Chapter 15: Good

33.9K 1.4K 247
                                    

Chapter 15: Good

Sakura's Point of View

"May gusto ka ba kay West, Sakura?" mapanganib na tanong niya.

Napatitig ako sa sinabi niya at napaisip din. May gusto ako kay Kanluran? Sa ganda kong ito?

No way! Ano bang gusto niyang sabihin?

Tsk... Hindi niya ba alam na ang Dyosa at tao ay hindi puwede.

Mukhang nagseselos ang pretend boyfriend ko. Tumaas ang sulok ng labi ko at hinila ko ang kuwelyo niya na kinabigla ng mokong.

"Bakit? Nagseselos ka?" mapang-akit na wika ko na kinalaki ng mga mata niya.

"H-Hindi ah!" nauutal na wika niya na kinatawa ko.

"Don't tell me, hulog na hulog kana sa akin, Rogue?" nakangising tanong ko sa kanya.

Ang bully ko talaga!

Alam ko naman na may pagkabully ako minsan pero ang sarap lang inisin ang lalaking ito. Masyado kasing obvious!

"Ang bully mo, Babe!" sabay kurot sa pisngi ko.

Napasimangot ako sa sinabi niya.

"Wala ka talagang gusto sa pinsan ko?" ulit na tanong niya.

I rolled my eyes. "Kasasabi ko lang di ba? Wala sa dictionary ko ang love!"

"Babe ang tanong ko sa iyo kung may gusto ka sa pinsan ko," nakangising wika niya.

Magkaiba ba iyon?

Napatitig ako sa sinabi niya. "Saan patungo ang usapang ito?"

"Patungo sa puso mo, Babe," sabay kindat niya.

Sa inis ko ay binatukan ko siya. Natatawa na niyakap naman niya ako! Ramdam na ramdam ko ang hininga niya sa leeg ko. Gago talaga ang lalaking ito! Kung titignan kaming dalawa ngayon, iisipin na may namamagitan sa amin pero sa totoo lang ay hindi ko maramdaman kay Rogue ang pagkailang sa kanya. Parang nakahanap ako ng bestfriend at kapatid sa katauhan niya.

"Ang gago mo talaga!" napapailing na wika ko.

"Sa iyo lang, Babe."

Natawa ako sa sinabi niya. Natigil ako sa pagtawa na makita ko si Kanluran sa di kalayuan na nakatingin sa amin. Hindi pa pala siya nakakaalis. Parang nalulungkot siya habang nakatitig sa akin. Galit na sumakay siya sa kanyang kotse. Pinaharurot niya ito!

Bigla ako kinabahan dahil baka mapahamak siya.

Naramdaman ko na lang na bumitaw si Rogue sa pagkakayakap sa akin.

"Are you okay?" nag-aalalang tanong ni Rogue.

"Huh?" gulat na tingin ko sa kanya.

"Kinakabahan ka ba?"

"Huh? Paano mo nasabi?"

"Ang lakas kasi ng tibok ng puso mo, Babe!" at nakakalokong ngumiti siya sa akin. "Iisipin ko na talaga na gusto mo na talaga ako."

"Gago!" sabay batok ko sa kanya. "Ihatid mo na ako bago magkaroon ng bagyo dito!"

"Sus! Kinikilig ka no?"

Inirapan ko lang siya na kinatawa niya. Bangongotin sana siya!

***

Inaantok na naglalakad ako papuntang school. Hindi ako nagpahatid sa driver ng mga Holman. Wala lang! Hindi ko lang feel. Siguro kasi nakakamiss rin iyong mga bagay na madalas kong gawin noon.

SakuraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon