✮ LOVE RIDE 27 ✮

30 9 1
                                    


٩꒰。•‿•。꒱۶
Drino Wang

I thought that day would be my rest day doing nothing while laying on my bed, but I was wrong.

Ito na pala 'yong araw na magkikita kami.

Sabi ko, okay naman, wala pa naman akong gagawin, na-message ko na rin naman na si Kate about sa project namin and sabi niya, okay lang naman din daw kasi magsasama sila ni Khalil.

Hapon pa lang naman na 'yong napag-usapan namin to catch up. Hindi naman din sa point na napilitan ako, pero naisip ko na makatutulong 'to para ma-distract ako sa mga nangyari at sa nakakainis na 'yon.

To kill time, nag-browse muna ako sa facebook. Nakita ko na 'yong posts ng mga kaklase ko na nag-out of town 'yong iba for a Christmas break vacation.

5 days na lang, Christmas na. I know that I should be looking forward to this day, pero may kung ano sa loob ko na parang ang lungkot.

Incomplete.

Pero kahit papaano naman, 'yong thought na kumpleto kami ng family ko sa Christmas hanggang New Year ay okay na sa akin. Si Papa kasi, hanggang January 1 namin siyang makakasama at sa January 2, kahit sa ayaw o gusto namin, kailangan niya nang bumalik.

I wonder kung ano 'yong mga mangyayari this Christmas break until New Year.

Napatigil ako n'ong nakita ko 'yong my day ni Dex. The caption was 'waiting' then 'yong background picture ay kisame. I consciously viewed it.

There was this part of me that I'm afraid of what might happen in this journey because I couldn't say that I'm already experienced when it comes to handling any kind of relationship. But I guess, no matter how hard the situation would be, I still have to face it. Along this way, for sure, there would be lessons.

I'm just worried that I would unintentionally hurt him.

Nag-check na rin ako ng messages. Wala naman halos. Sa gc, announcements lang about the upcoming finals sa second week nga ng January. May mga nag-angry pa nga sa chat n'ong mayor namin.

Napatulala ako sa message na nakakuha ng pansin ko. Sa message requests, may nabasa ako na "Sorry Celine" 'yong facebook name?

Agad kong pinindot 'yon.

The message: sorry talaga. mag-usap tayo mamaya.

And that time, I started feeling something again. Napatingala ako at huminga nang malalim. My rib cage started dribbling again.

Mamaya?

I stared at the message, then decided to view his profile. Sino pa bang magme-message sa akin nang ganito. Sino pa bang may atraso sa akin nang ganito.

Wait.

Ba't naman atraso. Ba't naman niya naging atraso sa akin 'yong hindi niya pagkagusto sa akin? Hindi gan'on.

Ako 'yong may kasalanan!

Na-misinterpret ko 'yong mga ginagawa niya at hinayaan ko sarili kong mahulog sa bangin na ako mismo nag-prepare.

His profile was sad emoji. His cover photo was a lavender flower.

There were no other photos. There were no other posts either.

I know siya 'to. Eh ba't naman niya idadaan sa ganito. Magkaharapan lang 'yong mga bahay namin.

Nakakainis talaga.

"Oh, anak? Bakit inis na inis ka?"

"M-ma, nand'yan ka pala." Napatingin ako sa basket na hawak niya. Ito pala 'yong isa sa mga araw na maglalaba siya. "Wala naman, Ma. 'Yong nabasa kong novel, nakakainis 'yong male lead."

Love Ride (LOVE TRILOGY #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon