NAKATITIG ako sa kulay asul na ilaw ng electric kettle sa harapan ko——- Kakagising ko pa lamang pero sobrang sira na agad ang araw ko—- kapeng-kape na ako pero nakalimutan ko palang isaksak ang water despenser kaya walang mainit na tubig ngayon—- talagang minamalas nga naman talaga oh! —- Mag-isa ako ngayon sa condo unit ko dahil nasa out of the country trip ang pinsan kong si Gab—- ang nag iisang kasama ko sa buhay.
Matapos kong kumain at mag-ayos ay nagpasya akong buksan ang kurtina sa room ko at sinilip ang view sa ibaba——- mula sa 23rd floor sa isang sikat na condominium dito sa Katipunan ay kita ko ang tila mga tuldok na mga saksakyan at mga tao—— mataas na ang araw at kailangan ko ng pumasok sa trabaho..
Ako si Gia Avery Banal, isang taon ng Assistant Director ng tumatayong Father Figure sa buhay ko—— si Direk Dante Liwanag. Actually, hindi ko siya totoong tatay. Tatay-tatayan ko ito kapag ako ay nasa trabaho. Simula ng maging Intern ako sa prod team niya at makapagatapos—-ay kinuha na niya ako bilang part ng team at naging bahagi na din ako ng malalaking pelikula nito. At last year ay nakuha ko ang isang posisyon na dati ay pangarap ko lamang—— ang maging isang Assistant Director ng isang sikat na Direktor. Tama, Assistant Director na ako ngayon. Kaya mas lalo kong pinagbubutihan ang trabaho ko hindi lang para sa akin, kundi para narin maging proud ang mga tao na tumulong sa akin na makamit ang pangarap ko sa buhay. Pero alam ko, hindi lang dito natatapos ang pangarap ko—- balang araw, magiging ganap na Director din ako. Balang araw——
Wala na akong mga magulang, maaga silang tumakas upang tumungo sa langit at eto ako, naiwan dito sa mundo. Mag-isang nakikipaglaban sa iba't-ibang hamon ng buhay.
Pero wag niyo ako kaawaan hah? Malakas ako. Kaya ko lahat ng hamon na iyan. Kahit na mag-isa ako. Meron naman akong beshy slash pinsan na si Gab at ang Tatay-tatayan ko na si Direk Dante.
Paglabas ko ng unit ko ay sakto ang paglabas ng maingay kong kapitbahay na may pagka chismosa—— siya si Mads, isang babae na naiinggit yata sa gandang meron ako. Sure ako dun. Hello! Ganda ko kaya!
"Wow? Dahil ba walang nanliligaw sayo kaya magpapakatomboy kana? Yuck.." umismid ako ng marinig ko iyon. Paglingon ko, pumasok na ito sa unit niya.
Napahawak ako sa bagong gupit kong buhok. Last check ko sa salamin, okay naman. Bagay sa akin. Pixie hair cut na kasi ako ngayon. Siguro nagtataka sila kung bakit paiksi ng paiksi ang buhok ko. Pero wala akong pakialam. Wala akong dapat ipaliwanag. Eh sa trip kong magpaiksi. Bagay naman sa matangos kong ilong, sa maputi kong balat at sa mapupula kong labi. Ang hot kaya ng shorthair !!! Hello!!
BABAE ako. Straight. Sure ako.
Paglabas ko ng elevator, nakareceived ako ng text mula kay Direk Dante.
Shit!! Oo nga pala. Ngayon ko imemeet ang sinasabi ni Direk Dante na anak niyang Writer. Anak niyang never namin napag-uusapan. Siguro dahil sa sobrang pribado ng buhay nito, kahit sa amin na team niya ay hindi niya pinagsasabi ang tungkol sa anak niya. Ewan ko ba. Oh dahil hindi ko naman naitanong. Well, noong sinabi sa akin ni Direk Dante na ang story na isinulat ng anak niya ang susunod naming project na gagawin ay nagulat talaga ako.
Flashback
"Anak? As in Anak??" di makapaniwalang tanong ko.
"Oo Gia. I have a son, his name is Adrian Carlo Liwanag. He's a book writer na base sa Singapore for 5 years and napilit ko siyang umuwi dito para sa next project natin."
