✮ LOVE RIDE 36 ✮

27 9 3
                                    


٩꒰。•‿•。꒱۶
Drino Wang

Ending Christmas with a smile on my face is one of the things I should thank for. Kasi naisip ko, others don't have the opportunity to celebrate this day dahil iba-iba ng situation at status in life.

Enjoying the moment, my eyes roamed like it was a magnifying glass trying to focus on details. We actually live a happy and comfortable life under a roof. We have foods on our table. My family is complete, here with me.

My reality with my family made me even more grateful for this life despite the chaos I've been feeling because of this certain person.

Ipahinga ko muna sarili ko, kahit ngayong araw lang. Bahala na sa mga susunod na araw.

Nakangiti kong pinagmasdan family ko. We're having a movie marathon. Tradition na rin sa 'min 'to every Christmas after we had our family dinner. 'Di naman random movie ang pinapanood. More on inspirational movies which focus more on relationships, more specifically, family relationships. That time, it's one hour before December 26. Nasa climax na rin naman na 'yong movie.

My heart is so full whenever we have this. I feel safe and comfortable knowing the fact that I get to experience this with my family. Lalo na noong mga oras na 'yon. Nand'yan si papa.

Napangiti ako. Kahit papaano naman, gumaan pakiramdam ko. Si mama kasi, nakadikit siya kay papa na 'yong mga kamay nakapalupot sa tiyan ni mama. 'Yong chin naman ni papa, nasa balikat ni mama. Diretso lang tingin sa pinapanood. Ang sarap nilang panoorin.

I know I should appreciate the movie we are watching, pero that time, mas masarap panoorin parents ko. Ang sweet sweet pa rin nila sa isa't isa.

They actually looked like a gift. Si papa 'yong gift wrapper, si mama 'yong box. Kaso nga lang, nabuksan na 'yong gift at kaming magkapatid ang gift sa buhay nina mama at papa!

A beautiful gift of two lives.

Seeing them, my smile grew wider. Si Bryle naman, himala kasama namin ngayon. I thought, 'di uuwi, sasamahan si Kate, sino pa ba. Naka-focus talaga siya sa pinapanood, nasa floor sa gilid nina mama, nakasandal sa sofa habang nakataas 'yong kanang paa. Himala na hindi nagpo-phone.

Habang ako, nasa gilid ni Bryle, pero nasa ibabaw ng sofa, may hawak na popcorn, tahimik na ngumunguya habang pinagmamasdan sila.

"Ate, alam ko naman guwapo ako, eh." Paglingon ni Bryle sa 'kin nang nakangiti. Nakita ko siyang bumangon saka tinabihan ako ng sira. Nagsimula na naman ang kayabangan, pero nginitian ko na lang.

"Pasko naman ngayon. Fine. Oo na. Guwapo na. Tumahimik ka na nga," sabi ko nang 'di nakatingin sa kaniya.

"Damot, ate. Napilitan. Kahit naman kaya 'di Pasko."

"Oo na. D'on ka na nga. Ang gulo mo." Tinulak ko siya papunta kina mama.

"Mama, si ate oh, nang-aano!"
sumbong pa niya. 'Di ko naman siya tinulak aggresively. Nag-acting na naman ang sira. Napairap na lang ako.

"Ano naman ginagawa mo sa kapatid mo, 'nak?" tanong naman agad ni mama. As expected. Right, baby kasi talaga tingin nitong si mama kay Bryle. Baby na batugan. Kaya lumayo na lang ako nang bahagya kay Bryle at pinagmasdan si mama.

I'm actually happy that I don't view this as an unfair treatment or favoritism. Naiintindihan ko naman, kasi nga si Bryle, need talaga 'yan ng guidance, lalo na nasa age siya ng exploration para masulit ang youth days niya. And as an ate, I need to understand that. Alam ko naman na 'yon.

"Honey naman, hayaan mo na mga anak natin. Bonding lang nila 'yan. Focus ka na sa 'kin," biglang singit at paglambing ni papa habang mas kinulong pa si mama sa mga bisig niya. Nag-react naman si mama na kunwari inilalayo 'yong katawan niya. Ang arte naman nitong si Teresa, kala mo naman 'di gusto!

Love Ride (LOVE TRILOGY #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon