Chapter 4

3.9K 325 117
                                    

"WHERE are you going, Reigo?" Tanong ng kanyang mga kaibigan. Mukhang napansin ng mga ito na aalis sya.

"Dyan sa baba. May nakita lang akong kakilala." She answered. Her gaze is still on Galene's sexy back. Hindi nito inaalis ang tingin sa dalaga. Nababahala si Reigo na baka mamaya ay mawala ito sa kanyang paningin at hindi nya na muli makita ngayong gabi ang ganda ng dalaga.

"Kakilala, huh?" James said and let out a smirk. "We all know that kind of look."

Mapanukso ang tinging ipinupukol ng mga kaibigan ni Reigo. They all noticed how her expression turned into a love-struck one. Someone finally caught her attention.

"Tsk. Oo nga. Kakilala. She's the owner of my favorite coffee shop." Hindi nagpakita ng kahit na anong emosyon si Reigo kahit na parang lumulundag na sa tuwa ang kanyang puso sa ideyang makikita nya nang malapitan si Galene.

"I gotta go. Babalik na lang ako rito mamaya." Kahit na nasa labas sya ay rinig na rinig pa rin ni Reigo ang pangangantyaw ng kanyang mga kaibigan. Napailing na lang sa sya sa kawalan. She doesn't have time to deal with them.

Hindi na nag-aksaya pa ng oras si Reigo at agad naghanap sa upuan malapit sa dalaga. Mula sa kanyang kinalalagyan, she can have a clear look at the girl.

"Oh God. She's so gorgeous. Ang ganda-ganda nya." Wala sa sariling turan niya sa kawalan. Reigo saw tons of girls tonight, but no one can beat Galene's beauty. She was mesmerized by the woman. Napakaraming salita ang pupwede nyang gamitin para lang ilarawan ang dalaga.

Galene was sitting on the seat in front of the counter. She was wearing a black, shiny silk dress. If you look at her, you may think that she's a conservative woman. Ngunit kung anong ikinabalot nya sa harap ay sya naming ikinalantad ng kanyang likod. Exposed na exposed ang likuran nito. Kaunting tuwad lang ay makikita na ang kanyang pang-upo.

Everyone can have a clear view of Galene's sexy figurine. She caught many people's attention, including Reigo.

Reigo was eyeing her intently. Surely, Galene took her breath away.

But something was bothering her. Kahit na malayo si Reigo ay kitang-kita nya ang kakaibang lungkot sa mata ng dalaga. Mamula-mula rin ang mga ito na para bang kakagaling nya lang sa pag-iyak. Something about her was off today. Hindi nya nararamdaman ang masayang aura nito.

"Excuse me, can you give this drink to that gorgeous lady in black on that corner?" Reigo kindly asked the waiter na dumaan sa kanyang harapan.

"Sya po ba?" The waiter asked. She nodded. "Nako, hindi lang po kayo ang unang nag-request nyan sa akin, pero ni isa po ay wala syang tinanggap."

Imbes na mag-alala ay napangiti si Reigo. She was relieved about the woman's action. Maingat ito at hindi basta-basta nagtitiwala.

"Thank you. Still, pakibigay pa rin nito sa kanya. And oh, wag mong sabihin na ako ang nagpapabigay."

"Okay po, noted." Nanlaki ang mata ng waiter nang makita kung gaano kalaki ang ibinigay na tip ni Reigo. Sampung tig-iisang libo ang ibinigay nito. Para kay Reigo ay barya lamang ito.

Sinundan nya ng tingin ang waiter. Hindi maiwasang mapahagikgik ni Reigo nang masaksihan ang naging reaksyon ng dalaga. Masama ang naging timpla ng mukha ni Galene. Nakakunot ang noo nito habang kausap ang waiter.

Tamang-tama at may bakanteng upuan sa tabi ng dalaga. Hindi na nagpatumpik-tumpik si Reigo at agad na nagpunta sa upuan na iyon.

"One margarita, please." She ordered. Using her peripheral vision, nakita nya na hindi man lang sya tinapunan ni isang tingin ni Galene. Nakatingin lang ito sa kawalan.

Lustful Affair (Sin City Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon