Ang daming nagtitipa,
Ang daming nangungumusta,
Ngunit presensya nila'y 'di maramdaman
Kasi hinihintay pa rin ang iyong liham.
Ang daming bagong tao,
Ang daming bagong kwento,
Ngunit sa mga ngiti nila'y 'di ako nasisilaw
Kasi hindi naman sila ikaw.
Ang daming bagong mata,
Ang daming bagong mukha,
Ngunit hindi ko sila makita
Kasi ang basag kong kaluluwa ay ikaw pa rin ang paksa.