"I was trying to fly but I couldn't
find wings
But you came along and you changed everything
You lift my feet off the ground
You spin me around
You make me crazier, crazier
Feels like I'm falling and I
I'm lost in your eyes
You make me crazier, crazier, crazi-" Naputol ang kinakanta ko ng may magsalita."Ganda ng boses." Sabi ng isang binatang may dalang gitara.
"S-Sino ka? B-Bakit alam mo 'tong tambayan ko." Tanong ko dito.
"Bakit, ikaw lang ba ang may karapatang pumunta dito?" Nakangiting tanong naman nito.
"O-Oo, akin tong tambayang 'to eh." Pilit akong nagtaray sa linyang yan.
"May pangalan mo ba?" Nakangiting tanong pa rin nito.
"W-Wala." Sagot ko.
"Yun naman pala eh." Umupo siya sa tabi ko.
He started strumming his guitar, tapos kumanta siya. Nakakabighani ang boses niya, ang ganda. Then before I realized, sumasabay na pala ako sa pagkanta niya.
Dumaan ang mga araw, naging mas close kami sa isa't-isa. Hanggang sa dumating ang araw na sinabi niyang gusto niya ako, at tinanong kung puwede bang manligaw. Sabi ko hindi ako puwedeng mag boyfriend hangga't di pa ako 18, sabi niya mag-iintay siya.
"Hindi ka ba napapagod maghintay sa'kin?" Tanong ko habang nag-eensayo kaming sumayaw.
"Siyempre hindi, ano ba namang tanong yan?" Sabi niya at iniikot ako.
"Ok. P-Pero Allen, g-gusto na rin kita." Naglakas loob akong magsalita. Ngumiti siya at nagsalita.
"I know Elyse. Pero nag-aantay ako sa panahong puwede na talagang maging tayo." Natulala ako saglit sa sinabi niya. So, alam na pala niya.
"Allen promise me, tutugtog ka sa birthday ko at ikaw ang magiging last dance ko." Sabi ko dito.
"Your wish is my command." Sabi nito at nagbow sa harap ko. "Kaya nga tayo nagpa-practice diba?" Dugtong niya at natawa kami pareho.
Dumating ang araw ng debut ko. Ang araw na sasagutin ko na siya officially.
Patapos na ang 18 roses pero wala pa siya. 'Asan na kaya yun?' Tanong ko sa aking isipan. Madami pang tanong ang pumasok sa isipan ko ng dumating ang lalaking kanina ko pa inaantay.
"Y-You came." Naluluhang sabi ko.
"Of course I will. Shall we?" Sabi niya at inilahad ang kamay niyang nag-aalok ng sayaw. Tinanggap ko ito at nagsayaw kami.
"Magpe-perform ka ba mamaya?" Tanong ko sa kanya.
"Ah hindi muna, naiwan ko gitara ko eh." Sabi nito
"Andaya, sabi magpe-perform daw." Kunwari'y nakasimangot na sabi ko.
"Atleast tinupad ko yung pangako ko na last dance mo'ko." Sabi nito at ngumiti, pero may kakaiba sa ngiting yun.
"Uhmm, Allen, pwede ka nang tumigil panliligaw sa'kin. Sinasagot na kita." Sabi ko habang nakayuko kaya di'ko nabasa ang ekspresyon ng mukha niya.
"Sayang." Bulong nito pero narining ko pa din kaya napaangat ako ng tingin.
"B-Bakit? Di na ba ako ang gusto mo?" Mahinang tanong ko.
"Hindi naman sa ganon. I will always love you, today, tomorrow and forever." Sabi niya at pinahid ang luhang di'ko namalayang tumulo na pala.
"Eh bakit?" Tanong ko.
"We fell in love with each other at the wrong time. Ampangit masyado ng timing. Pinagdamutan tayo ng oras. But always remember that I love you very much Elyse, and God knows that." Sabi niya na parang maiiyak na din.
"A-Ano bang sinasabi mo Allen?" Tanong ko ngunit bago pa man siya makasagot ay unti-unti na siyang naglaho. Napahagulhol na ako.
"Elyse what's happening anak?" Tanong ni Daddy.
"Mom, Dad, nakita niyo ba si Allen? Kasayaw ko lang siya kanina eh, tas bigla nalang siyang nawala." Umiiyak na turan ko pa din.
"A-Allen? Y-You were dancing alone in the wind darling." Kinakabahang sabi naman ni Mommy.
"N-No Mom, I was dancing with...with...with A-Allen." Pahina ng pahinang tugon ko.
Natigil ako sa pag-iyak ng dumating ang pinsan niyang humahangos, dala ang isang pamilyar na gitara.
"D-Dion si Allen?" Tanong ko nagbabakasakaling kasama niya talaga ito.
"I-I'm sorry Elyse, b-but he didn't get here. His car was bumped by a truck habang nagmamaneho papunta dito. Nawalan daw ng preno yung truck, but before he died he said that I need to give this to you. Marami daw kayong ala-ala sa gitara na yan, gift na din daw kasi birthday mo. Kakatwang isipin na kahit nasa bingit na siya ng kamatayan ikaw pa din ang iniisip niya. Ganon ka niya kamahal Elyse." Umiiyak na kuwento ni Dion.
"N-No this can't be! N-Nagjojoke ka lang di ba? Buhay pa naman siya diba?" Pasigaw na tanong ko kahit alam ko na hindi sya nagsisinungaling
"I-I'm sorry Elyse." Yan na lang ang nasabi ni Dion.
'Bakit Allen? Bakit ngayon pa, kung kailan mahal na mahal na kita. Andaya mo naman eh, antagal mo 'tong hinintay, tas ikaw pala ang mang iiwan. Andaya-daya mo talaga.' Sabi ko sa isip ko at napaupo nalang sa sa lupa.
Brought you by: AysQwin
YOU ARE READING
AysQwin's Ink
AcakThis story will contain a lot of oneshot stories. Update will be twice or thrice a week. It can also be daily. But it will always depend in my mood.