Ang Pag-alis ng San Diego

16 0 0
                                    

Hapon ng Enero, habang abala si Amala sa kaniyang pag-aaral, may narinig siyang busina sa labas ng kanilang tahanan. Hindi niya agad nakita kung sino o ano ang nagbibigay ng tunog, ngunit alam niya kung saan ito nanggagaling. Tulad ng dati, sinalubong at pinapasok ni Amala ang kakarating lang.

"Ama! Magandang gabi po! Kukunin ko na po itong mga dala ninyo," sabi ni Amala.

Tinanggap ng kaniyang ama ang kamay ni Amala at masayang nagmano naman sa kaniyang ang anak. Pagpasok nila sa kanilang tahanan, masayang hinagkan niya ang kaniyang asawang si Salome. Pagkatapos magpalit ng damit pangtrabaho, pumunta na rin ang padre de pamilya sa hapag-kainan.

Masaya at abala sa pagkain ang pamilya nang biglang masira ang katahimikan, nang basagin ng balita ang hapag-kainan.

Nakita sa mukha ng bawat isa ang pangamba. "Totoo ba itong naririnig nating balita?" may pangambang naisasambit ni Henry, "May pangkalusugang banta ang hinaharap ng ating bansa?" ang naibulong naman sa sarili ni Salome, ngunit sapat para marinig ni Amala.

"Bakit kaya nangyayari ito? Kung ganitong naibalita sa national TV, mukhang totoo ang usap-usapan sa trabaho," may bakas ng pangamba sa boses ng kanilang ama.

Hindi rin naiwasan ni Amala na mag-alala nang marinig ang mga sinasabi ng kaniyang ama. Abala ang kaniyang isipan hanggang matapos ang hapunan. Natapos ang gabi na may bumabalot na katahimikan sa tahanan ng kanilang pamilya.

Kinabukasan, habang nasa kalsada upang ihatid si Amala sa paaralan, nagtanong siya sa kaniyang ama.

"Pa, ano po ang ibig sabihin ng sinabi ninyo kagabi?" tanong nito. Ngiti na may pang-aaliw lamang ang sinabi nitong, "Hindi pa ako sigurado, Amala," panimula nito, "Titingnan pa natin mamaya." Tumango na lamang si Amala at nagpaalam sa kaniyang ama bago pumasok sa eskwela.

Pinasigurado rin ng kaniyang ama na nakapasok na si Amala bago ito tumuloy sa trabaho.

"Tiyak akong nakarating sa inyo ang balitang may pangamba ng Corona Virus ang bansa," anunsyo at panimula ng kanilang guro. Binasag nito ang abalang pagku-kuwentuhan ng mga estudyante kanina lang. Nagising naman sa panandaliang pagkaidlip sa upuan si Amala.

"Nagbigay ng kautusan sa ating eskwelahan na may dalawang linggong walang pasok—" naputol ang pagpapatuloy ng guro nang marinig ng buong silid-aralan ang pahiyaw ng katuwaan ng mga estudyante.

"Tahimik! Bago kayo magdiwang, pakatandaan na ipasa ang mga dapat ipasa na pinapagawa sa bawat subject! Nagkakaintindihan ba?" paalala ng kanilang guro. Sumagot nang may tuwa ang karamihan. Mababakas sa guro ang tila kakaibang kapaligiran at napailing na lamang.

Natapos ang buong araw ng eskwela na ang tanging laman ng mga usapan ay ang dalawang linggong walang pasok ng mga estudyante.

"Akalain mo nga naman at walang pasok ng matagal?!" masayang kwento ng kaibigan. "Sa palagay ko magandang pahinga na rin ito; nitong mga nakaraang araw kasi naging abala tayo," sagot ni Amala. Tumingin naman siya sa karamihan, na tila hindi nababawasan ang bilang ng mga estudyanteng nasilaw sa dalawang linggong walang pasok na anunsyo.

Baka hindi na magkita ang magkakaibigan dahil matatagalang walang pasok. Sinulit ng bawat grupo ng magkakaibigan ang araw. Kaya natapos ang araw na iyon na umuwing may mga ngiti sa kanilang mga labi.

Kagaya ng dati, maghahapunan ng binanggit ng kanilang padre de pamilya ang mga katagang, "Maaaring gumanda ang buhay natin kung nasa Maynila tayo."

Bagay na nagpagulat sa kanila. "Bakit naman po ninyo 'yan nasabi?" tanong ni Amala. "May inanunsyong magtatanggal ng ilang empleyado sa trabaho," nagmasid ito sa amin na may kalungkutan. "Tila hindi tayo makakatagal kung wala tayong mapagkukunan ng pera dito sa lugar na ito," patuloy pa ng kaniyang ama.

"Kung ganoon ay magsisimula na tayo sa pag-impake, Amala," sita ni Salome sa kaniyang anak.

Malalim na ang gabi at nakaupo si Amala sa kaniyang silid habang nakatingin sa mga bituin. "Ang mga taong nakasama ko sa lugar na ito ng matagal ay magiging alaala na lamang," mahinang pagkakausap ni Amala sa kaniyang sarili. Mahina ring humikbi ito ng palihim.

Nadala siya sa mga bugso ng damdamin para sa lugar na kanilang tinirhan.

Habang naglalakad pauwi kinabukasan galing sa eskwelahan, tila mamamaalam sa pagpapahiwatig si Amala sa kaniyang mga guro at mga kaklase. Ngayong araw na kasi inasikaso ang mga papeles para sa pag-alis ng lalawigan ng San Diego. Makalipas ang isang linggo, nasa kalagitnaan na sila ng pagpasok sa daungan ng barko nang maghintay muna sila upang tingnan sa huling pagkakataon ang San Diego.

May kaginhawaan silang iniwan ang mga alaala sa naturang lugar.

Sa isip-isip ni Amala, "Hindi malayong hindi na babalikan ang magandang lugar na ito," at tuluyang umakyat sa barko. Para sa magandang kinabukasan, kinakailangan mag-sakripisyo upang hindi malulong sa pangamba. Nang makarating sila sa Maynila, hindi madali para sa kanila ang pag-adjust sa panibagong lugar.

Ngunit, dahil sa determinasyon ng kanilang pamilya, naghanap sila ng mapagkukunan ng pera at nakapag patayo ng negosyo.

Sa wakas, naging maayos ang kanilang kinabukasan. Ngunit, hindi pa rin nakalimutan ni Amala ang San Diego. Ipinapakita niya sa kaniyang mga kaibigan at kasama sa negosyo ang mga larawan ng kanilang dating tahanan. At sa bawat pagkakataon na may pagkakataon siyang bumalik, hindi niya ito pinapalampas upang muling maalala ang mga magagandang alaala sa lugar na kaniyang tawiran.

Sa kabila ng lahat ng nangyari, natutunan ni Amala na hindi dapat matakot sa pagbabago at sa mga bagong karanasan.

Sa halip, dapat itong tanggapin at harapin ng may tapang at determinasyon. Ito ang kaniyang natutunan sa pag-alis ng San Diego. Dahil sa mga pangyayari, nais niyang magdagdag ng mga kaalaman sa pagsasakripisyo at pagharap sa mga pagbabago upang mas maging handa sa mga susunod na hamon ng buhay.

REPurposedWhere stories live. Discover now