CHAPTER 8

10 1 0
                                    

Hapon na ng makarating ako sa bahay. Dumiretso agad ako sa kwarto ko upang magpahinga. Simula na ng sembreak namin kaya hayahay na ulit ang buhay ko.

Habang nakahiga ay iniisip ko kung anong mga gagawin ko sa buong sembreak. Tulad ng pagmamaneho kahit wala naman akong sasakyan. Wala lang. Gusto ko lang matuto para pag nagkakotse na ako, pro na ako. Hehe.

Napabalikwas ako ng biglang tumunog yung phone ko.

+63916******* calling...

Unknown number. Hindi naman ko yan sasagutin. Hindi ko naman kilala eh. Inilagay ko ito sa cabinet at hinayaang ma-end ang tawag kung sino man yun.

Ang boring naman ng sembreak ko! Ngayon pa lang ay nakatitig lang ako sa kisame kong puti! Mga ilang oras din pala akong nagkulong sa kwarto ko. Kung lalabas man ako, kakain lang at muling aakyat.

Kinuha ko ang phone ko na matagal ng nasa cabinet ko.

50 missed calls from +63916*******

Hala! Ganoon ba ito kaimportante at tawag ng tawag ang number na ito?

+63916******* calling...

Yon! Sakto! Tumawag ulit. Agad ko naman itong sinagot. "H-hello?"

"Hi, Admirer."

T-totoo ba yung narinig ko? B-bakit? P-paano nya nalaman? Bigla kong naalala yung nangyari kanina sa school...

Mabuti na lang at wala na kong gagawin. Sembreak na namin! Ang saya saya! Madami akong balak gawin ngayon sembreak. Tulad ng pagmamaneho kahit wala akong kotse. Matagal ko nang gusto magmaneho noon pa man. Kaso, anong gagawin ko wala naman akong kotse. Wala ring magtuturo sa akin.

Nakababa na ako sa ground floor at nagkita nanaman kami ng lalaking iyon. Alam kong makakasalubong ko sya kaya naman dire diretso lang akong naglakad na parang di sya nakita.

Nalagpasan ko na sya at buti na lang di na lang nya ako pinansin.

"Bye, Ellie my admirer!!!"

Napatigil ako sa paglalakad dahil sumigaw siya. A-ano daw?! Admirer?! Kelan pa?! Nilingon ko ito at tumakbo papunta sa clinic. Nakatingin din lahat ng estudyante sa akin at nagtawanan.

"I hate you Cameron Felizarte!!!! I hate you! I hate you! I hate you!!!!"

Ibinaba ko agad ang linya ng telepono at itinagong muli ang cellphone ko kung nasaan man ito kanina. Paano naman nya nalaman number ko?! Stalker ko ba sya?! Saka ang lakas nyang makasabi ng admirer, baka sya naman yun? Hayy!!!

Wala akong ginawa kundi tadtarin sya ng "I hate you" sa utak ko. Kung nakakamatay lang ang pagsabi noon, kanina pa nagkanda pira-piraso ang lalaking yun. Ang hangin masyado!

Cameron's POV

I'm here at The Pyramid with Gyle, Alex and of course, ang may ari nito, si Axel. At dahil kasama namin sya, hindi kami nakihalubilo sa mga nasa baba. Nasa office kami ngayon ni Axel.

"Bro, kanina ka pa tumatawag sa kausap mo pero di ka naman sinasagot. Sino ba yan?" Tanong ni Alex. Oo kanina ko pa tinatawagan si Ellie. Hindi naman ako sinasagot.

"It's none of your business."

"Is it your victim?" Sabi ni Axel na pinagtawanan naman ng lahat.

"I said, it's none of your business." Tumayo ako. "Excuse me." Pumunta ako sa full length window.

"Di ka sasagutin nyan!" Gyle said. I mouthed him 'Shut up.'

For the nth time, I dialled Ellie's number again. Sana naman sagutin nya. I love to see her pissed.

Unofficially YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon