25

105 4 1
                                    

Nagpasya ako dumaan sa hospital para dalhan si mom ng pagkain. Baka kasi hindi pa siya kumakain.

Kumatok na ko pagkarating ko sa hospital room ni Charlie at binuksan ko na ang pinto.

"Akala ko maaga ang pasok mo ngayon, Adam."

"Yes po. Dumaan lang po ako para dalhan kayo ng pagkain. Baka kasi hindi pa kayo kumakain."

"Nagabala ka pa tuloy."

"Hindi po matutuwa si dad kung hahayaan ko kayo." Nilapag ko na sa table ang dala kong pagkain at tumingin kay Charlie. Mas mabuti ng tulog siya ngayon baka kasi hindi ako makaalis kung gising siya.

"Thank you, Adam."

"Alis na po ko."

"Magiingat ka palagi."

Nang makarating na ko sa station ay nakita ko si Chief Ferrer habang kausap sina Gino at Dan.

"Sir, nandiyan na po pala si Adam." Sabi ni Gino pagkakita niya sa akin.

Humarap sa akin si Chief Ferrer. "Good you're here, Hernandez."

"Bakit po, Sir?"

"Come to my office." Sabi niya at umalis na sa harapan namin.

"Uh-oh... Someone's in trouble."

Siniko siya ni Dan. "Baliw ka talaga. Matagal na natin kilala si Adam at hindi siya yung gagawa ng hindi ikakatuwa ni dad."

Pumunta na ko sa office ni Chief Ferrer baka kasi pagalitan pa ko kapag hindi ako pumunta agad.

Kumatok muna ako bago binuksan ang pinto.

"Sir." Sumaludo ako. "Bakit niyo po ko pinapunta dito, Sir?"

"Hindi na ikaw ang hahawak sa kaso ni Axel Carter."

Kumunot ang noo ko. "What?! But why? I'm sorry, Sir. Kahit isuspend niyo pa ko ngayon pero hindi ako papayag na hindi ako ang huhuli sa kanya. He killed my adoptive father! At hindi lang 'yon... May anak si dad na hindi man lang niya nakasama."

"May anak si Jace? All I know he has a girlfriend."

May alam pala si Chief Ferrer na may girlfriend dati si dad na hindi niya man lang sinabi sa akin. Sabagay, ano ba ang alam ni Chief Ferrer kung walang binanggit si dad sa akin tungkol sa past relationship niya.

"Yes, that why we need justice! Hindi lang ako ang nawalan, pati siya nawalan ng ama. Kaya hindi ako papayag na mawala sa akin ang hawak kong kaso ngayon."

"Wait, Adam. Paano ka nakaka sigurado na anak nga talaga ni Jace 'yong tinutukoy mo."

"I met dad's ex girlfriend yesterday and she told me everything what happened after they broke up. Even the reason why they need to break up. I also met his son – he needs his father." Pero ano? Kinuha ng hayop na 'yon ang taong matagal ng pangarap na makita ni Charlie. "Sir, kahit magalit kayo sa akin ngayon o sa susunod na araw itutuloy ko pa rin ang misyon ko."

Umalis na ko sa office ni Chief Ferrer dahil marami pa kong gagawing trabaho ngayon.

"Pinagalitan ka?" Tanong ni Dan sa akin habang tumatawa si Gino. Sarap suntukin sa mukha si Gino.

"Ako ang nagalit." Sagot ko dahilan huminto sa pagtawa si Gino.

"Ikaw ang nagalit kay Chief Ferrer? Aba, himala nagalit ka sa kanya."

"Tumahimik ka nga, Gino. Ama ko ang pinaguusapan natin dito." Humarap na sa akin si Dan. "Bakit ka naman nagalit kay dad?"

"Gusto kasi niya itigil ko na ang misyon ko ngayon kaya lang hindi ako pumayag mangyari 'yon?"

"Bakit ba kasi gustong gusto mo makuha ang kaso na 'yon?"

