Chapter 9: You like me

30.9K 1.5K 273
                                    

Chapter 9: You like me

"May wings o wala? Kekek~" —— Lara Melissa


Sakura's Point of View

Kinabukasan

Rose Academy

Hindi ko pinasukan ang pang umagang subject dahil sa totoo lang ay tinatamad ako lalo pa't mahina ang katawan ng stupid na ito.

Pagtapak ko sa gate ng eskuwelahan ay nasa akin na naman ang atensiyon ng lahat at pinagkibit balikat ko lang iyon. Wala akong pakialam kung tignan nila ako mula ulo hanggang paa o di kaya pagtsismisan. Ang nasa isip ko lang ngayon ay ang plano na nabuo ko kagabi na dapat maisakatuparan.

Inilibot ko ang paningin sa kabuuan ng campus. Nasaan kaya siya?

Napahigpit ang hawak ko sa paper bag na dala ko dahil hindi ko siya matagpuan. Napatingin ako sa daladala ko, ito yung jacket ni West na nadala ko hanggang sa pag uwi.

Bakit ba kasi nasa akin pa ito? Nakakainis! Sana pala tinapon ko na lamang ito.

Pero kahit papaano ay natulungan naman niya ako na hindi mapahiya.

Napairap ako na maalala ko naman ang nangyari kahapon.


"Ano na, Sakura? Bakit hindi ka sumasagot?" nakangising wika ni West. "Ang tagal mo namang mag-isip. Lahat na lang bilhin natin?" rinig ko na mga tanong niya. Nakatingin ako sa mga hawak niyang limang pack ng sanitary napkins na may iba't ibang brand.

Ang tagal talaga magprocess ng utak ko sa mga sinasabi ng lalaking ito.

Nangagalaiting kinuyom ko ang aking kamao at kasabay nun ang pagdilim ng aking paningin. Makakapatay na talaga ako ng tao ngayon!

"T-Tang ina, Kanluran!" nanggigil na saad ko. "Are you gay?"

"What?" hindi makapaniwalang wika niya.

Sa inis ko ay hindi ko sinagot ang tanong niya. Hinablot ko ang isang pack na sanitary napkin at iniwan siya.


Tama lang na iniwan ko siya sa convenience store dahil sa nakakalokang pangyayari. Ang masaklap pa ay ang hindi ko pagbayad sa sanitary napkin na kinuha ko. Damn!

Hindi rin ako makapaniwala na kalalaki niyang tao ay magagawa niya pa iyon. Isa lang ang nagpapagulo sa aking isipan ay kung bakit niya ako tinulungan.

Nagpasya na akong puntahan na lang siya saAlpha Kappa Omicron Office.


Alpha Kappa Omicron Office

Nasa tapat ako ngayon ng Alpha Kappa Omicron Office. Bakit ba kailangan ko pa kabahan? Isosoli mo lang ito Sakura... okay?

Huminga muna ako ng malalim bago ako kumatok pero natigil iyon na makarinig ako ng isang boses na kinakaba ko.

"What are you doing here?"

Mabilis na nilingon ko ito. Nanlalaki ang aking mata na makita si Kanluran na seryosong nakatingin sa akin.

"Kanluran!"

"Sakura? Ano'ng ginagawa mo dito?" kunot-noong tanong niya.

"Ah?" gulat na wika ko. "Isasauli ko lang ito," sabay pakita ng paper bag na hawak ko sa kanya.

"Hindi kana sana nag-abala pa," sabay tingin sa paper bag na dala ko.

Napairap ako sa kanyang sinabi. Mabuti nga sinauli ko pa, nagsisisi tuloy ako sana tinapon ko na lang pala. Hindi ko namalayan na nakapasok na pala siya sa loob ng office nila.

SakuraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon