Chapter 2

24 1 1
                                    

Kelly's POV

*kriing kriiing kriing*

alarm clock yan, wag kang ano. Oh Btw, Good Morningggg!!! 5:00 am palang, inagahan ko talaga ang gising ngayon. Ginawa ko na lahat ng morning rituals ko at binuksan ang laptop ko. Binisita ko ang account ni Kean sa instagram. Waaahh!!!! Ang gwapo talaga nya. ^_^ Sunod kong binuksan ang Facebook Account ko.
27 Friend Request, 2 Messages, 48 Notifications

Binuksan ko lang yung messages at sinunod ang notifications.

Kean Babies Tagaytay

Gabriela Croward
Posted: 1 hour ago
Hi Kean Babies :) Sino pupunta mamaya? Excited na ako :D Hihi ^_^ Kitakits there KBabies :*
115 likes •83 comments
Miyaki Tobashi: Kitakits ;)
Kellia Smith: See yah there :)

Tinignan ko lang ang ibang post sa group namin at nag accept ng ibang friend request then ni-log out ko na ang facebook ko. Tsaka ako bumaba para magbreakfast.

"Good Morning everyone!" bati ko sa lahat.

"Good Morning nak, sumabay ka na sa min magbreakfast" anyaya sakin ni mama.

"Sige po ma" at sabay sabay na nga kami kumain breakfast. Nagkekwentuhan lang kami ng biglang may kumatok.

"Ako na ang magbubukas" presinta ni kuya Kenneth.

"Good Morning!" bati nya sa amin.

"Oh? Naligaw ka yata dito?" tanong ko sa kanya.

"Wow Lia, Good morning din ha?" sarkastikong sabi nya. "Good morning tita Jen"

"Good morning din Dom, halika't sumabay ka muna sa 'min mag-almusal" anyaya sakanya ni mama.

"Naku! Katatapos ko lang po mag-almusal tita sa susunod na lang po" pagtanggi nya kay mama.

"Hay sige, kelan ka pa pala nakabalik hijo?" tanong sa kanya ni mama.

"Nung nakaraang linggo pa po tita." sagot nya. Nakinig lang ako sa kwentuhan nila at maya-maya pa'y naisipan na naming pumasok ni Dom.

"Tita pasok na po kami ni Lia" paalam nya kay mama.

"Sige, mag-ingat kayo ha?"

Just a Fangirl [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon