Chapter 2

4.9K 415 149
                                    

MAY NGITING nagmulat ng mata si Galene. She is excited to see her husband first thing in the morning. Umaasa sya na baka nasa mood na ito at matuloy ang naudlot nilang pagtatalik kagabi.

Ngunit unti-unting nawala ang ngiti sa labi ni Galene nang mapagtanto na sya na lang ang natitirang tao sa kama. Maayos na ang pinaghigaan ng kanyang asawa. Her husband left her without notice.

"I guess he's really busy." Galene can't hide the disappointment in her voice. Hindi man lang sya ginising ng kanyang asawa para magpaalam na aalis.

Imbes na mas lalong masira ang araw ni Galene, napagdesisyunan nyang tumayo na. Suot ang sexy lingerie dress, pumasok sya sa loob ng shower room at nagsimulang mag-ayos.

Galene stared at herself in the mirror. She is seeing the goddess-like beauty of a woman. She has foreign blood—may lahing kastila ang kanyang ina habang ang kanyang ama naman ay isang Pranses. Kahit na wala syang suot na make-up ay napakaganda nya. 

After she got married, she made sure na hindi nya pababayaan ang kanyang mukha at katawan. Kung itsura ang pagbabasehan, hanggang ngayon ay kaya nya pa ring makipagsabayan sa mga kabataan. 

"Aling Maria, kinain ba ni Adam 'yung niluto ko kagabi bago sya umalis?" Tanong nya sa mayordoma ng bahay. Matagal na itong naninilbihan sa kanila kung kaya't malaki na ang tiwala ng dalaga sa kanya.

Umiling ang ginang. "Hindi po, Ma'am. Nagkape lang po si Sir Adam. Mukha pong nagmamadali sya. Sabi nya po ay sa office na lang sya magbe-breakfast."

Galene bit her lips. Mariin nyang ipinikit ang kanyang mata. Kung tutuusin ay may karapatan syang mainis sa kanyang asawa, but she chose not to. Ayaw nya nang palakihin pa ang munting bagay na ito.

"Ganoon po ba? Pakibalot na lang po, Aling Maria. Dadalhan ko na lang po si Adam sa office nya." She decided to pay a visit to her husband's office. Matagal-tagal na rin simula ng magpunta sya sa kanyang kumpanya.

Yes, kay Galene Montenegro nakapangalan ang kumpanyang pinagtatrabahuhan ni Adam. She is the legal owner of the Montenegro Group of Companies. They specialized in gadgets and cars. It was a business na kayang buhayin ang susunod pa nyang angkan. Nasa lahi na talaga ng dalaga ang pagiging mayaman.

Hindi na sya ang nagma-manage nito nang maikasal sya sa binata. Adam took over the company. Ayaw na ayaw nito na hahawak sya ng papeles o magtatrabaho. Gusto lang nito na nasa bahay lang ang dalaga. For Adam, a wife should just serve her husband. At ang lalaki dapat ang nagtatrabaho.

Galene, on the other hand, ay wala nang nagawa kung hindi sumunod sa gusto ng kanyang asawa. She started a coffee shop na hindi alam ng kanyang pamilya pati na rin si Adam. She's getting bored staying at their house, lalo na't wala naman syang aalagaan na anak. Dito sya naglalagi sa tuwing sya ang naiiwan sa bahay. 

Halos trenta-minutos ang itinagal ng pagmamaneho ni Galene papunta sa opisina ng kanyang asawa. Marami pang branch ang Montenegro Group of Companies, ngunit nasa BGC, Taguig ang kanilang main headquarters.

"Good Morning po, Miss Galene."

"Good Morning po, Ma'am."

Panay bati ang natatanggap ng dalaga habang naglalakad. Ilag ang mga empleyadong kanyang nakakasalubong. Back then, she was known as the ruthless president of the company. Kapag trabaho ay trabaho. Ayaw nya ng tatanga-tanga at hindi alam ang responsibilidad.

Isang tipid na ngiti ang kanyang ibinigay. Bitbit ang kanyang niluto, dumiretso si Galene sa elevator at pinindot ang 50th floor.

Minutes later, she arrived on that floor.

"Narito kaya si Adam?" Hindi maiwasang magtaka ni Galene nang hindi nya madatnan ang sekretarya nito sa cubicle. She was supposed to be at her workplace. She took a peek inside Adam's office, ngunit wala naman syang makita. Pina-tinted ito ng dalaga noong sya pa ang nag-occupy dito.

Lustful Affair (Sin City Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon