03

8 0 0
                                    

#StringedNeighbor03

"Anong dadalhin mong gulay bukas?" tanong sa akin ni Nikki.

Inayos ko muna ang palda ko bago umupo sa monoblock sa loob ng canteen. Hinubad ni Nikki ang bag niya at nilagay sa monoblock sa tabi kung saan siya uupo para i-reserve ng upuan si Nixon na hanggang ngayon ay nasa classroom pa rin at hindi pa tapos sa pagsusulat ng essay. Nauna akong matapos sa kanya kasi medyo gumaling ako sa English dahil sa pagbabasa ng subtitle tuwing nanonood ako ng K-Drama.

Pinatong ko ang kamay ko sa mesa. "Siguro kalabasa nalang, pampalinaw din ng mata 'yon, para luminaw ang mata ng mga bibili."

"Luminaw din ang pakiramdam nila na hindi sila ang gusto ng mga crush nila." Nikki said and chuckled.

Corny ang sinabi niya pero tinamaan ako.

"Corny." usal ko at inirapan lang ako ni Nikki. Magrereklamo pa sana ako kung bakit sobrang tagal dumating ni Nixon pero buti nalang ay nakita na namin siyang pumasok sa pinto ng canteen.

"Hirap noong essay. Five hundred words, english pa." naiinis na ani Nixon at umupo sa monoblock. Hinubad niya ang original niyang kulay black na Nike na bag at nilagay sa likod niya. Mula pa noong elementary ang bag niyang 'yon galing sa Tito niya.

Tinignan siya ng weird ni Nikki, parang nagsasabing sobrang ikli pa ng 500 words para sa isang essay. "E 'di sana all, Nik." ani Nixon at tumayo. "Anong order niyo?"

"Coke lang." sabi ko at inabot ang bayad sa kanya.

"Chuckie." sabi ni Nikki at inabot din ang bayad.

"May baon kayong ulam?" tanong ni Nixon.

"Meron." sabay naming sagot ni Nikki. Tumango lang si Nikko at pumunta na sa counter para mag-order.

Tanghali na at sobrang init talaga kaya nang maramdaman kong namawis ako dahil tatlong electric fan lang ang nakapalibot sa canteen kinuha ko ang pantali ko at tinali ang mahabang buhok ko. Naglagay din ako ng kaunting pulbo para mawala ang pagka-oily ng mukha ko dahil sa pawis. Si Nikki naman ay kinuha lang ang notebook at nagbasa ng notes para sa next subject nila.

Bumalik si Nixon dala ang dalawang bote ng coke, isang chuckie at isang lata ng sardinas. Sabay naming kinuha ang baon naming kanin at nilabas para magsimula nang kumain.

"Penge ulam." sabi ni Nikko at binawasan ang ulam kong longganisa.

"Bumili ka pa ng sardinas." I said sarcastically.

"Mukhang masarap eh."

"Siyempre ako ang nagluto." I proudly said.

"Parang p-in-rito mo lang 'yan eh." nang-iinsultong aniya.

Duh, kahit prito lang iyon ako pa rin ang nag-effort na magpatama sa talsik ng mantika.

"At least ako ang gumawa noh."

"Ikaw na." he said dropping to topic.

"Tumahimik nga kayo." suway ni Nikki. Hindi siguro maka-focus sa inaaral dahil sa ingay namin, edi sana sa library nalang siya kumain, kaso hindi rin pwedeng kumain doon.

Nixon motioned to zipper his mouth and then continued eating.

"Nix," hindi ko alam kung nagsabay ba kaming tatlo basta ang alam ko lang ay tatlong kaming magkakaibigan ay napalingon sa tawag na 'yon. Bukod kasi sa boses 'yon ng babae eh, ay mahinhin at parang pabebe ang paraan ng pagkasabi ng pangalan ni Nixon.

"Myca." ngumiti si Nixon matapos mabilis na nguyain ang nilamong kanin kasama ang longganisang hiningi sa akin.

"Nag-lu-lunch ka pala." aniya sa sobrang hinhin na boses.

Stringed NeighborTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon