Prologue

10 1 0
                                    

As a child, I was always complimented by how I looked. They said I was beautiful, and I should be a model. I was taught that when I grew up, I would be the most beautiful model in the country; and that I would be scouted by a lot of agencies. 

Pero tanga lang ang maniniwala diyan. Hindi ako magiging model no, hindi ako pwede diyan. Hindi ako marunong maglakad na nakasuot ng sandals tsaka wala akong plano na maging model, hindi yan ang dream ko. Simula bata ako, gusto ko na maging isang magaling na aktor.

I want to be an actress.

I wanna be looked up to by people while I play different rules. If given I chance to achieve my dreams, I will immediately grab that and seize the moment.

So, when our teacher announced the most wonderful news that I heard in my life, I died.

Ms. Mae entered the classroom with a smile on her face. Natahimik ang mga kaklase ko, lumingon ako sa kaibigan kong si Amor, nakatingin na rin siya sa akin. Tinaas ko ang kilay ko at tumango naman siya.

"Ano kaya meron? Di pa naman niya time." Mahinang saad ko.

"Oo nga, baka may sasabihin lang." Tugon niya. Binalik ko ang tingin sa harap, nakita kong may inilabas siyang papel tsaka dinikit iyon sa kilid ng blackboard. 

"Good morning everyone, I have an announcement to make."

Sinubukan kong tignan kung ano ang nakalagay sa papel na inilagay niya sa blackboard pero hindi ko masyadong makita dahil nasa ika apat na row ako ng mga upuan. Ang nakita ko lamang sa papel ay ang kulang pulang kurtina. Even though hindi ko nakita ang nakasulat, alam ko kung ano yun. I grew up with those curtains.

"As the finals coming up, the school wants to have an event that will be held in the end of the semester. This is also considered as your major performance task in my subject; contemporary arts." She stated, I was nervously pulling the strands of my hair waiting for her to drop the bomb. " We will be having an inter-section theater play competition."

"YES!" 

My classmates turned their heads toward my direction when I jumped in so much glee. Oops, I wasn't able to contain my emotions, napatalon tuloy ako. Nag peace sign ako sa kanila bago dahan dahang umupo pabalik sa upuan ko. Natawa naman ang teacher naming si Ms. Mae bago nagpatuloy sa pagsasalita.

"I know you're excited Sera but wag mo naman gulatin ang mga kaklase mo." Natatawa naman akong tinabunan ang mukha ko. "I know you've been waiting for this moment dahil matagal mo na akong kinukulit na kuhanin kang actress sa mga theater play."

Taong teatro din kasi si ma'am kaya marami siyang alam na mga theater play sa labas ng school. Sinasabi ko sa kaniyang i-suggest niya ako sa mga director para masimulan ko na ang pangarap ko. Alam ko kasing kapag marami akong masalihan na play, mas mapapabilis ang pag laki ko sa industria.

"Ma'am naman.... nakakahiya." Mahinang saad ko, natawa naman ang iba kong kaklase.

"Alam na namin yan Sera, lage ka ngang may performance dyan sa harap pag breaktime, e." Saad nung isa, nagtawanan naman ang lahat. Dinilatan ko lang sila ng mata pero kalaunan ay natawa rin. 

"Anyway, we talked in the faculty office about the flow of the play. You will have your director, script writer, creative design, and most specially your actors." She said as she looked at everyone of us. "You will be the one to create the plot of your story and the main theme, make me proud STEM 11- Integrity."

Nagpalakpakan kami bago umalis si ma'am sa room para sabihin naman ang balita sa ibang section. Agad naman akong tumayo para lumapit kay Amor. Natatawa siyang niyakap ako, alam niyang matagal ko na tong hinihintay kung kaya't ganun nalang ang yakap niya sa akin. Umupo ako sa tabi niya bago ko hinawakan ang kamay niya. 

Theater of Tender TouchesWhere stories live. Discover now