Chapter 1
Gino's Point of View
NAISIPAN ko munang mag-facebook habang hinihintay kong maluto ni mama ang hapunan. Nakaupo ako sa sofa sa may sala at nanonood ng NBA. Kauuwi ko lang galing sa paghahanap ng trabaho.
Sa pagbabasa 't pagtingin-tingin ko sa newsfeed ay may nakapukaw ng atensyon ko. Cl-in-ick ko ang pangalan ni Constancia Riyagi upang mapuntahan ko ang wall niya 't tingnan ang nilalaman nito. Ang ganda nga talaga niya, akala ko namamalik-mata lang ako. Nakakaakit siya. Maputi, makinis, singkit at nakakahalina ang ngiti. Parang may lahi siyang korean.
In-add ko agad siya at hinalungkat pa ang timeline niya. Wala siyang masyadong posts at pictures. Hindi lang siguro siya mahilig mag-selfie at magpapansin.
Nakatanggap ako ng bagong notification at ganoon na lang ako natuwa nang mapag-alaman kong na-accept na ng user na binubusisi ko ngayon ang friend request ko.
Nag-message agad ako sa kanya. Sana hindi siya snob.
Gino Archanghel
hi
Constancia Riyagi
hello
Naka-response agad nang wala pang isang minuto. May chance.
Gino Archanghel
thnx sa accpt,.
Contancia Riyagi
u'r welcom
Nagtanong ako ng nagtanong hindi lang para makasiguro sa impormasyong nakalagay sa account niya kundi gusto ko lang din na magkaroon kami ng conversation at nang mapalagay na rin ang loob niya sa akin.
Sixteen years old siya, nakatira sa Fairview, Quezon City. Half japanese pala siya, akala ko korean. Iyong tatay niya ang hapon. Kaya pala siya singkit at maputing-dilaw. Magkamukha kasi ang korean at japanese kaya hindi ko alam ang pagkakaiba ng mga iyon. Kahit sa pangalan at lenggwahe. Basta ang alam ko lang, mga wika iyon na hindi ko maintindihan.
Inalam ko rin kung kasalukuyan siyang nag-aaral. First year college siya, kumukuha ng Bachelor of Arts in Communication major in Broadcasting sa University of the Philippines, Diliman.
Beauty and Brains. Nakakahanga.
Gino Archanghel
wow! Talino mu pala
Contancia Riyagi
hnd nman
Gino Archanghel
hmm... pede mgtanong?
Constancia Riyagi
nagttanong k n knina pa
Gino Archanghel
haha., oo nga no
Nag-seen agad ang una kong message. Ang tagal kong naghintay pero hindi siya nag-reply. Siguro hinihintay niya ang "tanong" ko na sunod kong ise-send sa kanya.
Gino Archanghel
may bf kba?
Constancia Riyagi
oo
Meron
Marami
Marami akong BestFriendGino Archanghel
Haha,. ! Hndi un., i mean boyfriend
Constancia Riyagi
Wala
BINABASA MO ANG
Supposed to Be
RandomNa-inlove ka na ba? Sa taong nakilala mo lang sa isang social media? Well, sa panahon ngayon, natural na siguro ang ganoon. Pati ba naman pag-ibig ngayon ay high-tech na. Ngunit, paano kung ang taong nainteresan mo sa facebook ay isa palang... poser...