8

38 2 0
                                    

Inaasikaso ko ang dadalhin ko sa outing namin ni Adam mamaya. Super excited na nga ako sa outing namin, eh.

"Juno, nandito na si Adam!" Sabi ni mama mula sa baba.

"Coming!"

Nang makarating na kami sa resort ay namangha ako sa ganda. Halos kasing ganda ng Sky Island ang resort na 'to at maraming dumadayo dito.

"Napagod ka ba sa biyahe natin?" Tanong niya sa akin.

Umiling ako. "Hindi."

"Sabi ko sayo may oras pa tayo mamasyal pagkarating natin dito. Tara na sa hotel para ilagay muna yung mga gamit natin sa room natin." Sabi niya at kinuha niya sa akin yung dala kong bag. Ayaw ko makipag galo sa kanya kaya hinayaan ko na lang siya at dapat magenjoy kami.

Pumunta na kami sa hotel na tutuluyan namin overnight.

"Good morning, Ma'am, Sir. May reservation po ba kayo."

"Yes. Under name by Adam Hernandez."

"Ay, Sir. Nagkaroon po ng problema."

"Anong problema?"

"Noong tumawag kayo sa amin nagbook kayo ng two rooms pero ang sabi po ng nakausap niyo may available pa kaming two rooms. Ang problema po may mauna sa inyo bago pa kayo tumawag sa amin."

"What the hell? Dapat sinabihan niyo ko agad na wala pala kayong available rooms. Tsk."

"Pasensya na po, Sir. Pero kung gusto niyo po may isang available room kami."

"Um, Miss. Paki double check baka may nagcheck out kanina bago kami dumating." Sabi ko.

"Pasensya na po, Ma'am. Wala pa pong nagcheck out kanina."

Patay ako nito kapag nalaman ng mga magulang ko na magkasama kami ni Adam sa iisang kwarto. Ang alam nila na hiwalay ang kwartong tutuluyan namin.

"Kung okay lang po sa inyo pwede rin magpadagdag ng bed."

"Okay, kukunin na namin at padagdag na rin ng bed."

"Okay po, Ma'am. Heto na po yung susi niyo." Inabot na sa akin yung susi ng kwarto.

Kinuha ko na ang susi. "Thank you."

"Are you sure, Juno? Pareho tayo malalagot sa mga magulang mo kapag nalaman nilang magkasama tayo sa iisang kwarto."

"Wala na rin tayong choice. Kaysa masayang ang oras natin sa paghahanap ng hotel na may available na two rooms."

"Ano ang sasabihin natin sa kanila kapag nagtanong sila sa atin?"

"Ako na ang bahala magpaliwanag sa kanila." Sabi ko at ngumiti sa kanya. "Tara na para makapag pasyal na tayo."

Dumating na kami sa magiging kwarto namin at dumating na rin pala yung pinadagdag kong bed kanina. Magkasama nga kami ni Adam sa iisang kwarto pero hiwalay ang higaan.

"Ikaw na matulog sa kama at ako na sa sahig."

"Magsuswimming ka ba?" Tanong ko.

"Yes. How about you?"

"Ano kasi... Uh... Wala akong dalang damit na pampaligo."

"Alam mo namang pupunta tayo sa resort."

"Nakalimutan kong ilagay sa bag. Sorry."

"Di na lang ako maliligo para may kasama ka. Maglakad na lang tayo."

"Sayang ang pinunta natin dito." Tiningnan ko ang suot kong damit. "Sa tingin ko magpapalit na lang ako ng shorts. Okay na itong suot kong shirt."

Love ContractWhere stories live. Discover now