Chapter 04

2 0 0
                                    

#StringedNeighbor04

Inalis niya ang kamay niya at bumalik ako sa realidad.

Dalawang bahay na ang layo namin sa kung nasaan kami kanina.

Masamang tingin ang binigay niya sa akin. "Sinabing tahimik lang eh."

Napaawang labi ko. "Ako pa talaga ang sisisihin mo? Hoy, Medina, kasalanan mo 'yon. Kung nagpaalam ka sana e 'di―hoy hindi pa ako tapos magsalita!" malakas kong sigaw nang makita ko siyang mabilis pero tahimik na naglakad papunta sa bahay ni Maong Hulyo.

Mas lalong napaawang ang labi ko nang makita siyang pinulot ang putol na sanga ng malunggay at mabilis na kinarga at bumalik na sa akin.

Napapikit ako. Kinakalma ang sarili.

Pero nang buksan ko ulit ang mga mata ko, nakita ko siyang may tagumpay na ngiti habang naglalakad na dala-dala ang sanga ng malunggay niya o mas tamang sabihin na malunggay ni Manong Hulyo.

Malalaki ang mga hakbang na lumapit ako sa kanya.

I stretched my arms and reached for his waist.

"Trel!" he shouted in pain when I pinched him. "Ang sakit!" reklamo niya.

Inirapan ko siya at mabilis na tumakbo bago pa niya ako maabot at makapaghiganti.

"Wow! Healthing-healthy 'yung mga makakakuha ng malunggay mo, pre. May kasama pang sanga oh. Saan mo binali 'yan?" tanong ng kaklase namin kay Nixon.

Ang ilan sa mga kaklase ko na nakikinig din ay natawa. Ang walang-hiyang si Nixon at natawa din. Akala siguro nakaka-proud ang ginawa niya.

"Sa kapitbahay!" humagalpak ng tawa ang bawat-isa na nakarinig ng sagot ni Nixon.

Muntik na rin akong mapatawa pero pinigilan ko ang sarili at dinala nalang sa irap.

Ito ang isa sa mga dahilan kung bakit pumapasok ako sa eskuwelahan. Kasiyahan.

School is fun. May mga kabigan kang masasabihan mo ng mga problema mo sa skin mo at mga kaibigan na pakokopyahin ka kahit mali ang sagot nila.

And just like that, months passed, and we are in our 2nd year highschool.

At si Jake, hindi ko pa rin nasasagot.

"Handa naman akong maghintay e." nakangiting sabi ni Jake sa akin habang naka-upo kami sa bench malapit sa gym.

"Sigurado kang ayos lang sa 'yo?"

"Oo, alam ko namang worth it kang hintayin."

Napangiti ako. Sa mga araw na nagdaan parang napansin ko na mabait si Jake at parang boyfriend material.

Pero kasi, iba talaga ang gusto ko.

Nagugustuhan ko na si Jake at si Nixon parang... mas lalo ko pang nagugustuhan.

Nag-alarm ang cellphone ni Jake. "Five minutes nalang klase na." sabay kaming tumayo. "Hatid na kita sa classroom niyo."

Iba na ang section ni Jake. Hindi na kami magkaklase tulad ng dati. Si Nikki na ang kaklase niya.

Hindi ko alam kung bakit nag-iba ang section niya eh pareho lang naman sila ni Nixon ng average, pero si Nixon kasama pa rin sa section namin.

"Bye!" ani Jake nang makapasok na ako sa classroom.

Mapanuksong tingin ang binigay sa akin ng ilan sa mga kaklase ko. Pabiro ko silang inirapan at umupo na ako sa assigned seat ko.

Kumunot ang noo ko nang hindi makita si Nixon. Lumipas ang ilang minuto at pumasok na ang subject teacher namin.

Stringed NeighborTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon