"A-Avorie? T-totoo ba 'to, ikaw ba talaga y-yan?" Naguguluhang tanong ko.
"Oo Eren, ako nga." Nakangiti man ay mababakas mo ang lungkot sa kanyang mukha.
"A-Avo, b-bat mo'ko iniwan?" Naglakas loob na akong magtanong.
"Hindi naman kita iniwan eh, kinailangan ko lang lumayo." Tuluyan ng nabura ang ngiti niya kanina.
"P-Pero bakit?" Naiiyak ko ng sabi.
"Eren, m-may sakit ako." Mapait siyang ngumiti.
"A-Ano? Bakit di mo sinabi agad? Edi sana nandun ako sa tabi mo, para may kasama kang lumaban!" Di'ko na naiwasang magtaas ng boses.
"Ayokong mag-alala ka." Muli'y pilit siyang ngumiti.
"Tang!na Avo! Sa ilang taong pagkawala mo, galit ang naramdaman ko! Tapos ikaw pala naghihirap?! Bakit naman ganun Avo?" Tuluyan na akong naiyak.
"Sorry Ren. Ayoko lang naman na makita kang ganyan." Naiyak na rin siya.
"P-Pero magaling ka na diba? K-Kaya ka umuwi?" Pilit kong pinasigla ang boses ko.
"Sana nga Ren, sana nga." Sabi nya at nagpahid ng luha. "Kaso hindi eh, bumalik ako para magpaalam. May taning na ang buhay ko. Hindi ko alam kung hanggang kelan ako magtatagal." Napahagulhol na siya matapos sabihin iyon.
Nanaig ang katahimikan, umupo siya sa tabi ko at sinandal ang ulo niya sa balikat ko. Magsasalita sana ako ng mapansin kong tahimik siya. Nang tignan ko ang muka niya ay putla na ang labi niya, pinulsuhan ko siya pero wala na akong makinig na tibok.
Naluha ako at ang luhang yun ay unti-unting naging hagulhol. Niyakap ko na lamang siya. 'Bakit ba kasi napaka daya ng tadhana mahal ko? Tila ba pinaglaruan lang tayo ni kupido. Pero kung sakali mang tayo'y muling magtagpo, sa ibang oras man o panahon. Ikaw pa rin ang pipiliin ko. Hanggang sa muli mahal ko.'
Brought you by: AysQwin
YOU ARE READING
AysQwin's Ink
RandomThis story will contain a lot of oneshot stories. Update will be twice or thrice a week. It can also be daily. But it will always depend in my mood.