CHAPTER 2

17 1 0
                                    

Cameron's POV

Kakatapos lang namin kumain sa KFC with my classmates. Nagkayayaan pa silang maggala pa pero di na ako sumama. Tinatamad na ako and I have so many things to do. Like passing thrones on my org and especially, Thesis.

Nasa parking lot na ako ngayon ng SM Megamall para kunin ang kotse ko. I hopped in and started the engine. Malapit na ako sa exit ng parking lot pero napatigil ako sa nakita ko. It was Ellie and that Paulo arguing. Buti na lang medyo malayo ako sa kanila at tinted yung window nitong sasakyan ko. Hindi ko sana sila papansinin at didirediretso na sana ako. Pero bigla akong napahawak sa manibela ko dahil sa nakita ko. Nakita kong hinawakan ni Paulo yung braso ni Ellie at mukhang nasasaktan ito. Naalala ko yung sinabi sa amin ni Kim tungkol jan sa Paulo na yan.

"That guy is insane! Alam mo bang sinabi nya kay Ellie na he's willing to sacrifice his life just to win Ellie's heart again!" Sabi ni Kim sa amin.

"Weird." Bigla kong nasabi. Well, weird naman talaga yun. Para lang sa isang babae, isasakripisyo nya yung buhay nya? Wtf. Babae lang yan. Madami yan sa tabi tabi.

"Weird talaga! Ilang beses na rin nagpalit si Ellie ng number at pili lang yung pinagbibigyan nya neto pero nakukuha nya pa rin!" Ang stalker naman nung Paulo na yun.

Hindi ko na napigilan yung sarili ko sa nakita ko. Nagpupumiglas si Ellie dahil hinahalikan na sya neto. Dali dali akong lumabas ng sasakyan at pinuntahan sila. He was about to kiss Ellie again but he kissed my punch.

"That's for you asshole!" Sa lakas ng pagkakasuntok ko sa kanya ay napaupo sya at kitang kita ang dugo sa kanyang mga labi. Pinahiran nya ito gamit hinlalaki nya at tumayong muli.

"Sino ka ba? Bat ka ba nangingielam sa aming dalawa?" Maangas nyang pagtatanong habang papunta sa akin.

"Sino ka rin para gawin iyon sa kanya? You aren't his boyfriend. You're just only his pathetic stalker." Aakma sana syang susuntok pero bigla ko syang naunahan nito. Counter punch, dickhead!

"Sa susunod na malaman kong hindi mo pa rin tinatantanan si Ellie, hindi ka na makakauwi ng buhay. Pasalamat ka, yan lang ang napala mo sa akin." Papabayaan ko na sana syang nakahiga sa sahig ng parking lot pero may nakalimutan akong sabihin. "And oh, tinatanong mo ako kung sino ako di ba?"

"Ako lang naman ang tagapagtanggol ni Ellie pag kailangan nya ko." Then I grabbed her hand and get in my car.

Ellie's POV

"Ako lang naman ang tagapagtanggol ni Ellie pag kailangan nya ko."
"Ako lang naman ang tagapagtanggol ni Ellie pag kailangan nya ko."
"Ako lang naman ang tagapagtanggol ni Ellie pag kailangan nya ko."
"Ako lang naman ang tagapagtanggol ni Ellie pag kailangan nya ko."
"Ako lang naman ang tagapagtanggol ni Ellie pag kailangan nya ko."

Ilang araw ko ng iniisp yung sinabi sa akin ni Cameron. Hindi mawala wala sa isipan ko. Lalo na pag oras ng pagtulog ko. Ano ba ibig sabihin nya dun? Double meaning sa akin eh. 'Wag ka ngang magfeeling jan! Hindi ka noon magugustuhan. Saka yung mga lalaking ganyan, pafall yan! Sabi ni subconscious. Siguro nga feeler lang ako. Hehe. Feelers gonna feel. Hihi.

"Ms. Montague!" Bigla akong nagulat ng sinigawan ako ng Prof. ko na si Mr. Custodio. Patay ka.

"Uh.. Yes, sir?" Nahihiya kong sagot dito.

"I'm calling your name for a hundred times at hindi mo man lang ako nililingat! Tuloy ka pa rin sa pag ngiti mo. Pwede mo bang ishare sa amin kung bakit ka ngingiti ngiti kanina pa?" Wtf ngumingiti ngiti ba ko?! "What, Ms. Montague?"

"S-sir, wala po.." aayusin ko na ba yung gamit ko? Yun naman na ang next na ipapagawa nya eh?

"Ahh, wala pala..." Nararamdaman ko na..

Eto na.. Sasabihin na nya..

"Fixed your things then get out of my room!" Boom panes.

Hay. Bat sa dinami raming Prof. ko eh si Mr. Custodio pa. Pms lagi to eh. First time 'tong nangyari sa akin. Siya pa naman ang dean ng Accountancy. Malamang sa malamang, may ibabawas syang puntos sa grades ko.

Buti na lang 4 hours ang subject ni Mr. Custodio after naman noon ay 1 hour vacant ako. Ibig sabihin, may time ako para gumala. Yahoo!!

"ELLIE!!!" Palabas na sana ako ng gate ng campus namin ng may tumawag sa akin. Paglingon ko, si Coleen at Angelika.

"Oh bat nandito kayo? Di ba hindi pa tapos yung klase ni sir Custodio?" Nakapagtataka naman talaga eh. Ilang minuto lang ako nawala eh nakalabas sila. Unless...

"Hindi naman namin hahayaang mawala ang isa sa tropa." Sabi ni Coleen while wiggling her brows. Si Coleen, classmate ko yan since 1st year highschool ako. Maganda sya, matalino at medyo childish. Minsn pikon at matampuhin. Pero bumibigay din yan pag sinusuyo mong makipagbati.

"Oo nga eh. Saka, hello? Ngayon lang namin ito ginawa!" Sabi naman ni Angelika. Eto naman, noong 1st year college ko naman sya aging classmate. Naging kaclose ko sya dahil sya yung lagi kong nakakasabay noong inaasikaso ko yung requirements ko sa pagpasok nung college. Mukha yan anghel pero kalog yan.

"Anong ginawa nyo?" Hindi naman basta basta nagpapalabas yung prof namin kung hindi ka gagawa ng bagay na ikaaayaw nya.

"Ginawa namin lahat para mapansin kami ni sir. Tulad ng pakikipagdaldalan at tulug tulugan habang may ipinapasagot sya sa amin. Haha!" Sabi ni Coleen. Tuwang tuwa pa ang lukring.

"Mga loka loka talaga kayo! Bawas points naman kayo nyan sa ipinagawa nya." Sabi ko sa kanila with a little bit of concern.

"Ano ka ba, girl. Nakakapagod ng magsolve ng problema ni X! May 3 years at 3 months pa tayo para makapasa jan! Yolo muna tayo! Woot woot!" Sabi ni Angelika. Hindi ko ba nasabi na si Angelika ay isang party people din? Pero hindi sya tulad ng iba na laging nagyo YOLO. Pag natripan lang nya at pag inaya sya ng mga kaibigan nya.

"Eh may pasok pa tayo eh. Di ba hanggang 9pm pa ang klase natin?" Sabi ko. Baka kasi mapunta 'to sa iniisp kong mangyari. Ang advance mo naman mag-isip. Hahahaha.

"Let's ditch! Sunduin ko kayo sa bahay nyo mamayang 7:30pm. Mag-ayos kayo ha! Ipapasyal ko kayo sa bar sa Makati. Mageenjoy kayo doon!" Sabi na eh. Eto talagang si Angelika.

"Anong bar yan?! Naeexcite na ako! Enebe!" Nasabi ko bang minsan itong si Coleen ang siyang pasamuno ng hindi mo paghindi sa mga alok ni Angelika?

"The Parthenon. You'll surely love this, girls!" Halos ata ng bar napuntahan na neto eh.

"Hindi ako sasama. Bye." Bago pa nila ako mapilit ay humindi na ako at sumakay ng jeep pauwi. Baka kung ano pang masabi nitong si Angelika at umoo ako sa guato nya. So, gusto mo nga sumama? Ewan ko sayo subconscious.

Unofficially YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon