Pagkatapos ng Hulyo

315 6 0
                                    

Kung ito na ang ating huli gabi
At kinabukasan ay 'di na masabi,
Aaralin ko ang bawat tuldok ng iyong mukha
Na animo'y unang beses ko iyong nakita.


Kung araw ma'y 'di na kailanman sumikat
At ang mga ulap ay bawat segundong iiyak,
Gaya mo ay 'di na rin mababago ang isip ko,
Sa 'yo ko pa rin iaalay ang susunod kong kwento.


Kung pag-ibig nati'y magtapos
At mauwi sa matinding unos,
Tandaan mong walang magbabago,
Sa 'yo pa rin patungkol ang buong hulyo ko.

Melodies of the Forgotten CoastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon