( this special chapter is a side story of knifekill's parents okie?)
ERRORS AHEAD !!
SPECIAL CHAPTER
"Halika feather! Bilisan mo upang maabutan pa natin sila!"
"Hahaha hintay lang Naman Liariza. Huwag kang masyadong magmadali"
"Paanong hindi? Nandyan ang prinsepeng hinahangaan ko! Subrang napaka-kisig."
"Ah iyun bang prinsepeng madalas mong ikuwento sa akin? Ang prinsepe ng kahariang Veileigh? Ang kaharian ng yelo..."
"Oo yun nga! Kaya halika na! Alam ko bang napaka-gwapo ng prinsepeng iyun? Ahhh~ Sana lamang ay mapansin nya ako. Alam ko na! Sasabihan ko si ama na ipag kasundo ako sa kanya!"
"Tsk... Tsk... Hindi ba ay may napupusuan na ang prinsepeng iyun? Balita ko ay--"
"Hindi! Hindi maaari! Sigurado akong gawa gawa lamang iyun feather. Huwag mo nga akong takutin!"
"Pero iyun ang narinig ko. Bakit hindi ka na lamang tumingin sa iba? Balita ko ay may bunso pa namang kapatid ang prinsepe?"
"Tsk ayaw ko! Mas gusto ko sa nakatatanda! At isa pa bihira lamang daw lumabas ang bunso. Masyado raw itong tutok sa aklat at ayaw ko ng ganoong lalaki! Masyadong seryuso sa buhay!"
"Haha ikaw rin. Bahala ka."
"Hayyy halika na nga feather! Bago ka pa hanapin ng iyung ama mamaya. Hindi pa Naman Tayo nag paalam HAHAHA!"
"Hala! Oo nga! Lagot ako nito kay ama liariza!"
"HAHAHA kaya nga bilisan natin upang makita mo ang lalaking napupusuan ko!"
Simula pagkabata ay naging matalik na mag kaibigan sina feather at liariza.
Si Liariza ay isang anak ng Marquis samantalang isa lamang anak ng Kabalyero(Knight).
Madalas na yayain ni Liariza ang dalagang si Feather upang may kasama syang mamasyal sa kapital kung saan madalas tumutungo ang mga dugong bughaw.
"Ahhh! Ayan na Sya feather! Napaka gwapo talaga nya!" Mahinang tili ni liariza habang tinuturo ang isang prinsepe na panay ngiti at tango sa mga taong bumabati rito.
Samantalang bagot namang nililibot ni feather ang paningin sa paligid.
Hindi Kasi Sya madalas lumabas ng bahay dahil iyun ang bilin ng mga magulang nya.
Mahigpit ang kanyang ama kaya't kadalasang nasa loob lamang sya ng kanilang tahanan o kaya ng bakanteng lupa nila kung saan Sya madalas nag eensayo. Isang Magaling at magiting na kabalyero ang kanyang ama kaya't hinangad nya ring maging katulad nito kahit na siya'y isa lamang hamak na babae.
Habang abala sa paglibot ng paningin ay di sinasadyang mapunta ang kanyang tingin sa isang nilalang na kanina pa nakatitig sa kanya.
Agad na nagtama ang paningin nila ng estranghero. Hindi malaman ng dalaga king bakit tila ayaw maalis ng paningin nya rito.
Hindi nya makita ang buong mukha ng estranghero dahil sa kapa nito. Ang alam nya lang ay nakasunod ito sa likod ng prinsepeng kanina pa tinuturo ng kanyang kaibigan na si liariza.
"Ah!" Naputol lamang ang kanyang pakikipagtitigan sa estranghero ng may makabanggaan Sya.
"P-Pasensya na..."
"Sorry. Sorry Lady..."
At ng araw ding iyun ay doon nya nakilala ang isa pang kaibigan. Si Tiron na anak ng duke.
BINABASA MO ANG
Reincarnate To Be Her (REVISING)
FantasyREINCARNATION SERIES #1 SYPNOSIS: She who died in a hopeless way. And she who died in a hurtful way. But only one who could survive and use one body. And that's when.. A mortal nobody became a replacer of a useless Princess. **ALL RIGHT RESERVED @20...