Ang Kabutihan sa Batong Buhay

11 0 0
                                    

Kilala ang kwentong ito sa probinsyang Surigao del Norte. Tinatawag nilang Batong Buhay.

Noong unang panahon, sa isang baryo malapit sa kagubatan, may isang bato na hindi kailanman tinutubuan ng kahit anong halaman.

Napakalinis at napakinis nito, na tila may nag-aalaga at hindi pinapabayaan. Paniniwala rin ng mga tao na naninirahan sa baryong iyon na mahiwaga ang malaking bato.

Isang araw, nagulat ang mamamayan ng Baryo Sugbay sa sigaw ng isang kapitbahay nila na si Berting.

Sumisigaw ito hindi dahil may nangyaring hindi kanais-nais, bagkus, alam ng mga tao na kabaliktaran ito. Dahil bakas sa kaniyang mukha ang gulat na parang hindi makapaniwala at halata sa kaniyang tono ang kasiyahan.

Kilala si Berting bilang isang sugarol, hindi naman ito ipinagkakaila ng lalake.

Aminado ito na nalulong siya sa iba't-ibang uri ng sugal. At hanggang ngayon ay hinahabol ng mga pinagkakautangan.

Nais na rin kasi nitong magbagong buhay para na rin sa kaniyang lumalaking pamilya.

Makailang beses na nagtago si Berting sa Kagubatan dahil sa mga humahabol dito. May kalaliman na rin ang gabing napansin ni Berting na may sumusunod sa kaniya.

Kabado sa maaaring mangyari sa kaniya ng gabing iyon, iniligaw niya ang mga ito para hindi masundan.

Nagpalipat-lipat ng puwesto si Berting, hanggang hindi na niya namalayan na nakarating na siya sa mahiwagang parte ng Kagubatan. Naiiyak si Berting dahil sa matinding kaba.

Sa mga nakalipas na oras na pagnilayan nito ang kahalagahan ng kaniyang buhay.

Hiniling niya katabi ang malayang malaking bato na bigyan siya ng malaking halaga sa kahit anong paraan. Para may maipangbayad sa mga pagkakautang.

Ipinangako na rin na ibabalik niya ito sa oras na guminhawa at nakahanap ng mapagkakakitaan.

Natatawa si Berting sa mga pinagsasabi dahil nagmumukhang siyang may sira sa ulo. Imposible rin na pagkaabalahan na tulungan ng iba ang patapong buhay na kagaya niya.

Nakatulog ang lalake sa matinding pagod.

Kinabukasan, nagising si Berting dahil sa mga gamu-gamo at langgam na nasa paligid. Pagkabukas ng mata niya, napadako ito sa gilid, hindi makapaniwala na tumayo at sinuri ang iba't-ibang hugis ng ginto sa tabi ng malaking bato.

Naguguluhan man, hindi na nagpapaligoy-ligoy o mag-aksaya ng oportunidad.

Dali-daling naghanap si Berting ng pagsisidlan ng mga tao ng ginto na nakikita lamang ng bihira. Inaayos nito ang mga ginto nang marinig niya ang tinig malapit sa paligid ng malaking bato.

"Binibigyan kita ng pagkakataon upang magbagong buhay, nawa'y gamitin mo ito sa tunay mong hangarin na ayusin ang 'yong buhay na ipinagkaloob ko sa 'yo," ani ng tinig.

"S-sino ka! Magpakita ka sa akin ngayon," nahihiwagaan na sigaw ni Berting.

"Ako ang tagabantay ng mahiwagang bato, at narinig ko ang kahilingan mo sa kalagitnaan ng gabi," ani ng tinig.

"Humayo ka na't maglakbay patungo sa iyong pamilya. Nawa'y 'di kaligtaan ang layunin ng iyong buhay," pahinang ani ng tinig.

Naglakbay si Berting patungo sa kanilang Baryo Sugbay. Ito ang eksena na nasaksihan ng mga tao sa baryo. Ikinuwento ni Berting ang karanasan sa malaking bato sa kagubatan.

Karamihan ay 'di makapaniwala, 'di naniniwala, nagbubulong-bulongan, at pinagbintangan na nagbibiro lamang ang lalake.

Ipinagsawalang-bahala ito ng mga tao. Makalipas lamang ang isang linggo, kumalat ang balitang misteryoso na 'di umano'y nabayaran ang lahat ng pagkakautang, nakapagtayo ng sariling negosyo, at tahanan si Berting.

Tumutulong si Berting sa mga tunay na nangangailangan.

Maraming nagselos sa karangyaan na tinatamasa ni Berting. Nang maalala ang ikinuwento nito sa mahiwagang bato, nag-suspetsa ang mga tao na baka nga'y totoong mahiwaga ang malaking bato sa kagubatan.

Nagkaisa ang mamamayan na puntahan ang loob ng kagubatan.

Halo-halong emosyon ang nararamdaman ng bawat isa. Ngunit pagkarating sa pwesto ng malaking bato, ibang-iba ito sa dating porma na mas kilala ng mga tao.

Maraming tuyong dahon at ligaw na halaman sa bato.

Mayroon ring mga basura. Itsurang isang bagay na matagal nang napabayaan ng matagal na panahon.

Dismayado ang mukha ng mga tao dahil sa nakikita sa paligid.

Masama ang kutob, at walang nagtangka na humiling. Nagpakita sa kumpol na tao sa isang gilid ang pinakamatandang naninirahan sa kanilang Baryo Sugbay, kilala bilang isang matandang ermitanyo at patas.

"Dumating na ang panahon, ang pagkakalaya ng diwata mula sa kaniyang matagal na pagdaramdam," sambit nito.

Nagtataka ang mga tao sa sinabi ng matanda. "Ano po pong nais o ibig nyong sabihin, Ka Ermi?" Tanong ng isa sa mga nakarinig.

Ipinaliwanag ni Tandang Ermi kung bakit naging ordinaryo ang mahiwagang bato. Ikinuwento nitong maaaring si Berting ang huling taong pinagkalooban ng kabutihan ng mahiwagang bato.

Noon ng kapanahunan nila, ang mahiwagang bato ay nagkakaloob ng kabutihan sa sinumang nais humiling, at may kondisyon na ibabalik ito makaraan ng isa o tatlong araw kung hindi naman ito pang matagalan na kailangan.

Sa pagdaan ng panahon, at naging sakim ang mga tao, kumakaunti ang nagbabalik ng buo, at karamihan ay paunti-unting hindi na nagbabalik. Nanghina sa labis na pagdamdam ang 'di nakikita na diwata, ang tagabantay.

Isang araw ay may pambihirang nagbibinatang nakakita rito, at naging magaan ang kanilang loob sa isa't-isa.

Hindi man batid ang pagkakaibang edad, naging matalik na magkaibigan ang dalawa. Tumagal ito, ngunit tinutulan at pinagwakas ito sapagkat hindi ito pinayagan ng kanilang pinuno.

Nangako naman ang pinuno na tutuparin ang kahilingan ng diwata, kung dumating at makakapagbigay ito ng kahilingan sa taong may hangarin na baguhin ang pananaw sa buhay.

Ito ang kahilingan at kaparusahan ng pinuno para sa diwata. Walang nakasagot sa mga taong nakikinig sa kwento.

Noon ay akala nilang alamat, ay totoong pamana ng kanilang bayan.

Nakaramdam ng pagkakasala sa kalooban ang mga ito dahil alam nila kung anong pakay nila sa Kagubatan. Nagpaalam din makalipas ng oras ang mga tao. Naglakbay rila pabalik sa Baryo Sugbay.

Naiwang mag-isa si Ka Ermi at nagkonsentrasyon sa paligid.

Nag-alay ng panalangin para sa umalis na diwata, kalayaan na alam ni Ka Ermi na matagal nang kinasasabikan nito.

"Kamusta, aking munting kaibigan," anang tinig ng isang babae.

Naiyak sa tuwa si Ka Ermi sa liwanag na nakikita sa kaniyang paligid. Tunay ngang nagbalik na ang kaniyang sinisintang kaibigan.

Lumapit siya rito upang bigyan ng mainit na yakap, sabik mula sa tagal ng pagkakalayo sa isa't-isa.

REPurposedWhere stories live. Discover now