang pagtakbo ng kotse namin. Naramdaman kong nakahawak ang isang kamay ni Kalisto sa likod ko.

"Luna at Logan may armas sa likod ng inuupuan ninyo kunin niyo." sabi ni Kalisto.

"Sandali paano kung nandoon si mama baka matamaan siya." sabi ko kaya napabuntong hininga siya.

Mas binilisan ni Kalisto ang pagpapatakbo ng sasakyan nong huminto na ang mga kalaban sa pagpapaulan ng bala. Halos magkapantay na ang sasakyang hinahabol namin sa sasakyang sinasakyan namin. Binuksan ko ang bintana ng sasakyan.

"Bakit parang may mali?"sabi ni Luna.

"Tama ka." pagsang-ayon ni Logan.

"Ate Azhia mama is not in the car." sabi ni Aztec. "It's is just some random men." dugtong niya.

"Azh wala si tita sa kotse na sinundan namin." rinig kong sabi ni Zin.

"How about there?" tanong ni Chyls.

"Hindi pa namin napahinto pero parang alam na namin ang sagot."sabi ni Kalisto.

Biglang napahinto ang sasakyan sa harap namin.

"Anong meron?" tanong ni Logan.

"Cornered ang sasakyan nandiyan sila Klent." sabi ni Zsofia.

"Walang bumababa sa van." sabi ni Kalisto.

"Bababa ako." sabi ko.

"Ako na." sabi ni Kalisto at binuksan ang pintuan ng sasakyan at bumaba. Bakit parang may galit ang isang ito?

Sumunod na ako at ganon rin sila Luna.

"May lq kayong dalawa?" tanong ni Luna.

"Malay ko sa kaniya." sabi ko.

"Negative." biglang sabi ni Kalisto. "Napaglaruan tayo."dugtong niya.

"Where is that man?" asar kong tanong. Hindi sila nanlalaban sinasayang nila ang oras namin.

"Hindi ko alam." madiin niyang tanggi.

"Nasaan si mama?" asar na tanong ko. "Madami na ngang problema na nangyayari dumadagdag pa kayo." dugtong ko.

"Azhia may mga papalapit sa atin na mga na-apektuhan ng Bellerama."sabi ni Logan na ikinangiti ko.

"Kung hindi niyo rin sasagutin mga tanong ko, hanggang dito na lang din kayo. Mararamdaman niyo rin ang pakiramdam ng pinaglaruan." sabi ko.

"Azhia may lead na tayo kung saan tayo pupunta nauna na sila Zin." sabi bigla ni Kalisto. "Biglang may sumulpot na tracing mark sa GPS ng phone mo sabi ni Solar." dugtong niya.

"Then we'll leave you here then." sabi ni Luna.

"Keep the informations with yourselves until your death." sabi ko.

"Pakawalan niyo kami dito." galit na utos nito.

"Bakit namin gagawin iyon? Ano kayo gold?" sabi ni Luna na nang-aasar.

"Oo nga?" pagsang-ayon ko.

"Let's go we're just wasting our time." sabi ni Kal.

Chaos Of The Mistake Mutation Where stories live. Discover now