"I have two reasons. One, I want to protect my girlfriend from that guy and two, justice."

Nang matapos ko na ang trabaho ko ay pumunta ako sa bahay nila Juno.

"May usapan ba tayo na magkikita ngayon?" Tanong niya sa akin.

"Alam kong biglaan ang punta ko dito pero gusto sana kita yayain kumain sa labas."

"No doubt. Mahilig ka sa biglaang lakad." Natatawa niyang sabi.

"Sorry..."

"Pasok ka muna at hintayin mo ko. Magpapalit lang ako."

Pagkapasok ko ay nakita ko si tito Oliver nanonood ng TV pero parang hindi ko nakikita si Jordan. Ang sabi ni Juno sa akin hindi na daw dito nakatira ang kapatid niya. Noong unang beses pa lang ako pumunta dito iyon ang una at huli kong nakita si Jordan.

"Good evening po, tito."

Tumingin siya sa akin. "Nandiyan ka pala, Adam. Aalis ba kayo ni Juno?"

"Yes po."

"Siguraduhin mong iuuwi mo siya dito mamaya. Baka iuwi mo siya sa bahay mo."

"Ah, hindi po. Promise po iuuwi ko si Juno dito." Umupo ako sa tabi ni tito Oliver. "Balak ko po kasi magpropose kay Juno ngayon."

"Really? That's good. Hindi na kayo mga bata kaya hindi ko na kayo pipigilan sa magiging desisyon niyo."

"Thank you po, tito dahil pinagkatiwalaan niyo ko para kay Juno."

"Hindi ko 'to sinasabi sayo dahil pamangkin ka ni Rocco pero sa nakikita ko mahal ka na ni Juno kahit noon pa lamang."

"Ah, tito. Sigurado po ako alam niyo na may pamangkin na kayo, pero kilala niyo na po ba kung sino ang ama niya?"

"Ama ni Charlie? Yes, I know. Matagal ko ng alam kung sino ang ama niya."

"May ideya na pala kayo."

"Hindi ko pala nasabi sayo kung ano ang posisyon ko sa head quarter. Isa ako sa mga nagbabantay sa mga footage at kumukuha rin ako ng impormasyon. Kaya may alam ako at sinabi rin sa akin ni Olivia kung sino ang ama ni Charlie."

"Ahh... Ayos lang po ba sa inyo na iisa lang ang ama namin ni Charlie?"

"Hindi naman kayo tunay na magkapatid ni Charlie kaya walang problema doon at hindi rin kasal si Olivia at ang dad mo."

Nakita ko na ang pagbaba ni Juno dahilan tumayo na ko.

"I'm ready!"

"Basta ang usapan natin, Adam. Ibabalik mo dito si Juno."

"Promise po."

"Si dad talaga."

Sumakay na kami sa kotse at pinatakbo ko na ang makina.

"May tanong pala ako sayo."

"What's up?"

"Ano ba ang pangalan mo?"

"Anong klaseng tanong 'yan, Juno? Obviously, Adam."

"No. I mean, real name mo."

"Ahh... Reno Valenciano pero mas gusto ko pa rin tinatawag na Adam dahil doon ako sanay na tawagin."

"Hmm... Cute naman pala ng real name mo pero mas sanay rin akong tinatawag kang Adam kaysa sa Reno."

"Bakit mo pala natanong?"

"Kapag kinasal kasi tayo gusto ko malaman kung anong apilyido ang gagamitin ko. Ang gamit mo ba ngayon o yung sa real name mo."

Natawa ako bigla. "Laki ng problema mo ah."

"Of course! Para alam ko kung magiging Mrs. Hernandez ba ko o hindi."

"Hindi pa nga ako nagpropose sayo."

"Okay. Saan nga pala tayo pupunta?"

"Kakain tayo tapos dalawin natin si Charlie sa hospital. Gusto kasi kita ipakilala sa kanya."

Love ContractWhere stories live. Discover now