Chapter 12: I like you

28.2K 1.3K 152
                                    

Chapter 12: I like you

Kinabukasan

Sakura's Point of View

Library

"Sakura," mahinang tawag sa akin.

Bumaling ako sa tumawag sa akin at nakita ko sina Russell at Karol. Inirapan ko sila dahil kanina pa ako naghihintay dito sa library. Dalawang oras na yata akong natutulog dito.

"Bakit ang tagal niyo?" nakasimangot na tanong ko.

"Inutusan pa kasi ako ni Sir Lorenzo," bulong ni Russell.

Inirapan ko siya at umunat. "Nagawa mo ba yung tinext ko sa iyo kagabi?" tanong ko kay Russell.

Tumango siya. "Wait," at may hinahalungkat sa kanyang backpack.

"Ano'ng tinext mo?" kunot-noong tanong ni Karol.

"Malalaman mo rin," nakangiting wika ko.

Inilabas ni Russell ang netbook niya at inopen ito.

Tumikhim siya. "Sixty percent ang dami ng population ng boys dito sa Rose Academy samantalang forty percent naman ang mga babae. Sa 60% na iyon, 30% ay miyembro ng Alpha Kappa Omicron fraternity, 10% sa Delta Psi Omega fraternity at 20% sa iba't ibang org sa school like junior marketing org, glee club, dance club and etc."

"So, ang Alpha Kappa Omicron fraternity ang may control pagdating sa mga lalaki," tumatangong sabi ko. "Ano'ng org naman kung saan maraming babae ang sumasali?"

"Sa glee club at dance club, Sakura. 10% iyon ng population ng mga babae sa Rose Academy."

"Teka lang ah!" singit ni Karol. "Kanina pa ako naguguluhan dito, para saan ba ang lahat nang ito?"

Nagkibit-balikat si Russell sa tanong ni Karol kaya naman ang mga mata niya ay nakatutok na sa akin.

Napabuntong-hininga ako. "I will run for student council president."

Nabigla siya sa sinabi ko halos lumuwa ang mga mata niya.

"What?" nakataas na kilay na tanong ko.

"Are you joking, Sakura?"

I rolled my eyes. "Pag-aaksayahan ko ba nang panahon ang pagreresearch tungkol sa population ng mga babae at lalaki sa school na ito?"

"B-But why?"

"Well? For revenge," nakangising wika ko.

"Revenge?" sabay na wika nila.

"Ah-uh!" tumatangong sagot ko. "

"P-Pero... imposible kang manalo doon! Unang-una, kilala ka dahil isa kang binubully ni Alexei. Pangalawa, sigurado akong haharangin ni Alexei ang balak mo. At isa pa, napag-alamanan ko na susuportahan ng lalaking iyon si Tara. Iyon ang kumakalat ngayon sa buong school. Pangatlo, ano ang kasiguruhan na tatanggapin ka ng mga estudyante dito sa Rose Academy?" sunod-sunod na tanong ni Karol sa akin.

"Karol, sa palagay mo hindi ko naisip iyon? Alam ko na dehado ako dito pero syempre kilala mo ako. Hindi na mababago ang pasya ko kahit na ilang libong rason ang ibigay niyo sa akin," nakataas na kila na wika ko.

"S-Sakura, m-mahirap talunin ang partido nina Tara at madumi sila maglaro─"

"I know. Sila pa, mukha pa nga lang niya madumi na paano na kaya iyong gawain nila?" natatawang wika ko. "Just trust me. Alam ko na mananalo ako sa laban na ito."

"Paano?"

"Connections," mabilis na wika ko.

"Huh?" sabay na wika nila.

SakuraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon