Gia's POV
Pagpasok ko ng conference room ay prenteng nakaupo si Adrian sa upuan habang hawak-hawak ang iced coffee na ginawa ko for him. Nang makita niya ako ay sumama na naman ang tingin nito..
"Hindi stage ang tinatapakan mo kaya bilisan mo ang paglalakad dahil nasasayang ang oras ko sayo.." sabi nito sabay ayos ng upo. Sasamaan ko sana siya ng tingin kaso pinalipas ko na lamang at tahimik na akong umupo sa upuan.
"Alam mo Miss Holy, hindi ko naman na kailangan pa yatang i-pitch yung story ko sayo —- kasi sigurado ako, nabasa mo na ng paulit-ulit ang story ko. Pinabasa na for sure ni Paps sayo." sabi nito kaya napangiti ako.
"Paano ka naman nakakasigurado na binasa ko nga yung files ng story mo na sinend ng Dad mo?"
"Sigurista ka kasi." sagot nito kaya napangiti ako.
"Ito naman! Wala pang isang araw tayong nagsasama, kinikilala mo na agad ako! Adrian hah! Mga galawan mo!" biro ko dito kaya nagsalubong ang kilay nitong nakatingin parin sa akin.
"Anong pinagsasabi mo? Saan ka na dinala ng imagination mo hah? Yung totoo? Kakatakas mo lang ba sa mental?"
"Mental talaga? Tsk—- Okay, Just so you know—— nabasa ko na ng maraming beses ang story mo. At hindi ko nagustuhan." nanlaki ang mata nito.
"Excuse me??"
"Hindi maganda." isa pang sabi ko dito at pigil na pigil na ako sa pagtawa dahil hinuhuli ko ang magiging reaksyon niya.
"So wala ka palang taste" sagot nito sabay hawi ng buhok niya.
"Joke lang! To naman! Hindi ka na mabiro!!! Actually, interesting ang story. Pero ang dami kong questions.. Alam kong alam mo na ang serye na ito ay ang first BL series na ipproduce ng Santino Inc and with collaboration of Liwanag Studio—— hindi dapat tayo pumalpak.."
"Alam ko."
"Alam mo din ba na kapag naging okay ang series dito sa Pinas, possible na import ito sa ibang bansa??"
"No way..." di makapaniwalang sabi nito.
"Yes! Kaya wala tayong choice kundi maging mabait sa isa't-isa. Tandem tayo for this. Wag natin hayaang ma-disappoint si Direk Dante.. Okay?"
"We can't be friends—- but we can be co-worker. Just like what you said, wala akong choice." sabi nito— nilapit ko ang swivel chair ko palapit sa pwesto ni Adrian tsaka ko nilahad ang kamay ko..
"Again—- I'm Gia Avery—— your dad's Assistant Director—- nice meeting you Adrian Liwanag..." nakangiting sabi ko dito. Napapikit pa si Adrian bago niya daluhan ang kamay ko. Pinilit niyang ngumiti at maging nice sa akin.. At sana hindi na lang pala siya ngumiti—- kasi naman, kitang-kita ko ang dalawang dimples niya na mas lalong nagpadagdag ng kagawapuhan slash kagandahan niya. Feeling ko nag freeze ako ng ngumiti ito sa akin. Hello!! Ang lapit ko sa kanya!!!
"Hoy!! Yung kamay ko naman!!" nabalik ako sa wisyo tsaka ko binitawan ang kamay niya at dahan-dahang bumalik sa pwesto ko kanina.
"So let's start?" propesyonal na tanong ko dito. Tumango ito tsaka niya inusog ang iced coffee sa gilid para ilapit sa kanya ang laptop niya.
—
"Two lost souls na pagtatagpuin ng tadhana—- ang kakaiba, peraho silang lalaki—— Hmm, Adrian, ito bang sinulat mo, true to life story mo ba ito??" tanong ko dito at sobrang bilis mg sagot niya.
