Chapter 1

56 5 3
                                        

"RICA CHARLEMAGNE SANTOS!! Gumising ka na hoy!"


Nagulat ako sa napakalakas na sigaw na nanggagaling sa harapan ko, walang pag dadalawang isip kong hinala na si mama yun. Siya lang naman ang malakas ang boses dito sa bahay eh.



"Ano ba ma, 5 minutes lang okay. Tapos babangon na rin ako, wag ka pong mag alala." sabe ko habang inaantok pa. Parang tulog pa ang katawan ko pero gising na ang diwa ko eh.



"Anong 5 minutes 5 minutes ka pa dyang nalalaman! Hoy Rica! ma lalate ka na oh. Tingnan mo ang oras oh, 7:45 na at 8:00 ang pasok mo aber!"



"ANO?! 7:45 NA?!?" napasigaw na rin ako. Bilis bilis kong tiningnan yung clock ko at 7:45 na nga.



dali dali akong tumakbo palabas ng kwarto at pumunta na ng c.r.

binilisan ko ang pag hihilamos ko, oo nag hilamos na lang ako ng mukha. Sa tingin nyo ba makaka abot pa ako ng saktong 8:00 sa school kung maliligo ako. Jusmeyoow!



"TAKTENG! BAKIT HINDI NAG ALARM YUNG CELLPHONE KO!" sigaw ko sa loob ng c.r





Dali dali na akong nag bihis ng damit ko. Hindi na ako nag ayos ng buhok ko dahil wala na akong time para don. Nag wisik na lang ako ng maraming pabango sa katawan ko para naman hindi ako mangamoy panis. Tumingin ako sa salamin habang sinusuklayan ko ang buhok ko gamit ang mga daliri ko.



"Ayos na to" bulong ko sa sarili ko sabay takbo na sa baba.



"Hoy bata ka! hindi ka ba mag aalmusal?"- mama



"Ma! hindi na po, sa tingin nyo ba may oras pa akong mag almusal eh ma lalate na nga po ako eh"- ako



"Kasalanan mo yan eh, ikaw kasi puyat ka ng puyat. ayan tuloy napala mo"- mama


aba! at ako pang sinisi ni mama, ako lang naman ang natutulog eh. Dapat talagang sisihin yung Cellphone kong walang kwenta -.-



"Oh eto ko tinapay para may makain ka, para rin may laman yang utak mong bata ka"- mama



"Wag na maa!"- ako



"Ay nako wag kang makulit, papaluin kita!"- mama

Ang laki ko na, papaluin parin ako huhuhu T-T kawawa naman ako ;-;

Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon