Holy

64 5 0
                                    

Adrian's POV

GRABE yung init sa loob ng conference room na iyon, ang lala ng pawis ng mukha ko. Mukhang unang araw ko pa lang dito ay hindi na maganda ang kahihinatnan. Mali yata ako ng desisyon na pumayag sa gusto ni Paps.

Speaking of Paps, ito na nga, tumatawag na sa akin. Siguro ay nagsumbong na yung Holycow na iyon. Napairap ako ng maalala ko ang nakakainis na pagmumukha ng babaeng sumira ng araw ko.

Pagpasok ko sa kotse ay tsaka ko lamang sinagot ang pang apat na tawag ni Paps.





"My God Adrian! Sinagot mo din!"





"Bakit Paps?"




"Anong bakit? Gia told me na umalis ka ng conference room kasi ayaw mong i-pitch ang story sa kanya dahil wala ako. Ano ba naman yan Adrian. Nasasayang yung oras ng team ko oh."



"Paps, sigurado ka bang yung Gia na tinutukoy mo ay yung Gia na nakausap ko? She's not professional!!! Akala ko ba mabait yun??? Nawalan tuloy ako ng gana mag pitch ng story!"




"Tinarayan mo daw siya Adrian."





"Deserve naman po niya."




"Adrian!"




"Paps! Pagsabihan mo yang babae na iyan. Alam mo bang hinanapan ako ng ID just to make sure na I'm your son. Hindi mo ba sinabi sa kanya na dalaga ang anak mo? I'm your daughter Paps!"



"Adrian Carlo Liwanag—— hindi ko alam kung nasabi ko ba ang tungkol sa identity mo. Pero Son parin kita at hindi iyon mababago." nasusuka ako sa sinabi ni Paps.




"Paps, akala ko ba tangggap mo na ako?"




"Yes. Pero——"




"Tanggap pero may "Pero?" ang labo mo din Paps eh. Hindi nga kita mabibigyan ng AC JUNIOR! Paps! Nasabi ko na to kay Mommy before. Wag kayong mag expect ng apo mula sa akin kasi di ko yun mabibigay.."




"Hindi na nga kita hahanapan ng Apo diba?"




"Akala ko kasi nakalimutan mo na ang kasunduan natin. Tss. Umuwi ako ng Pilipinas para I-grant ang wish mo na mag direk sa story ko. Sana naman after this, pwede ko ng gawin ang gusto kong gawin——- malayo dito."




"Decided ka na talaga?"






"Oo Paps. 100 % sure. Gusto kong maging legit na babae. Pangarap ko yun Paps." kahit sa phone lang kami nag uusap ni Paps ay rinig ko ang malalim na buntong hininga nito. Alam ko, hindi parin siya payag sa gusto kong gawin—— ang tuluyan ng maging babae..








"Pitch the story to Gia now and may meeting tayo with my team tomorrow morning." biglang sabi nito para maiba lang ang topic.




"Dad! Nasa kotse na ako! Ayoko ng bumalik doon! Baka pagbalik ko doon, dalawa na ang sungay nung Holy doon."



"Holy??" nagtatakang tanong nito.



"Banal" natatawang sagot ko dito and I heard him laugh.





"Go and meet her sa Arete. I will call Gia na babalik ka doon."





"Fine!!! Basta pakisabi dun sa babae na yun na mag behave siya!"






"Sana naman magkasundo kayo ni Gia. Matagal-tagal kayong magkakatrabaho."




"Hindi namin kailangan magkasundo. Trabaho lang."



PLOT TWISTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon