Chapter 1

9 0 0
                                    

"Hello Manilaa!!" tinanggap ko ang mausok na hangin ng aircon dito sa NAIA. Kinuha ko ang iPhone ko na may front camera pero lumang model. Selfie.

Instagram:
Touchdown, Manila!!

Facebook:
Hi Manila!!

Twitter:
'In the end, we only regret the chances we didn't take. Goodmorning manila!'

Di na nakakagulat saakin ang magkaroon kaagad ng maraming likes o anoman iyan sa accounts ko. Binabasa ko ang comment ang una ay sa IG, si Kian Mandrid kung di ba naman tanga tong kaibigan ko.

Kian Mandrid: Ingat ka diyan sa Touchdown Julie! :)

Sa sobrang talino niyan ay lagi akong itlog sa exams ko. Sakanya ako umaasa kase siya lang ang kaclose ko sa school. Lagi akong may photoshoot sa mga sikat na magazine noon. Ngayong graduate na kame ay mas lalong dumami ang mga offer ko, yun ang pinuntahan ko dito sa Manila.

May natanggap akong text sa manager ko, si Kuya Jayce ang pinsan ko sa singit. Joke, di kame mag pinsan pero iyon ang tanging palusot ko tuwing may nagseselos samin. Akala nila kami na, like ew.

Jayce Nassal: Hey, lets go out and have a lunch, Jul. After mong mag ayos sa condo mo. Text me if Im going to fetch you ah?

Nag reply naman ako ng 'okay' para sa effort niyang mag type. Dati kasi 'k' lang eh. Ibahin niyo naman ang simoy ng hangin sa CDO at ng Manila!

Oh yes. Kita mo nga naman toh! Sobrang plain ng condo ko! Huhu nakakaiyak. Yung tipong gusto mong idikit ang maleta mo sa dingding para lang mag karoon ka ng 'creativity' nilibot ko ang buong condo, sobrang lawak nito kung ikukumpara mo sa bahay namin sa CDO napag alaman ko rin na marami rin pala ako dapat maidagdag sa condo ko. Katulad nalang ng wallpapers, tables at iba pang furnitures. Napagisipan ko rin na ililista ko nalang ang kaylangan kong idagdag sa condo ko.

I am Julie Alcantara. May mga magulang ako ofcourse pero di kame close----

Its not what you think

Wala kaming galit. Joke, meron. Mahal na mahal ko ang kuya ko, kung kanino siya galit, galit din ako sa taong iyon. Nagalit si kuya kay papa noon.

Flashback

"Dad! I told you, ayoko ngang maging chef! Tutulungan ko bang mabuhay ang mga manok doon?" sigaw ni kuya kay daddy. Ngayon ko lang nakita ang mas pumangit niyang mukha.

"Dont you dare to shout at me Dave!" maawtoridad na sigaw ni dad. Napayuko si kuya habang si mommy ay umiiyak sa tabi. I understand things, kuya wants to be a Doctor dad wants him to be a Chief. Ang anak ng kaaway ni Dad ay isang Chief and now he's using kuya to compete with that guy. Pambihira!

-End of the flashbck-

And now, I dont know why he let me choose what I want pero si kuya ay siya pa ang pumili ng magiging trabaho nito.

Napailing nalang ako sa alaala ni kuya saakin. Its been a year na di kame nag kikita he's in Cebu, he's a doctor. gosh, ano kaya ang pag mumukha ni kuya ngayon? Namiss ko tuloy siya. We only communicate through facebook bihira lang sa skype. Ewan ko dun, nakakatampo tuloy. Sinulyapan ko ang relo ko at nakitang mag l-lunch na.

Me: J, fetch me now. Gutom na ako. :(

Jayce Nassal: You, stop sending me emoticons! U turning me on, Jul.

Anong nakakaturn-on roon? Porn ba yun? Gago rin paminsan si Jayce eh.

-Restaurant-

"Hoy, Jayce! Anong nakakaturn on sa emoyicon na sinend ko sayo?"

Matalim niya akong tinignan, parang nagbabanta na dapat maging pormal ako dahil nasa mamahaling restaurant kame. Bahala ka bawasan mo naman ang pride mo!

"Im.............. Gonnaaa......... Fly.......... Like a bird tonight!!!" pasigaw kong kanta kaya naman napatingin ang iba dito saamin

"kakanta pa mali naman ang lyrics"

"she's cute ahhahaha."

Tonight naman ang naririnig ko kay Sia eh. Ako pa ang mali? Grabe. Hinila na ako ni Jayce papunta sa bakanteng upuan

"Look, you're cute. Hay nako, nakakahiya ka lang" so kinakahiya niya ako? nag pout ako at tumingin sakanya nagbabakasakali na bawiin ang sinabi niya saakin habang nag babasa siya ng maaaring i-order. Wala kase akong alam sa mamahaling pagkain.

Hanggang ngayon ay di pa rin siya tapos sa pag babasa ng pagkain sa menu, nakakapagod mag pout dito!
"Waiter!"

"Put your hands up in the air like you dont care! Tenenenenetententen" kanta ko habang nakataas ang kamay niya sinyales sa waiter na kukuha siya ng order. "Can I get your order sir?" tanong ng waiter na babae

"No, you can get him" pamimilosopo ko sa waiter. "Julie!" pagbabanta niya. Tumahimik naman ako. Sinabi niya na kung ano ang gusto niya sa waiter at inutusan niya pang itawag ang chief para sa instruction ng paborito niyang pasta.

"Yes sir?"

DreamerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon