CHAPTER 3

13 1 0
                                    

Kasalukuyan na kaming nasa The Parthenon. Angelika's right. It was really a nice place. Sa sobrang laki neto, para talaga syang Parthenon sa Athens, Greece.

Noong pagpasok namin dito, halatang kilala si Angelika dito dahil kilala sya ng mga guards and even the bartenders. Minsan nga ay tinatawag sya ng mga ibang tao dito sa bar na ito. Ang sabi nya, yung iba daw ay mga nakasayaw nya sa dance floor at hinihingi ang number nya o kaya naman kaibigan nya.

Ganito pala ang bar. Maingay at sobrang daming tao at nagp PDA. Ang taga bundok ko no? Pero party is not my thing. Siguro minsan, pero hindi ganito. Paano ba ako napasama dito? Simple lang naman. Pinuntahan ako ni Angelika sa bahay at sya mismo ang nagpaalam sa aking mama. Alam nya kasing hindi ko type ang mga ganito. Ang sabi ko pa nga sa mama ko ay marami akong gagawin pero hindi ko namalayan ang petsa. Friday pala ngayon at sabado bukas. Ibig sabihin wala kaming klase kaya pinilit ako ni mama na sumama na lang.

"Ellie, let's dance!" Hinihila ako ni Angelika papunta doon sa dance floor.

"Ayoko nga. Saka ang daming tao oh! Puro pawisan na yan for sure. Kadiri." Sabi ko sa kanya. Pero sa totoo lang, gusto kong sumayaw. Minamagnet ako ng dance floor pati na rin ng music.

"Oh, come on! Alam kong kating kati ka na sumayaw. Hilig mo kaya 'to! Saka, sayang naman ang pag-aayos ko sayo kung nakaupo ka lang jan hanggang sa umuwi tayo. Tara na!" Wala akong nagawa kundi magpahila na lamang kay Angelika.

Noong una, nahihiya pa akong sumayaw pero sa sitwasyon nila, parang wala silang pakialam. They are so wild. Kaya habang tumatagal, unti-unti akonh nakikisabay sa beat na naririnig ko. Ang sarap sumayaw! Nakakawala ng stress!

Pagkatapos sumayaw ay pumunta ako sa counter para manghingi ng tubig. Oo, tubig! Sa una nga ay nahihiya pa akong humingi kasi baka wala sila noon at dahil na rin kasi bar eto. Hindi naman kasi ako umiinom eh pero buti na lang meron.

Naramdaman kong may tumabing isang lalaki sa akin. "So, how are you?"

"Uy, Axel! I'm fine! Ikaw?" It was Axel de Veyra. Ate Kim's classmate.

"Same as you." He smiled. That smile can rip every girl's ovaries. Maski ako noong una ay namangha sa mga ngiti nya. But be careful. He can play with your heart. "Are you alone?"

"Nope. I'm with my friends." Napalakas ang pagkakasabi ko dahil sa lakas ng music sa loob ng bar na ito.

"Ah. Do you like it in here?" Lumapit sya ng bahagya sa side ko na nagpabilis ng tibok ng puso ko. Paano ba naman kasi, gwapo na nga sya ang bango bango pa!

"Like what?"

"My bar." Sabi nya. Teka.. tama ba yung narinig ko? "Haha! Para kang yung pinsan mo. Ganyan din ang naging reaction nya nung sinabi kong bar ko to." He laughed. Ayan nanaman sya.

"I.. I just can't believe you own this bar."

"You know what, there's more beautiful part in this bar. I'll show you." Hinawakan nya ang kamay ko at naglakad na kami.

Pumunta kami sa rooftop ng bar nya. At masasabi kong "AMAZING!!" Tanaw mo ang iba't ibang building at ang mga ilaw sa Makati.

I heard him chuckled. "Bakit mo nagustuhang magtayo ng bar, Axel? Eh di ba nag-aaral ka pa lang naman? Buti namamanage mo ang oras ng pagbisita mo sa negosyo mo at sa pag-aaral mo."

"For a graduating student like me, hindi naman mahirap iyon. At isa pa, isa akong de Veyra. Hindi mawawala sa angkan namin na mawalan ng negosyo."

"Kung sabagay. Isa nga pala sa mga top 5 billionaires ang family nyo. RK talaga!" Pagbibiro ko sa kanya. "But you're taking BS Psychology, right? Hindi mo ba gustong maging Psychologist?"

"Nah. Aanhin ko pa ang pagiging Psychologist ko kung may negosyo naman na ako na laging binabalik balikan? In fact, nakakatamad na mag-aral." Of course. For a guy like him, owns a bar that party people always go to, owns a billions of money and isang de Veyra. Sinong hindi matatamad sa pag-aaral? Kung ako lang mayaman eh. "I know what you're thinking." Sabi neto habang nakatanaw sa malayo.

Hindi ko na lang ito sinagot at tumanaw na lang din ako sa kabuuan ng Makati. Nakaka refresh ng utak. Nakakalimutan mo yung paper works mo at mga problema mo.

To break the silence, ako na ang unang nag-open ng topic. "P-parang New York no? Ang ganda ng mga ilaw."

"Yeah. Pero.."

"Pero ano?" Curious lang.

"Pero mas maganda ka." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nya habang sya pilit na pinipigialang tumawa.

"Alam mo, ang hilig mo talaga mambola!" Tinapik ko ang kanyang braso dahil sa sinabi nya. Sus! Kinilig ka naman! Tandaan mo, playboy yan! Sasaktan ka lang din nyan.

"Aray!" Ang oa naman neto hindi naman masakit yun.

"You deserve it, playboy!"

"Ang sakit naman nung sinabi mo. Hindi naman ako playboy. Nagsasabi lang naman ako ng totoo." Sunud sunod ko syang sinuntok sa braso. "A-aray ha!"

"Hay nako. Kung hindi ka lang kaibigan ng pinsan ko at hindi ka lang mayaman, itutulak kita."

"Hindi naman kasi ako nagbibiro. You look even beautiful as you were. Hindi nga kita nakilala noong una. Edi kung hindi kita nakilala agad, may biktima sana ako ngayong gabi." He smirk. Aakma na sana akong susuntukin sya pero bigla syang lumayo at umarteng natatakot.

"Ngayon lang naman to eh. Pansamantala lang kasi nagkayayaan." Sabi ko na lang.

He loooked at me at inilapit ang mukha nya sa mukha ko. "Maganda ka pa rin kahit anong gawin mo."

Iniwas ko ang tingin ko sa kanya dahil alam kong namumula ako. He's very good at this. Sa mga litanya nyang ito ay paniguradong matutunaw ka.

Well, si Axel naman ay mabait, sweet at makulit din minsan. Pero sabi ng pinsan ko, sya ang pinakamalapit sa mga babae. According to ate Kim, hindi yan nawawalan ng girlfriend or kafling. Kaya noong nalaman ko iyon, na turn off agad ako.

"You need this." Nabigla ako dahil ipinatong nya ang suot nitong leather jacket sa aking balikat.

"P-para saan 'to?"

"It's getting colder in here. You need to be warmth." I looked at him and he looked concerned.

"S-salamat, Axel." Hayy. Kung hindi lang talaga to matinik sa mga babae pw--

Natapos ang pagpupuri ko sa kanya ng biglang nagvibrate ang phone ko.

"Ellie! Asan ka na ba? It's already 12:30 in the midnight! Let's go home na. Si Coleen, nalasing na."

"Makasigaw ka naman? Nasa rooftop lang ako. Bababa na ako." At ibina ko na agad yung linya.

"So, goodbye na?" Sabi ni Axel.

"Anong goodbye? Uuwi lang ako no! Makagoodbye ka naman parang di na tayo magkikita?"

"Okay. I will wait for that." At bumaba na kami sa rooftop.

Unofficially YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon