Borta

70 6 4
                                    

Gia's POV

"Saan ba may kainan dito??" tanong nito habang panay ang usad ng sasakyan niya.



"Alam mo mag UP town center na lang tayo, mas madaming choices!"


"Malapit na ba iyon dito?"



"Oo! Paglagpas mo sa isa pang kanto, malapit na yung entrance ng mall dun!" nakatitig ako sa side view ni Adrian. He really looks like his Dad. Younger version, pero paminta nga lang. Makinis ang mukha nito. Sigurado akong wala itong gamit na concealer ngayon. Napakatangos ng ilong nito at nakikita ko ang malalim na dimple nito na kahit hindi ito ngumingiti at tanging pagkagat lang sa labi ang ginagawa niya ay lumilitaw na. His lips, parang korean ! Natural pink. Hindi lang ako sure kung totoong natural. Nahiya bigla ang eyebags ko at blackheads ko sa mukha. Grabeng pinagpala itong tao na kasama ko.



"Tapos kana?" napakurap ako ng marinig kong nagsalita ito.


"Hah?"



"Tapos ka ng maglaway sa ganda ko?" kasunod na tanong nito kaya natawa.



"Wow? GGSS yan siya! Hmpp—- oo nga, side view ka na lang hah! Ganda mo diyan!" Sinamaan niya ako ng tingin pagkahinto niya ng kotse.



"Pero mas maganda ako sayo hah!" pahabol na sabi ko dito.


"Saan banda teh?" tanong nito na ikinataas ng kilay ko.



"Maganda ako. Period." pinal na sabi ko dito tsaka ako bumaba ng kotse. Ilang sandali lang ay bumaba na din ito. Ngayon ay wala na siyang dalang bag.










Mga tatlong minuto na kaming naglalakad ng mapansin ko ang mga restaurant na dinadaanan namin.




"Hoy Adrian, hindi porket manlilibre ako ay sa mamahalin na restaurant tayo pupunta! Hindi mo pa deserve ng mahal na pagkain mula sa bulsa ko!" pagkaklaro ko dito kaya napahinto siya sa paglalakad.



"Ano kaba! Kaya mo yan!" tanging sabi nito. Hinatak ko siya ng liliko na ito papasok sa isang restaurant na alam ko, dessert pa lang, pang brandnew sneakers na ang presyo.




"Eydss!!!" pagpigil ko dito at napansin kong huminto ito at natawa siya. Binibiro ba niya ako?



"Sige na! Ano bang kaya ng budget mo——"









Pareho kaming napatingin ni Adrian sa Machong lalaking naglalakad at makakasalubong namin. Naka gym outfit ito at halatang-halata na banat na banat ito sa work out. Parang sabay na nag slowmo ang paligid——Hanggang sa nakalagpas na ito sa direksyon namin ay sinundan pa namin ito ng tingin. Pinaghahampas ko ang braso ni Adrian dahil sa kilig . Nagpipigil lang akong tumili dahil nasa mall kami. Nagulat ako ng nakangiti din si Adrian na napatingin sa akin at kagat-kagat nito ang labi niya ( obvious na kilig na kilig si bading)




"Nakita mo ba yun?! Nakatingin siya sa akin!!!" halos maihi sa kilig na sabi ni Adrian sa akin.



"Hah? Sa akin siya nakatigin Adrian! Hindi sayo!" pagkaklaro ko dito.



"Excuse me! Sa akin siya nakatingin!!! Sa akin." ayaw patalo na sabi niya.



"Ano ba? Mag aaway na lang ba tayo? Nagugtom na ako oh!" reklamo ko sa kanya tsaka ako naglakad upang maghanap muli ng best restaurant na keri ng budget ko.



"Ah basta, ako yung tiningnan nung Borta!" rinig ko parin na bulong nito habang sumusunod sa akin.





Pumasok kami ng Nono's dito sa UP town Center. Nag c-crave kasi ako ng Pork Belly Adobo nila.


PLOT TWISTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon